Chapter 2

82 1 1
                                    

"Bakit ba naman kasi, sir, hindi ka nabubukas ng ilaw? ha?" Biglang sulpot naman ng batang 'to sa lab.

"Eh, sa ayoko e, anong magagawa mo?" sabi ko, na hindi lumilingon sa pagpasok niya.

Biglang nagliwanag ang lab. May magagawa nga naman talaga siya, binuksan niya ang ilaw e, malapit lang sa pinto. Hindi ko nalang pinansin, masyado akong tutok sa kailangan kong tapusin kaya't nakaharap nanaman ako sa computer screen ko.

"At bakit hindi ka pumunta sa classroom kanina, ha?!" Kunwaring galit ang estudyanyte sa guro, habang lumalakad palapit sa pwesto ko.

"As if naman gusto niyong magklase pa ako sa lagay na yan," pabirong sagot ko ng madiin. Kumuha siya ng upuan at humarap sa table ko at tiningnan ang ginagawa ko sa monitor.

"May point," sabi niyang nagmamasid at nakapangalumbaba sa mesa.

Si Marlon, isa lang mga estudyante kong makukulit, second year high school. Pasensya na kayo at ganyan lang talaga kami maglambingan ng mga estudyante ko. Normal na sa amin ang ganyang mga sagutan na parang wala silang modo at respeto sa guro nila kung seseryosohin, kaya lang ayaw ko kasi na boring ang pagiging high school teacher, so binabarkada ko lang ang mga estudyante ko.

Naging matiwasay naman ang uwi ko kagabi pagkatapos kong kumalma nang makausap ko si kuya night guard. Naging mahimbing din naman ang tulog ko at napa-aga rin ako ng dating dito sa school, dahil na rin siguro na hindi ko nasulit yung overtime kagabi at kailangan kong matapos ang mga ginagawa ko para sa program bukas. Kaya eto, mag-aalas tres na ng hapon at tutok na tutok parin sa computer na halos di na ako nakapag-lunch kanina, at ako pa ang napagalitan nitong estudyante kong 'to dahil di ako sumipot sa classroom nila. Hindi naman talaga kasi ako nagla-lunch, kung makaramdam man ako ng gutom ay saka lang ako lalabas ng lab para bumili ng biscuit. Wala rin naman kasi sigurong nangahas magklase kanina dahil lahat ng estudyante ay busy sa rehearsals para sa program bukas. Kaya kahit pumunta ako sa classroom ay paniguradong magrerequest lang 'tong mga 'to na panoorin ko lang muna silang mag-practice.

Sa totoo lang, bagamat panandaliang nawala sa isip ko ang encounter ko kagabi, ay hindi ko parin iyon makalimutan, lalo't nandito nanaman ako sa lab kung saan nangyari ang encounter. Sa halos isang buong araw ko ng pag-iisip at paghalungkat ng sagot sa internet habang nagtatrabaho, ay isa lang ang posibilidad na pwede kong matanggap para pansumantalang mapunan ang puwang sa mga tanong ko - may nangyaring kakaiba sa katawan ko na nagbigay sa akin ng animo'y abilidad na hindi ko maipaliwanag. Kung ano man iyon ay kailangan kong matuklasan. Bukod sa 'ano iyon' na siyang pinakamalaking katanungan sa utak ko, ay kung bakit kagabi ko lang naranasan yon, bakit dito pa sa lab na 'to, paanong nangyari yon, at bakit sa akin nagyayari ito.

Pagdating ko kaninang umaga dito sa lab ay nakakandado naman ang pinto. Sinunod naman ni kuya night guard ang pakiusap ko sa kanya kagabi. Umaga na noon, masmaraming tao sa paligid, kaya masmalakas ang loob ko nang buksan ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at sinuyod muna ng tingin ang buong lab. Wala namang bago. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala na ang kung ano man ang kasama ko dito kagabi kaya't buong tapang akong lumakad diretso sa table ko na kagaya ng dati ko nang gawi at hindi pagilid sa mga pader. Sa kasamaang palad ay malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba habang naglalakad, pero malakas na buga ng hininga ang binitawan ko nang makarating ako sa mesa nang hindi nabubunggo sa ere. Ang weird kung iisipin e noh? Bumangga sa ere? Ano yun, pantomime? Buti nga siguro kung sobrang lakas ng loob ko kagabi o di kaya'y wala ako sa katinuan at nakapa ko yung buong bagay na yun, kung bagay pa mang matatawag yon, para malaman ang buo nitong porma. Kaya lang, wala, hindi eh, nagpanic na ako pagkatapos kong mahawakan yon.

Halos mula kaninang umaga ay hindi ako tumayo mula sa upuan na ito hangga't maaari lalo't kung di naman kailangan. Bukod sa iniwasan kong bumunggo sa ere ay gusto ko ring matapos ang gingawa ko with full concentration, kaya nakapatay lang ang ilaw para kunwari'y walang tao dito sa loob at walang mangangahas na mangistorbo sa akin. Minsa'y bubukas ang pinto na kunwari'y sisilip at dahil walang ilaw ay isasara agad ito. Iba lang talaga ang pagkakakilala ni Marlon sa 'kin, at nang isa pang dumating ngayon lang, alam nilang di ako mahilig magbukas ng ilaw dito sa lab.

The Tale of a ClairsculptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon