My head hurts.
This realization hit me along with something that pains my leg more like it was pinned with hundreds of needles.
Kaya agad kong binuksan ang mga mata ko at napabangon akong nakatukod sa siko para tingnan ang paa kong sumasakit.
"O! okay ka na?" sabi ng boses ng babae.
Sinundan ko kung saan galing yung boses. Lumingon ako sa kanan at nakita ko siya. Isang pamilyar na babae ang nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga.
Hindi ko siya nasagot, kasi saka ko lang napansin na nakahiga nga ako sa kama na pulang leather ang balot. Lumawak ang tingin ko sa buong paligid. May iba pang kama malapit sa akin, at may mga nakahiga ring may iba't ibang expression sa mukha pati na ng mga nagbabantay sa kanila. Nasa ospital nga ako, di ko lang alam kung aling ospital.
Tiningnan ko ulit yung babae, masasabi kong masmatanda siya sa akin, siguro nasa early thirty's. Hindi naman siya payat, mukhang banat sa work out o trabaho ang katawan niya. Parang amazona ang aura niya. May hawak na siyang cellphone ngayon, nakayuko, mukhang nagtitext. Siya siguro ang nagdala sa akin dito.
Tama, siya nga. Siya yung isa sa mga babae na nasa sementeryo rin kagabi. Pero bakit siya lang?
Tumingala siya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngumiti siya at nagsalita.
"Mae nga pala," malambing ang boses niya. Tumingin lang ako sa kanya, di ako sure kung anong sasabihin. Hinawakan niya ng mahina ang braso ko, "sandali lang ha, kakausapin ko lang ang doktor nang makalabas ka na." At tumayo na siya papaalis.
Ngayon naman ay binigyan ko ng atensyon ang kalagayan ko. Nananakit parin ang harapan ng binti ko, ito yung bahagi na tumama doon sa plant box. Buto pa naman. Naalala ko tuloy kung bakit ako natumba, naalala ko tuloy kung bakit ako tumatakbo, naalala ko tuloy kung bakit ako pumunta ng sementeryo.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng ward ng ospital. Gabi parin. Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. Naalala ko tuloy ang cellphone kong cherry mobile, yung pinakamaliit na unit, cutie. Kinapa ko ito sa bulsa at nandon pa naman. Kaya kinuha ko ito at umayos ulit ako ng higa para tingnan ang cellphone. Ilang minuto palang makalipas ang alas-nwebe, at nagtext na si mama kung anong oras daw ako uuwi. Wala po akong load.
Maya-maya'y bumalik na si Ate Mae, may kasamang lalakeng nakashirt at naka-jeans, kaya bumangon na ako para umupo.
"Hi, Matthew! Kumusta ka na?" masayang bati ng lalake sa akin. Siya ba ang doktor? Parang wala naman sa itsura niya e. At teka, pano niya alam ang pangalan ko?! Tinitigan ko lang sila ng mabuti. Napansin siguro ito ni Ate Mae.
"Ahehe..." natawa siyang naningkit ang mata, "tiningnan kasi ni Charis yung wallet mo kanina, kaya nalaman namin ang pangalan mo, sorry..." Hindi na ako kumilos para kapain kung nasa bulsa sa likod ng pantalon ko yung wallet, nafi-feel din kasi ng pwet ko na nandoon pa yun. Tumitig lang ako sa kanila. "Si Charis, yung kasama natin kagabi..." pagpapaliwanag pa niya, pero tahimik parin akong nakatingin. Di ko pa naman kasi alam ang sasabihin. Napansin siguro nila na baka wala akong balak magsalita, kaya sila na muna ang nagsalita. Nang tumingin naman si Ate Mae sa kasama niya para sana ipakilala ay siya namang nauna na para magpakilala.
"Joseph pala, pare," sabay abot ng kamay niya para makipagkamay.
Agad ko namang iniabot ang kamay ko, ayoko namang umastang snob na gangster sa mga taong 'to na tumulong pa sa akin, sinamahan ko na rin ng ngiti. Saka naman dumating ang isang nurse na may dalang tray.
"Doc, eto na po yung gamot," sabi ng nurse.
"Ah. Sige, akin na..." nagdadalawang-isip pang iniabot ng nurse ang tray kay Joseph, "ako na bahala, salamat," pangiting sabi pa ni Joseph dun sa nurse.
BINABASA MO ANG
The Tale of a Clairsculpt
ParanormaleI just want to tell my story. This is not a horror story like those you usually read pero oo, paranormal siya. Extraordinarily paranormal. Ako nga pala si Matthew, 25 years old. I do not intend to hurt you, but this is my story. THE TALE OF THE CLAI...