"Manong, sa kanto papuntang sementeryo lang po, ha?" pakiusap ko sa driver nitong multicab na sinasakyan ko. Nasa front seat ako sa tabi ng driver.
"Oo nga, malapit na, gusto mo ihatid pa kita sa huling hantungan mo?" pagmamaktol ni manong. Pasensya naman po, e sa hindi pa ko nakapunta dito e. May balak pa yata akong patayin? Hindi naman karamihan kasi ng mga close kong namatay (sumalangit nawa) ang sinamahan ko sa huling hantungan, kaya hindi ako familiar sa mga sementeryo dito. Alam ko lang na meron pero di ko alam kung paano papunta, kaya eto, kinukulit ko si manong.
"Murder yan, manong. Wag naman po muna, bukas nalang po siguro kung nasagot ko na lahat ng katanungan ko sa buhay," biro ko sa kanya, at syempre half-meant yun. Buti natawa kunwari si manong.
"Ano namang isasagot ng sementeryo sa 'yo?" nakakunot-noong tanong ni manong na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Naisip ko rin yun. Ano nga kaya ang isasagot ng sementeryo sa akin? Geez.. kinabahan naman ako bigla sa pwedeng mangyari sa akin dun. Sana may ibang tao dun bukod sa caretaker ng sementeryo na sa wari ko'y creepy din siguro ang itsura. Joke.
"Ewan ko rin ho, bahala na," ang tangi kong nasabi pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.
Di nagtagal, naramdaman kong tumabi sa kalye ang multicab. Kaiba din e, masnaramdaman ko pa yung galaw ng multicab kesa sa narealize ito ng mga mata ko.
"O, dito na 'to," sabi ni manong. Tiningnan ko naman ang paligid at nakita ko nga ang sign board ng sementeryo.
"Salamat po ng marami, manong," at binuksan ko na ang pinto at lumabas. Nagbayad ako syempre, kanina pa.
Pagkasara ko ng pinto ay nahagip pa ng mata ko si manong na tumango ng 'good luck' sa akin nang paandarin na niya ang multicab. Salamat na rin, pampalubag-loob. Tumungo ako sa paradahan ng mga pedicab at sumakay sa isa, saka naman sumakay ang driver at pumadyak na.
Hindi nagtanong si kuyang driver ng pedicab, sinabi ko nalang din kung saan ang pakay ko, at hindi rin naman siya sumagot. Mukhang walang balak sumagot e, bata-bata pa kasi, yung tipong twenties pero may anak na. Nakakabagot, lalo tuloy akong napapaisip at kinakabahan.
"Sa Holy Cross ho, kuya," sabi ko sa kanya.
Tunog mayaman no? Oh yeah. Hindi ko kasi feel~ na mag-explore sa public cemetery para malaman kung anong nangyayari sa akin. And also, kapag feel~ ko nang tumakbo ay makakatakbo ako agad kung nasa ilalim ng lupa ang mga bangkay, bermuda grasses ang matatapakan ko, at nakahiga ang mga lapida, kaya dito ko piniling pumunta. Ginoogle ko pa yan. Buti nalang at mabait yung driver ng multicab na sinakyan ko kanina, di kagaya nitong driver ng pedicab, snob. At higit sa lahat, buti nalang hindi na nagtanong si mama kung saan ako pupunta nang magpaalam ako kanina. Pano ba naman kasi, tawang-tawa siya sa pinanonood sa TV kaya't minadali ko na ring makaalis.
Sa totoo lang, halos hindi ko napagplanuhan ang buong pakay ko dito, ni hindi ko rin alam kung anong gagawin ko mamaya kapag nasa loob na ako ng sementeryo. Pumunta parin kasi ako sa school kanina kahit nasabi ko kay Marlon na hindi ako papasok. Narealize ko kasi na ang init mamasyal sa sementeryo kung may araw pa akong pupunta, so might as well, pumasok lang muna sa school, saying din ang kabawasan sa sweldo ng isang araw na absent. Akala ko din kasi na wala akong masyadong gagawin kasi may engrandeng program lang naman, e pangalan ko din naman pala ang madalas tawagin para utusan. Ang saya lang ng life, sobra.
Eto ako ngayon, nakasakay sa pedicab, nakatingin sa mga bahay sa gilid ng kalye. Naisip ko nalang na mamaya ay maghahanap ako isang lapida na may nakakatuwang pangalan at pagtripan na kausapin yon kahit wala naman talaga akong kilalang inilibing doon. Baka lang mahabag siya sa mga kwento ko at maisipan niya akong tabihan at...
BINABASA MO ANG
The Tale of a Clairsculpt
ParanormalI just want to tell my story. This is not a horror story like those you usually read pero oo, paranormal siya. Extraordinarily paranormal. Ako nga pala si Matthew, 25 years old. I do not intend to hurt you, but this is my story. THE TALE OF THE CLAI...