"...we think you can hold spirits with your bare hands."
Oh. So, confirmed na nakakahawak nga ako ng mga espirito. But yeah, I kinda prepared myself for that possibility already. Siguro, I'm still trying to process the information kaya napatigil muna ako at hindi nakapagsalita, at hinayaan naman nila ako na magload. Pero sandali lang...
"Yan ba yung ability ni Ate Ness?" Tanong ko, not to anyone in particular.
Tinitigan lang nila ako na parang na-shock sila sa sinabi ko.
What?
Pagkatapos nilang magtinginan na parang pahiwatig na okay lang sumagot sa tanong ko ay nagsalita si Ate Mae.
"No, it was not. In fact, she didn't have any psychic ability." Marahan niyang sagot.
"So, bakit... sorry to ask, pero bakit siya kasama sa inyo kung wala siyang psychic ability?" Tanong ko ulit. Tinitigan lang nila ako ulit. May mali ba sa mga tinatanong ko?
"Because her ability was to..." Napaisip muna si Ate Mae.
"Siya yung guardian angel namin." Dugtong ni X.
Tumango naman si Jo at sinabing, "siya yung white light sa lahat ng darkness na pinupuntahan namin."
"Oo, pero more like, siya talaga yung pangontra namin sa evil spirits," dugtong naman ni Cha.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa dati nilang kasama pero nung tiningnan ko sila ay mukhang hindi magandang gambalain ang memories nila sa oras na iyon. Kaya "okay" nalang ang nasabi ko.
At tinitigan na naman nila ako ng matagal. Ano bang problema nitong mga to?
"Matt," sa wakas ay binasag ni Jo ang katahimikan, "okay ka lang?"
Ha? Bakit ako? Okay lang naman ako, baka kayo? Okay lang kayo?
"W-why?"
"I mean..." Jo tried to explain.
"Matt," sabi ni Ate Mae, "may psychic ability ka."
"Yes, I think so, too." Mabilis kong sagot.
"Pero hindi siya pangkaraniwan..." huminto muna siya at tumingin sa akin.
Tiningnan ko lang din siya sa mata bilang pahiwatig na gusto ko siyang magpatuloy sa kanyang sinasabi.
"...dahil ngayon lang namin nalaman na mayroon palang psychic ability na kayang mahawakan ang mga espirito. We tried looking it up in research, news, and even myths, pero mabigat ang paniniwala ng mga paranormal experts na limited lang sa sights, hearing, feeling, smell, at taste ang psychic abilities. At kung meron mang 'touch' ay isa lang itong haka-haka. But here you are, showing us this extraordinary signs of a newly discovered ability."
Oh. That makes me special then.
"Yes..."
Ha? Did I say that out loud?
"...all of us are actually having doubts with what is happening right now." Pagpapaliwanag ni Ate Mae.
Tiningnan ko sila Cha, Jo, at X. Nakatingin din sila sa akin na para bang binabantayan ang aking mga reaksyon. Naghihintay akong sila din ay may sasabihin tungkol sa pinagdadaanan ko pero sa kanilang katahimikan ay naunawaan ko na nagkaintindihan silang si Ate Mae na ang bahalang magpaliwanag ng lahat ng ito.
"We believe you want to have concrete answers about these things that are happening to you, same as how we badly want to know about your ability. And we believe that God has reasons kung bakit ka dinala sa amin, kung bakit sa sementeryo ka pumunta, at kung bakit rin kami nandoon that night."
BINABASA MO ANG
The Tale of a Clairsculpt
ParanormalI just want to tell my story. This is not a horror story like those you usually read pero oo, paranormal siya. Extraordinarily paranormal. Ako nga pala si Matthew, 25 years old. I do not intend to hurt you, but this is my story. THE TALE OF THE CLAI...