Jang 6: Unforgotten Past

55 1 2
                                    

*this epic chapter ay dedicated sa aking sister, FamelaCharrieMorales. Annyeonghaseyo! :)

Ree's POV*

"Well. Uhm."

"Well what?!" napipikon ko ng tanong sa kanya.

"Forgive me but I'm not used to this things." nakatungo niyang sabi.

"Oh ano na nga yung things na tinutukoy mo?"  imbey na ko ha. Nagpapataasan na ang kilay ko sa sobrang inip.

Tch. This is giving me a heart attack!

Ano ba. Kinakabahan ako. Magsalita ka na kasi panget. Dami mo pang kaartehan e.

"I need you."

"Sus, ano bang kailangan mo sa kin? I need you lang pa--HAAAAAA? Ano?"

O____O

O-K. Nagbuffering ang brain cells ko.

I need you daw? Kailangan niya ako sa buhay niya? WHOA. Talaga?

"I really need you this time. You're the only one that I think is the best for me. The one who suits my qualities." Teka nga. Maghunus-dili ka. Tuloy-tuloy ka masyado e. Kakaloka. Pwede bang hayaan mo munang magsink in yung mga sinasabi mo? TSSSS.

"Teka nga. A-ako? K-kailangan mo?"

"Yes. Nothing else but you." HA?! May gusto na ba sya saken? Ang bilis naman! Parang kahapon --ay mali, kanina lang pala yun. Grabe siya kung makapanglait. Yung tipong kulang na lang ibaon ka na 6 feet under the ground dahil sa mga nakamamatay niyang tingin.Tapos ngayon...

SABI NA NGA BA E! Yung mga ganitong taktika, gasgas na! Sows. Kunwari galit daw o kaya asar na asar sa isang tao tapos in the end mamukat-mukat mo, may gusto pala talaga. TSK.

"Hoy panget-- ayy este Kaizer. Di ba't ang bilis naman yata nyang pangagailangan mo sakin sa buhay mo?"

"Bakit? May tama bang oras para dun?" nagtataka niyang tanong.

"Aba oo naman! Hoy 'di ako easy to get noh! NBSB yata to. Ibig sabihin madaming proseso ang pagdadaanan mo sakin. Dapat dadaan muna sa mga kuya ko tapos sa magulang ko tapos sa bespren ko tapos pag pumayag sila manliligaw ka na tapos sasagutin kita tapos--tapos--" tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. As in walang hinga tapos.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Aba'y ungas pala to e! Tatawa bigla? MICHIN! (A/n: MICHIN-crazy.)

"D-di ka ba seryoso sa mga sinabi mo?" Mabuti nang sigurado Baka mapahiya ako ng wala sa lugar e.

"Kailan ako nagbiro?" Grabe, may iba talaga sa kanya e. Ibang-iba siya ngayon. He's sincere. TAMA! Sincere siya hindi romantic.

"But what I don't get is. What is it that you're talking about? Magpapaalam? Panliligaw? Sasagutin? Oh wait, don't tell me. *smirks* Are you crazy? You thought that I need you because I love you?"

O____O HA?

Ano daw? Crazy?

Teka, wag niyang sabihin sakin na naging isa na naman akong babaeng plakda sa lupa dahil sa kahihiyan? Oh my. NOOOO!

"H-ha? E paanong--"

"The thing is I really  need you. Because of our homework."

"WHAT?! Dahil lang sa homework?"

"Oo naman. May iba pa ba dapat akong rason para kailanganin kita? Did you forget that we're buddies?"

Sabagay, may iba pa bang rason? Wala naman Naku, Ree! Kung anu-ano na yang iniisip mo. Kailan ka pa naging ganyan? Assumera ka! Pahiya strike 2 ka na.

REE, Change topic! Madali ka!

"What do you think of me? Di nakikinig sa discussions? Kailangan mo pa talaga ipaalala sa akin yung assignment natin." Kunwari di ako napahiya. Hihi. Act cool. ^___^

"Oo" Maka-oo naman to wagas.

Last time I check, nakikinig naman YATA ako at walang nabanggit na HW.

"Hm. May patunay kang di ako nakikinig?"

"Oo." Lupet lang ha. Tipid makasagot. Uso sa kanya yung isang tanong isang sagot.

"Saan,aber?" malakas loob ko noh. Wala naman yang ipapakita sa akin e.

At dun ako nagkamali. May inilabas siyang cellphone at nakabalandra dun ang isang picture na napakalinaw.

PICTURE NA NAKATITIG AKO KAY BLAKE HABANG NAKANGITI SA KAWALAN.

O_____O

*_____*

O_____O

WAAAAAAAAAAA. Walang edit. Ako nga talaga. Ugh! Pahiya strike 3 na, Ree!

Ayoko na nga. Magtitino na ko.

Let's get back to the ball game.

"Teke, ano ba yung HW natin?" pag-iiba ko ng topic.

"STORYLINE." tipid talaga nito sumagot. Di naman mabaho ang hininga. Tch.

"Chicks lang pala e. Ano bang story? Anong topic?" patunay po na nnakikinig ako kanina. *note the sarcasm*

"A real life story about an unforgotten past."

---------------------------------------

Author's note:

           Late update. Pasensorry. Super busy talaga. Akala ko pag pasko petiks na, yun pala hindi. May project pang ipinauwi samin. Imbey talaga. Yan tuloy bukod sa late UD, may writer's block pa. Ugh. What a life! Pero I hope na magustuhan niyo siya.

         Anyway, ano kaya sa tingin niyo yung unforgotten past na yun? Anong koneksyon nya sa magiging daloy ng ating kwento? Hm. Ako din kasi ko alam e. Kaya nga tinatanong di ba? Hehe.

Continue to support my story!

-- TinyDreamer

Perfect OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon