Ree's POV*
"Ouch! AWWW! Teka- aray ko po!"
Ang sakit sakit makahampas nito ni Elle sa braso. Ang bigat ng kamay parang di babae.
"Shunga ka talagaaaaa!" sigaw ni Elle.
"E bakit ba kasi?" nagtataka kong tanong.
"Ha? I can't believe you. Hindi ka ba nahihiya sa nangyari sayo sa parking lot?"
Sa totoo lang nahihiya ako ng bongga. Ikaw ba naman magpose ng kung anu-ano sa bintana ng kotse. Ni hindi pa nga ako nakikita ng madlang people sa iba't-iba kong anggulo. AMP TALAGA! Ang tanging mga nakakakita lang ng kabaliwan ko ay sina Kuya lang at Elle.
>.<
"UGH! Nahihiya na ko!" wala sa wisyong bulalas ko.
"Wait. Don't be noisy. I'm thinking!" biglang sabi ni Elle habang nakahahawak sa baba nito.
"Ha? Para saan naman yang pag-iisip mo? Tss. Biruin mo yun? May utak ka pala." pang-aasar ko sa kanya.
HEHE. Mapipikon yan. At the count of ONE... TWO.... THREE.....
TAKBOOOOOOOOOOOOOO!
You better run run run run run
Deoneun mot bwa geodeocha jullae
You better run run run run run
Nal butjabado gwanshim kkeodullae Hey
Deo meotjin naega dweneun nal gapajugesseo itji ma
You better run run run run run
Ttak geollyeoseo yagollyeoseo Run Devil Devil Run Run
"HOY! REE, ANONG SABI MO? SINONG WALANG UTAK?" imbyernang sigaw niya.
WAAAAAA. Katakot talaga 'to magalit. Nagiging marahas. Delikado!
"ETO NAMAN! NILOLOKO LANG KITA! MASYADO NA KASING SERIOUS MUKHA MO! JOKE LANG YUN, ELLE!" sigaw ko din sa kanya.
Nasa kusina ako samantalang nasa sala naman siya. Nakatago ako sa ilalim ng dining table. Siya naman nasa may sofa, nakatayo at tila sinisilip ako sa kusina. Kay kulit na mga bata! :))
"ELLE, BATI NA TAYO! WAG MO NA KONG HABULIN!" pagmamakaawa ko.
Halata bang malaki takot ko kay Elle? Sus. Hindi ah.
Ako? Takot? Ah. Eh. Konti lang naman.
Teka. Mukhang nahimasmasan na si Elle. Nakaupo na siya ulit sa sofa at nakatungo.
HALA! Umiiyak yata siya e.
Lumapit ako unti-unti.
"Elle?"
Di pa rin siya nasagot.
Napansin kong nataas-baba lang ang balikat niya at naririnig ko ang mahina niyang hikbi.
Lumapit na ko. Tapos inakbayan ko na siya.
"Elle, mianhe." kasalanan ko naman talaga e. Alam ko na naman na sensitive siya e. Pero, ang alam ko kahit ganun, palaban siya.
"Biro lang yun, eto naman oh. Alam ko namang mas matalino ka pa sa'ting dalawa e. Pinaghihirapan mo yang pagiging intelehente mo. Sorry na ha."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposite
Teen Fiction“Some things are destined to be -- it just takes us a couple of tries to get there.” ― J.R. Ward. Ree spend her lifetime being single, for she believes that her ideal man isn't on its way to meet her. Cool, romantic,and handsome are the qualities on...