Jang 8: First Step

55 1 2
                                    

*this chapter is dedicated to my younger sister, iAmLoraine. Hi piatot! :)

Ree's POV*

"Pangs!" pagsigaw ko sa katabi kong inuugatan na sa upuan niya. (A/n: PANGS is a short term for PANGET XD)

Halata bang itim ang aura ko today? Nagtaka ka pa. Paano ba naman magiging good vibes dito kung kulang ka sa tulog nang dahil sa minadaling storyling para sa homework namin ng ka-buddy ko. Pero nakakatuwa ang madadatnan mong tanawin dahil makikita mong petiks lang siyan natutulog sa desk niya. HOOOOO. Grabe!

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at-- WOW! ANG GWAPO NG VIEW! It's Kaizer without nerdy glasses. Teka nga Ree, bumalik ka na sa katawang lupa mo dahil kung anu-anong kabulaanan na yang sinasabi mo.

"Hey, are you sure with this?" tanong nya habang pinupunasan niya yung glasses niya.

"NO--este yes! S-sigurado ako dyan." Naku po. Eto na nga bang sinasabi ko e. Pati mga brain cells ko nadadamage niya.

"Bakit ang bilis mo yatang natapos?" Aba'y luko pala to e. Sana pala binagalan ko lang pagsusulat ko, yung tipong one word per hour. Kaka-boyang lang!

"May problema ka? At saka I ask for my bestfriend's help."

"Really?" Parang walng tiwala to sa gawa ko--I mean sa gawa pala namin nni Elle.

"Hoy, kung maka-really ka dyan ha. EIC ng school paper natin yung bespren ko. Kaya basahin mo muna yan ginoo. Huhusga ka agad e. Hilahin ko yang eyeballs mo para makita mo yung hinahanap mong tunay." I said as I whisper the last sentence. I did it on purpose. Baka kasi pagbuntunan pa niya ng galit yung papel na hawak nya which happens to be our homework.

"What  the heck is your problem with my eyeballs?!" TCH. Pati ba naman yun narinig pa niya? Ang tindi naman sumagap ng tainga nya, ibang klase!

"NOTHING PATING." Ka-bad vibes talaga tong kulugo na'to! Sarap sunugin para mawala na ng tuluyan.

Binuksan niya yung folder na naglalaman ng storyline na pinaglamayan ko.

"Who own this story?" sabi niya habang patuloy pa din sya sa pagbabasa.

Asa siyang sabihin ko sa kanya ang pinagmulan nun, ano 'ko hilo? Nagagandahan lang yun kaya biglang nacurious. Danas ko na yang mga gawain mo bro!

"Uhm. SECRET." ang lihim ay mananatiling lihim BLEH!

.

Pagkasabi ko nun agad siyang humarurot palabas ng classroom. (A/n: YEAH. Parang kotse lang.)

"Oh anong nangyari dun?" sabi ng prinsipe ko.Nag-aasume lang po ako. Wag ng pigilan. Ine-enjoy ko yung pagiging prince charming niya sakin e.

"Ewan ko dun." response ko kay Blake.

"Teka, ano to?" pinulot ni Blake yung yellow paper na nahulog siguro dahil sa pagmamadali ni panget kanina.

Mabasa nga.

UNFORGOTTEN PAST.

 Hm. Gumawa din pala siya? Kala ko ako lang gagawa e.

My strength and my weakness. She always makes me happy all day long, maybe this is what you called LOVE.

Nice. Super inlove naman yung source niya ng story.

Ang ikli yata nung kwento. Pero bakit ganito yung ending?

I thought we belong to those who will stand till the end of time. To those who give meaning to the word FOREVER.

But I'm wrong. We are wrong.

Everything changed. The days become years and our dear moments suddenly swift fastly with time.

She disappear and maybe.. She had left me behind. FOR GOOD.

But still, I love her and will continually love her until she's back in my arms again, for the second time around. -- FX

Wow. Malungkot din yung story niya? Sino kaya yung in-interview nito? Parang may katulad. And take note ha, may initials pa nung interviewee. Nice talaga.

AHH! Tama. Katulad nito yung flow nung kay Elle. Hm. Sino kaya yung in-interview ni Kaizer?

Baka etong story na to ang clue para mahanap ko ang nawawalang pag-ibig ng aking kaibigan.

"Ah, Blake. Labas lang ako saglit ha. Hanapin ko lang si Kaizer."

Agad akong tumakbo sa labas at hindi ko na hinintay magsalita si prince charming. Without knowing kung saang lupalop ko matatagpuan si Kaizer.

Kailangan ko siyang makita. Di ako patatahimikin ng utak ko hangga't di ko nalalaman kung sino ang dakilang interviewee ni Kaizer.

I'm really running like a horse in a race. WHEW!

Di talaga maalis ngiti sa labi ko habang natakbo.

Aba naman. Good news to! Di lang sa'kin kundi para kay Elle.

This may be my FIRST STEP in finding Elle's lost love.

-------------------------------------------------------------

Author's note:

   Hi! Sa tingin niyo? Mabilis kayang malalaman ni Ree ang sagot sa mga tanong niya? Hm. Tignan na lang natin sa mga susunod na kabanata. :)

--TinyDreamer

Perfect OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon