Chapter 1

95 3 1
                                    

"Serr!"

Aray ko naman po. Sa pintuan lang ng lab nakadungaw si manong guard ha, pero ang lakas ng impact ng pagtawag niya sa akin. Nakakagulat naman kasi. Tutok na tutok ako sa computer screen ko sa kagustuhang matapos lahat ng encoding ng paper works. Kasama na dun ang internet surfing, syempre. Nasa kabilang dulo ng kwadradong lab room ang working table ko pero nakasandal sa pader ang screen ng computer. Bale, nakatalikod ako sa pinto kapag nagtatrabaho. Hinarap ko muna si manong guard, yung tipong 'bwiset, anong problema mo't nanbibigla ka, nong?'

"Mauuna na akong umuwi, ha?" sabi niyang astigin. Angas lang. At lumakad na nga paalis.

Di man lang muna ako inantay na magsalita, pero sumagot na rin ako ng "oke," bahagyang sigaw na pinahaba pa ang 'eh,' sabay fade away habang ibinalik ang tingin sa computer screen.

Ang paalam na iyon ni manong guard ay nangangahulugang 6 PM na. Oh yes, nakita ko ngang madilim na sa labas. Kailangan ko na ring pansamantalang itigil muna ang ginagawa ko't ipagpabukas nalang. Mahabahaba pa kasi ito.

- - -

That was my usual routine during weekdays. My body clock wakes me up at 6:30 in the morning. Except on cold mornings when it sometimes extends to 7:30. Mag-ooctober palang naman so hot rainy season pa. Kapag 7 AM na, bread and milk breakfast, or fried rice, o minsan wala talaga, depende sa mood ni mama maghanda ng almusal. Ligo, bihis, alis. At 7:45, I would be on my way to work.

I would arrive at school before 8 to try not to be late. May deductions kasi sa sweldo ang late, pero wala namang overtime pay, tch. Oh! I failed to mention, yes, I am a teacher, a high school science teacher to be exact, and I was the newest addition to the family that time, the youngest too. And to tell you the downside of being the 'baby' teacher of the campus, when they'd known I was computer literate than them, I was given most of the paper works. Encoding reports, making layouts, and sometimes tutoring them how to encode in MS Word and even help them with 'how do I place these pictures in facebook?' kind of things, with the pressure of having it done asap. Bago lang daw kasi, bawal pang magreklamo. Magaling kasi, maximizing resources kung baga. Gumagawa kasi ng pangalan, sumisipsip naman din paminsan-minsan. Ito ang dahilan kung bakit inaabot ako ng 6 PM sa harap ng computer dati. Halos iwanan ko na nga na nakatiwangwang ang mga estudyante sa classroom ng dahil lang sa 'asap' na yon. Minsan nga 8 PM pa kung talagang malala na ang 'asap,' na dahilan para makilala ko yung guard sa night shift, nakakakwentuhan ko pa minsan, kaya mas lalong ginagabi ng uwi. Minsan naman kapag aalis na ako at wala pa si night guard, ako pa ang magsasara ng gate. Ibig sabihin, madalas akong maiwan mag-isa sa campus noong mga panahong yon.

Buti nalang at malapit lang sa gate ang computer laboratory room kung saan ako nag-iistay. Ako ang inatasang lab in-charge that time. Lahat ng sampung computer sets ay itinabi ko sa pader ng kwadradong room, nasa walls lang kasi ang mga functional outlets. Nilagyan ko rin ng makakapal na kurtina ang lahat ng glass windows para hindi madaling kumawala ang lamig ng aircon. Swerte nga eh, kami lang ni Principal ang naka-aircon. Siya sa office niya at ako sa lab. Pumuti rin ako nun ha ng dahil lang sa aircon. Sa kapal naman ng kurtina e halos di na malaman kung may araw pa ba o wala, aksaya din sa kuryente kung magbukas ako ng ilaw sa umaga, kaya't nasanay ako na kahit sa gabi ay hindi bukas ang ilaw lalo na't bukas naman ang computer.

Malawak din ang school ha, kala mo. Mangilan-ilan lang ang ilaw sa gabi. It is surrounded by mud clay marshes with tall wild grasses and 'palm-something' plants. Ang campus gate ay nasa dulo ng kalsadang papasok galing sa highway. Kung iisipin mo, nakakatakot din ang campus sa gabi, kasama na ng mga kwentong kababalaghan ng mga matagal nang teacher dito at ng night guard. Hindi naman ako takot, sa totoo lang. Isang beses nga na ginabi ako ng trabaho at pauwi na ako pero sarado pa yung mga ilaw kasi nakalimutan ni manong guard na mag-rounds bago umuwi, ako pa mismo ang lumilibot sa campus para buksan yung mga ilaw. Napakabait. Atapang atao din kuno. Actually, gusto ko din naman kasi makita yung mga kinekwento nila kaso wala e. Wala talaga.

The Tale of a ClairsculptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon