We arrived at the party 30 minutes before the exact time schedule. Hindi pa gaano karami ang mga tao. The place is overwhelming. Makikitang pinaghandaan talaga.
Sinabi nila Mama kanina na sila ang nagpa-organize ng party na 'to. Hindi ko na lang tinanong kung para saan. Maybe for their successful business or maybe for some partnership. Nakaupo kami rito sa may unahan. Malapit lang sa may mini stage. Maya't-maya rin kaming tumatayo sa tuwing may mga lumalapit na businessmen. As expected, napakabait nila sa'kin ngayon.
"Good evening, Gabriel!" Bati ng isang lalaki kay Papa.
Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila.
"Alfred, thank you for coming! By the way, this is my wife, Claire. My son, Jared. And my two daughters, Maurine and Ysabelle."
Matapos kaming ipakilala ni Papa ay isa-isa kaming nakipagkamay kay Mr. Alfred Montenegro.
"What a wonderful family!" Namamangha niyang tugon.
Agad din naman siyang umalis at nakipag-usap sa iba. Unti-unti nang dumadami ang tao. Naglilibot na rin ang mga waiters para maghatid ng mga pagkain at inumin. Bagot na bagot na ako samantalang kalmado namang nakaupo sina ate at kuya.
"Ma, pupunta po muna ako sa restroom," bulong ko sa kaniya. Katabi ko lang kasi ang upuang inuupuan niya. Naiihi na talaga ako.
"Mamaya na. Magsisimula na ang party."
Hindi niya na ako pinansin pa matapos niyang sabihin 'yon. Mayamaya pa ay may umakyat na babae sa mini stage. Siya siguro ang host ng party na 'to.
"Good evening, everyone! Tonight, we will celebrate the success of Montaño Chains and Hotels. But before that, let's hear a message from our very own CEO, Mr. Gabriel Montaño."
Napuno ng masigabong palakpakan ang function hall. Lahat sila ay nakangiting tumitingin sa aking ama.
"Thank you for coming to this memorable event. I am glad that Montaño Chains and Hotels stays on top... Tonight, I will announce that Montaño Chains and Hotels and Vargaz Group of Companies will merge soon."
Halos lahat ng tao ay nagulat. Sino ba naman ang hindi? Dalawang malalaking kompanya ang mag-iisa.
"One more thing, my daughter Ysabelle Montaño is now officially engaged with Carlo Vargaz."
Napatayo ako sa gulat ng dahil sa aking narinig. Kasal? Hindi maaari. Hindi nila ako puwedeng ipakasal kanino man.
Nagpalakpakan ang mga bisita, natutuwa sa kanilang narinig. Iba ang mga tingin nila. Para nila akong kinaiinggitan. Parang sinasabi ng kanilang mga mata na napakaswerte ko.
"Ysabelle, umupo ka," sabi ni Ate Maurine.
Sinunod ko pa rin siya kahit na gustong-gusto ko nang umuwi. Ayoko na rito.
Nang matapos si Papa sa kaniyang speech ay agad siyang pinalibutan ng mga bigating tao. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makaalis. Nagtungo ako sa restroom at doon nanatili.
Hindi ko na sila kilala. Sinama ba nila ako para rito? Ipapakasal nila ako sa taong hindi ko naman kilala? Sa taong hindi ko naman mahal?
Ginagawa talaga nilang impyerno ang buhay ko. Sa ginagawa nila, mas pinapatunayan lang nila sa'kin na hindi sila karapat-dapat na maging pamilya ko. Hindi sila karapat-dapat na irespeto at mahalin.
Ilang saglit pa ay napagpasyahan kong umuwi na lang. Ngunit sa aking paglabas ay may naghihintay sa akin.
"Kuya, uuwi na ako," naluluhang sabi ko.
"Hindi ka pa puwedeng umuwi. Maraming naghihintay na bisita. Gusto ka nilang kausapin," sagot niya.
Hinawakan niya ng maghigpit ang aking kamay. Sinubukan kong kumawala mula rito pero hindi ko kaya. Hindi hamak na mas malakas siya kaysa sa'kin.
"Kuya, nasasaktan ako."
Isinawalang-bahala niya ang aking pagrereklamo at hinila niya ako patungo kay Papa.
"Carlo, this is Ysabelle," sabi ni Papa sa isang lalaki.
"I'm so lucky Tito. I will have a gorgeous wife in the future."
Tiningnan ko ng masama ang lalaki. Siya na ba ang fiancé ko? Ayoko sa kaniya. May kakaiba sa mga tingin niya.
"Sorry, pero ayokong maikasal sa'yo," matigas na wika ko kay Carlo.
Naglakad ako paalis at hindi sila pinansin. Narinig ko pang tinatawag ako ni Papa, ngunit hindi ko siya nilingon. Buo na ang desisyon ko, aalis ako ng bahay ngayong gabi.
Hinubad ko ang aking mga sapatos nang makababa ako ng taxi. Humahangos akong pumasok sa loob ng bahay at tumakbo paakyat ng hagdan. Nagmamadali kong ipinasok sa maleta mga gamit na kakailanganin ko. Pababa na sana ako ng hagdan nang maabutan nila ako.
"Saan ka pupunta?!" Tanong ni Papa.
Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ang importante ay makaalis ako sa lugar na 'to at makalayo ako sa kanila.
"Pa, tama na. Sawang-sawa na ako. Ayokong magpakasal sa kaniya," naluluhang pagmamakaawa ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay gagawin mo 'yon. Alangan namang si Maurine ang ipakasal ko sa kaniya?"
"Bakit hindi, Pa? Bakit hindi si Ate ang ipagkanulo mo sa lalaking 'yon? Dahil ba mas mahal n'yo siya kaysa sa'kin? Dahil ba mas mahalaga siya sa inyo? Paano ako, Pa? Hindi ba kayo nakokonsensiya? Lahat tiniis ko. Pilit ko kayong inintindi kahit hindi ko na kayo maintindihan. Pero bakit ako, Pa?"
"Wala kang karapatang sumbatan si Papa!" Sigaw ni Ate Maurine.
"Ipaintindi niyo kasi sa'kin!" Sigaw ko pabalik.
Nanginginig na ako sa galit. Naramdaman ko ang pagbuhos ng aking mga luha. Nahihirapan na rin akong huminga dahil pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak ng malakas.
"Dahil hindi ka nanggaling sa'kin! Ipinalit ka lang sa nawala kong anak kaya wala kang karapatang kuwestiyunin ang pagtrato namin sa'yo! Dapat nga magpasalamat ka pa dahil pinakain ka namin at dinamitan."
Natulala ako sa ibinunyag ni Mama. Hindi niya ako tunay na anak?
"K-Kung gano'n, bakit n'yo ako tinatrato ng ganito?"
"Dahil paulit-ulit mong pinapaalala sa'kin ang kasalanan ni Gabriel!"
Bakit ako nadamay kung si Papa naman pala ang may kasalanan? Ito ba 'yong pinag-awayan nila sampung taon na ang nakalilipas?
"M-Ma, h-hindi kita maintindihan."
"May babae si Gabriel no'n at alam mo kung ano 'yong masaklap? Habang lumalaki ka ay nagiging kamukha mo siya."
"Pero magkaiba kami, Ma!"
"Kahit na!"
Nabitawan ko ang aking maleta at napaupo sa sahig. Kaya pala nag-iba sila. Hindi ko naman kasalanan lahat ng 'yon diba? Bakit nangyayari 'to sa buhay ko? Bakit napakamalas ko?
Nanatili akong nakaupo sa sahig. Paulit-ulit na ipinoproseso sa aking utak ang mga bagay na nalaman. Sobra-sobra naman yata 'tong mga nangyayari sa buhay ko.
"Huwag mo nang subukang umalis pa dahil saang lupalop ka man magpunta, ipapahanap kita. Huwag mong kalilimutan na may utang na loob ka pa na kailangang bayaran."
BINABASA MO ANG
Vengeance Is Mine
RastgeleYsabelle Montaño went through a lot. She was abused and gang-raped. Justice is all that she wanted. She tried to escape so many times, but the devils kept coming back. When they were at the island, Ysabelle escaped and thought that she'll meet her e...