Chapter 5

45 0 0
                                    

"So, ready ka na?"

Tinanong ako ni Ate Mae. Nakatingin silang apat sa akin. Nasa loob na kami ng barracks, at magsisimula na ang mga matitinding rebelasyon sa kung ano man itong mga nangyayari sa akin, at kung sino sila.

- - -

It was exactly 10 AM when I walked out the door of my house. Actually, ready to go na ako ng 9:40 that time, pero sinabi ko sa sarili ko na alas-dyes na ako lalabas para tingnan kung nadun na sila para sunduin ako. Ayoko naman kasi maghintay sa labas na mukhang tanga kung isang malaking biro lang yung lahat ng mga nangyari at mga paguusap sa ospital. Pero I admit, I was also excited to meet them, more than the bits of information that I will be getting. Hindi naman ako na-disappoint, kasi by the time I looked out to the street, nandun na naka-park sa kalye yung Audi ni Jo, at nakasandal siya sa kotse niya na halatang may hinihintay. So, ako na ang nahiya, tumakbo na ako papunta sa kotse. Binuksan niya yung pinto ng back seat at dun naman ako sumakay. Noon ko nakilala si Xyrus, X [eks] for short, o pwede naman daw Xy [sai], pero mas-prefer niya ang X. Sa passenger seat siya sa harap nakaupo.

Oh. I am so sorry I haven't introduced my new friends yet, ngayon lang kasi dumating sa kwento si X. -_- ikli naman masyado ng nick -_-.

I will have to tell you how they look. Don't be surprised I know them that much, kasi, just be reminded, that I am telling you the beginning of my Clairsculpt journey which happened more than two years ago, and since then, we've been very good friends. nwei. So, here they are. (Present ages are given but surnames might be too controversial to reveal :)

Ate Mae, 32, is an amazona. That's the exact word for her. Isipin niyo ang look ni Janine Tugonon, almost the same. Almost lang, kasi mas may laman si Ate Mae. She's got long straight hair na panay naka-pony tail. Morena kasi landscape artist. Nasa 5'4" ang taas niya, tantya ko yun kasi 5'5" lang ako. Seriousness 'tong si Ate.

Joseph, 27, is the guy next door. Imaginin niyo nalang ang itsura ng isang lalake na doktor na 28 years old. MD na siya sa edad two years ago nung una kaming magkakilala, bagong practitioner lang siya non, ibig sabihin matalino AT mayaman, may Audi eh. Sanay sa aircon ang balat. Gusto niya palaging naka-semikal. 5'7" ang height at medium built, pareho kami, pero uso sa kanya ang gym at madalas nakangiti kaya guy next door. Ba't ba kasi tinawag na 'guy next door'? Sagot, dali.

Charis, 26, is a tinkerbell, masmataba lang, pero hindi mataba, singkit, straight ang buhok na shoulder length, at may bangs. Sobrang energetic. Tahimik sa loob kung wala siya. Sa BFAR siya nagtatrabaho kaya nabahiran din ng tan. Siya, ako, at si Jo, ang madalas na laman ng selfie.

Xyrus, 28, is the real complete total perfect nerd. HAHA XD de joke lang, sobra naman. Pareho sila ni Ate Mae na serious type, pero minsan lokoloko din. At 'tong si X ay adik sa physics, palibhasa, engineering student dati na ayaw naman mag-take ng board exam dahil nag-eenjoy na siya sa online job niya as a web programmer. Buhay bahay, kaya maputi din. Apat ang mata, thick black framed glasses, kulot ang buhok na medyo mahaba, yung tipong pedro penduko, tapos, payat. Kahit pareho lang naman talaga sila ng height ni Jo, dahil payat si X ay mukha siyang masmataas.

Matthew, 25, ako yun, cute.

XD

I hope you now have some human figures to move and play in your mind while reading this.

Balik tayo sa past. Sa kotse, sinabi na agad sa akin ni Joseph nun na hindi siya pwedeng magkwento tungkol sa mga pwedeng pag-usapan sa barracks, kaya niya isinama si Xyrus para may susuntok daw sa kanya sakaling madulas siya dahil excited magkwento. Naiwan daw si Ate Mae at Cha sa barracks para maghanda ng lunch. Kaya sa buong biyahe, kasi halos kalahating oras din yung biyahe galing sa bahay ko, mga kwentong pasyente ang dinaldal ni Joseph. Sumasagot naman nun si X at nagrereact sa mga kwento ni Jo kahit busy sa games ng cellphone, pero ako yung tawa ng tawa. Nakakatawa naman din kasi kahit di ako masyadong makarelate, or maybe I was just playing nice that time kaya tumatawa nalang din ako.

The Tale of a ClairsculptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon