Ree's POV*
Mokong na panget na abnoy!
UGH. Siya na mayabang. No doubt.
Bakit pa kasi nauso ang BUDDY SYSTEM na yan. Kaka-imbey lang mga ateng!
Ayy sorry, nakalimutan ko lang ipaalala sa inyo. May panuntunan kasi sa department namin na dapat may ka-buddy in all subjects, mapa-Literature man yan o Accounting. Hayy. Sana nag-educ na lang din ako. E di sana magkasama kami ngayon ni Elle.
Di ko na kailangan pangsabihin kung bakit ako highblood.
Malupit ang tadhana sakin! Yun ang rason. Dahil siya ang ka-buddy ko. :"<
flashback*
"Class, do you have any violent reactions with your partners?" tanong ni Ms. Zy
"NONE." sigaw ng buong klase.
Bakit siya pa kasi kapartner ko? ANG PANGET NIYA TALAGA.
Inikot ko ang mata ko sa paligid.
Masayang nakikipagchikahan ang mga klasmeyts ko sa mga ka-buddy nila, ang mga ngiti nila 360 degrees sa laki.
Yung iba, getting-to-know-each-other stage.
Bakit ganun?
Sila lang masaya? LUGEEEEEEEEE!
*kulbit*
Sino namang istorbo yun na sumisira sa moment ko.
"Anong kailangan mo?" sinabi ko nung paglingon ko.
"Won't we make some chit-chat? So there's no hard time in our partnership." Aysus ginoo ko. Bakit ba 'to, nag-iingles?
"Ja, dangsin-ui ileum-eulo sijaghaeboseyo." tinatamad kong sagot sa kanya. English-in mo ko isa pa. Ganyan lagi kong isasagot sayo. Tignan natin kung maintindihan mo. Bleh.
"What did you just say?" nagdugtong yung kilay niya.
Seryoso daw ako kunwari.
Pero deep inside, natutuwa akong pagtripan siya.
"I said, let's start with your name." response ko sa kanya.
YEY! Naasar siya dun! HAHAHA.
Ayaw niya kasing may hindi siya nalalaman. Yung tipong mas may alam pa yung iba kaysa sa kanya.
Aba. Kahit top 1 siya sa entrance exam ng school na 'to. Kabog ko siya. Behlat!
"Well, my name is Kaizer Kress. You?" biglang turo niya sakin.
"Flory Hyun-ae." super bored kong response. Wala naman kasi siyang kalatoy-latoy kausap.
"You're korean?" out of the blue niyang tanong.
"What's the big deal with me being a korean?" mataray kong sabi.
Mukhang bigla siyang nalungkot. Though lagi naman siyang nakabusangot. PANGET!
"So ganito ang usapan natin. Lagi kang mag-aral mabuti. Dahil ayokong bumagsak ng dahil lang sayo." emotionless niyang sabi.
BUSEEET! Ako daw magiging dahilan ng pagbagsak niya? Baka gusto niya sipain ko upuan niya ng bumagsak siya ng literal ng dahil sakin. ARGGH.
"Wow ha. Ako talaga? TCH. Alam mo bang matalino ako?" Imbyerna!
BINABASA MO ANG
Perfect Opposite
Teen Fiction“Some things are destined to be -- it just takes us a couple of tries to get there.” ― J.R. Ward. Ree spend her lifetime being single, for she believes that her ideal man isn't on its way to meet her. Cool, romantic,and handsome are the qualities on...