Chapter 31

78 5 0
                                    

Mabilis kong isinara ang pintuan ng aking kotse at agad na tinahak ang daan papuntang entrance ng hotel. Nang makapasok ako ay kaagad akong nagtungo sa comfort room.

Pagpasok ko ay saktong may lumabas na babae. Nakatingin siya sa akin at kaagad ko naman siyang nakilala dahil miyembro siya ng organisasyon. Tumango na lamang ako sa kaniya at pinasok ang dulong cubicle.

May nakalagay na itim na bag malapit sa basurahan kaya kinuha ko ito. Pagbukas ko pa lang ay itim na racerback top na agad ang tumambad. Hinalungkat ko pa ito at nakita kong may itim na pantalon at boots. Ang mga baril ay nasa pinakailalim na parte ng bag at nababalutan ito ng itim na tela.

Kinuha ko ang aking cellphone sa clutch bag at agad na tinawagan si Reid. Konti lang kasi ang mga armas na ibinigay niya. Napakarami kaya ng mga kalaban ko sa labas.

"Morrigan," bati niya.

"Reid, bakit konti lang ang mga armas? Alam mo namang marami ang makakalaban ko diba?"

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ako puwedeng sumigaw dahil baka may makarinig sa akin.

"Si Orion ang nag-utos na 'yan lang ang ibigay sa'yo."

"Gusto n'yo bang mamatay ako sa misyon na 'to? At bakit may damit dito? Hindi ko naman hiningi sa'yo ang mga ito diba?!"

"Suotin mo na lang 'yan. Wala ka nang magagawa pa kasi tinanggap mo na ang misyon. Iwan mo na lang sa bag ang damit mo dahil may kukuha ng mga 'yan."

"Kapag nakaalis ako rito ay magtago na kayo."

Kaagad kong pinatay ang tawag at galit na ibinalik ang cellphone sa loob ng aking bag. Hinubad ko ang aking damit at agad na nagpalit. Tinanggal ko rin ang aking heels at pinalitan ng boots.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay kaagad kong inilagay ang bag sa sahig. Paglabas ko ng pinto ay may babaeng naghihintay sa akin. Hindi ko siya kilala at sa tingin ko ay isa siyang kalaban.

"Unang tingin ko pa lang sa'yo kanina ay alam ko ng may pinaplano ka. Sino ang nag-utos sa'yo?!"

Umalingawngaw ang kaniyang malakas na boses. Napatingin ako sa galaw ng kaniyang kamay at nakita kong inilagay niya ito sa kaniyang likuran. Sigurado akong may hinahawakan siyang baril.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay at sumandal ako sa dingding ng CR. Alam kong naiinis na siya sa akin dahil nagpapanggap akong walang pakialam.

"Puwede ba?! Sagutin mo na lang ako kung ayaw mong mamatay!"

"Talaga?! Bakit hindi mo na lang gawin? Ang dami mo pang sinasabi."

Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Alam kong sa loob ng ilang segundo ay huhugutin na niya ang kaniyang baril kaya kailangang maunahan ko siya.

"Pasensiya dahil katapusan mo na," galit niyang sabi at itinutok sa akin ang hawak niyang baril. Ngunit bago niya pa ito naiputok ay binaril ko na ang kaniyang kamay.

"Fuck you!"

Nakita kong namilipit siya sa sakit at nabitawan ang baril. Nilapitan ko siya at kinuha ang kutsilyo sa loob ng aking boots at agad na ipinakita sa kaniya.

"Pasensiya na dahil mauuna ka."

Kaagad kong ibinaon ang kutsilyo sa kaniyang tiyan at hinugot din naman ito pabalik. Paulit-ulit ko 'yong ginawa sa kaniya hanggang sa sumuka na siya ng dugo at humandusay sa sahig.

Nang masiguro kong hindi na siya humihinga ay kaagad akong lumabas ng banyo at maingat na tinahak ang daan papuntang social hall.

Inaasahan ko na talaga na sa aking pagdating ay maraming kalaban ang nakabantay sa labas. Mabilis akong pumasok sa loob ng isang silid at agad na nilagyan ng silencer ang aking baril. Hindi puwedeng malaman ng mga tao sa loob na nagkakagulo rito sa labas dahil sigurado akong malalagay ang buhay ko sa alanganin. Marami sila, samantalang nag-iisa lamang ako.

Nang mailagay ko na ang silencer ay kaagad akong lumabas sa silid at agad na pinaputukan ang isa sa mga kalaban. Bumagsak ang katawan nito sa sahig at nakita naman 'yon ng iba pa. Lahat sila ay naging alerto kaya wala na akong ibang pagpipilian pa. Kailangan ko nang lumusob sa loob para matapos na ang misyong ito.

Kahit na alam kong delikado ay nagpakita ako sa kanila at binaril silang lahat. Kaagad akong pumasok sa loob ng social hall at lahat ng tao ay nagkakagulo. Ang karamihan ay nagmamadaling umalis, ngunit ang iba naman ay naguguluhan na ngunit nanatili sa kanilang mga puwesto.

Tinanaw ko ang target at siya ay kalmado lamang. Nang magtama ang aming mga tingin ay kaagad siyang umalis, ngunit bago 'yon ay may ibinulong siya sa kaniyang mga tauhan. Mabilis silang lumapit sa kinaroroonan ko at agad akong pinaputukan. Narinig ko naman ang malakas na tilian ng mga tao at lahat sila ay natataranta.

Kahit na delikado ay sinalubong ko sila at pinagbabaril. Nang inilibot ko ang aking tingin sa paligid ay natigilan lamang ako nang makitang nakatitig sila sa'kin. Bakas ang kaguluhan sa kanilang mga mukha. Lalapitan ko na sana sila ngunit naramdaman ko ang hapdi na nagmumula sa aking kanang braso.

Napatingin ako rito at nakita ko itong dumudugo. Kaagad kong ibinaling ang aking tingin sa harapan at nakita ko ang isang lalaking nakangisi sa akin. May hawak siyang baril at naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ko. Tanga! May pagkakataon na siya kanina para patayin ako, ngunit hindi niya ginawa kaya mauuna siya sa hukay.

Nanatili akong kalmado hanggang siya ay nasa harapan ko na. Hindi ko itinutok sa kaniya ang aking baril kaya mas lalong lumapad ang kaniyang ngisi. Mabilis kong sinipa ang hawak niyang baril kaya natapon ito. Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata nang itinaas ko ang aking baril. Nakatutok ito sa kaniyang ulo at isang kalabit ko lang ay mamatay siya. Hindi ko na pinatagal pa ang eksena kaya mabilis ko itong ipinutok at agad na tumakbo patungo sa dinaanan ng target.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mga taong kanina pa sinusubaybayan ang mga kilos ko. Darating din ang panahon na kayo naman ang papatayin ko. Magkikita rin tayong muli at sisiguraduhin kong magmamakaawa kayong lahat sa harapan ko. Buhay ang ibabayad ninyo sa pagsira n'yo sa pagkatao ko.

Vengeance Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon