Jang 4: Sudden Meet-Up

97 2 2
                                    

Ree's POV*

*tininining...tininining* (A/n: Alarm clock sya. Wag ng mag-imagine ng kung ano.)

 =__=

*YAAAAAAWN*

 Sarap ng tulog ko. Hehe. May lasa kasi. Matamis.

O-K. Alam kong waley yun. Pasensya na ha. Bagong gising e. XD

Pero back to reality, YAHOOOOO!

Umaga na! Yey. Oh yeah. Uh-huh.

Makikita ko na si KOYANG POGI. Eskayted na akis!

Paano ba 'yan? Maliligo na ang inyong prinsesa.

Elle's POV*

Ang tagal maligo ni Ree. Teka, baka nilamon na ng CR yun. Tss. Wag naman sana.

May susundo pa man din sa'kin ngayon na kaibigan ko sa school. Familiar nga siya sa'kin e. Parang nagkita na kami dati. Pero dahil di ko nga siya matandaan, kinaibigan ko siya. GANUN LANG KADALI ANG LAHAT. Hehe. Syempre! Para maalala ko.

"REE! ANG TAGAL MO NAMAN! MALE-LATE NA TAYO!" sumigaw na ko. Aba't ngayon lang yan naging ganyan. First time in the history of wildlife.

"MALAPIT NAAAA!" pasigaw niyang response.

 Sus. Maghihintay na naman ako. Lagi na lang akong ganito. Kawawang-kawawa ako sa kanya e. Tsk. Makapagbasa na nga lang ng lessons namin for today.

"Hay naku. Ang talino mo na nga, nagbabasa ka pa din kahit sa school na ang punta mo. Di kaya sumobra na yan at mabaliw ka?" sagot ng taong kasalukuyang nakatayo sa tabi ko.

"Oh, Blake. Anong oras ka pa nakarating?" nakangiti kong harap sa kanya kasabay ng pagsara ko sa libro.

"Kakarating ko lang. Oh,paano? Tara na?" yaya niya sakin.

Ang lupit talaga nito ngumiti. Nakakalambot ng tuhod.

Handsome and Kind. Package na! Pero linawin ko lang ha. Di po ganyan ang tipo kong lalaki.

Gusto ko yung mga suplado type. Yung ikaw lang ang babae sa mundo niya. Pero sa lagay ni Blake? He's friendly. SUPER! Kaya nga within a week, we're this close. :)))

"Uhm. Can we wait for my friend? She's actually upstairs." sagot ko naman.

"Hey, Elle! Sinong kausap mo ---- d-dyan?" Andyan na pala siya e. Teka, bakit nautal naman tong bi-ep ko? Di lang yun, nakatulala pa.

"Princess, close your mouth. Ang mga langaw ay maaaring i-invade ang yong bibig." saway ko sa kanya. Aba'y kay gandang bae, pero nakanganga. Sus. Turn off lang!

"So her real name is Princess?" biglang tanong ni Blake.

"NYAHAHAHAHAHA!" sabay na tawa namin ni Ree.

"Oh no,no. Her name is Flory. She's my bestfriend."

"But you can call me Ree, my prince." Aba't andyan na agad si Ree sa harap ni Blake? Mabilis! Di ko inaasahan yun. Prince agad-agad? Pero sabagay ganyan ang type ni Ree e.

"Ah, ang i-ibig kong sabihin. What's your name?" utal-utal na sabi ni Ree. Aba't nakaramdam pala ng hiya ang bruha.

Napangiti naman si Blake ng bongga. Aba't ano bang nangyayari dito? May di ba ako nalalaman?

"Excuse me, can we go now?" tanong ko sa dalawang alien na nanggaling sa magkaibang mundo. Guys, I'm really out of place.

Tila natauhan ang dalawa at tumango bilang sagot sa akin.

Perfect OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon