Ysabelle's POV
Pasikat na ang araw ngunit hindi pa ako nakakatulog. Sa tuwing ipinipikit ko kasi ang aking mga mata ay naaalala ko lang ang kahayupan nila. Diring-diri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko'y binababoy pa rin nila ako. Sobrang sakit ng pagkababae ko. Para itong pinunit at nahihirapan akong maglakad.
Sobrang bigat sa damdamin. Para akong dinaganan ng sampung tao kaya nahihirapan akong huminga. Traydor sila kaya kapag nakatakas ako rito ay sisiguraduhin kong mabubulok silang lahat sa kulungan. Kung kasing sama lang nila ako ay baka pinatay ko na sila. Mga demonyo! Isa pa si Ate! Hindi ko lubos matanggap na gano'n din siya kasama.
"A-Ate, t-tulungan mo ako," mahinang bulong ko.
Nasasaktan ako dahil patuloy lang si Carlo sa panghahalay sa'kin. Ilang beses kong binanggit ang salitang 'ate', nagbabakasakaling tutulangan niya ako laban sa mga demonyong 'to, ngunit wala siyang ginawa. Pinanood niya lamang ako na unti-unting nanghihina. Pinanood niya akong nagmamakaawa at kitang-kita sa kaniyang mukha ang kasiyahan at tagumpay.
"A-Ate."
Kahit na anong tawag at pagmamakaawa ko sa kaniya ay hindi niya ako tinulungan. Nanatili siyang nakasilip sa pintuan habang nakangisi sa'kin.
Napadaing ako sa sakit ng biglang ipasok ni Carlo ang kaniyang pagkalalaki sa akin. Napapikit ako sa sobrang sakit. Ang mga luha ay dumaloy sa aking mukha at sa pagbukas ko ng aking mga mata ay wala na siya. Wala na si Ate. Iniwan niya akong naghihirap sa kamay ng mga demonyo.
Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at agad tiningnan kung sino ang tumatawag. Nanginig ang aking kamay nang makitang si Jansen ang caller.
"J-Jansen," umiiyak na sagot ko.
"Pasensiya na at hindi ko nasagot 'yong mga tawag mo. May emergency kasi. Nasa ospital si Papa," sunod-sunod niyang sabi.
"T-Tulungan mo a-ako."
"Okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na pumapasok sa school?"
"G-Ginahasa nila ako."
"Ano?!"
"Parang awa mo na. Tulungan mo ako."
"Teka, nasaan ka ba?" Maririnig ang pag-aalala at pagod sa boses niya.
Pasensiya na Jansen. Alam kong may problema ka rin, pero kailangan ko talaga ng tulong mo.
"Hintayin mo ako sa park."
Matapos kong masabi ang mga katagang 'yon ay narinig kong may kumakatok sa pintuan. Dali-dali kong tinago ang cellphone sa ilalim ng kama at dahan-dahang naglakad papalapit sa pintuan. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang kasambay namin na may hawak-hawak na tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Ysabelle, kumain ka na. Pinadala 'to ng Kuya mo dahil sabi niya ay may sakit ka raw," sabi niya.
Tinanggap ko naman ito at agad isinara ang pinto. Bastos na kung bastos. Kumukulo lang talaga ang dugo ko dahil sa mga pinanggagagawa nila. Bakit kailangan pa nila akong hatiran ng pagkain? Dahil ba gagamitin na naman nila ako? O bayad 'to sa kasalanang ginawa nila? Mga hayop talaga sila!
Hindi na ako kumain pa. Kahit na nanghihina ay nag-impake ako ng mga damit sa travel bag ko. Nang naayos ko na ito ay lumapit ako sa bintana. Nasa ikalawang palapag ako ng bahay kaya hindi naman masyadong mataas kong tatalunin ko ito.
Sinilip ko muna sa baba kung may tao, ngunit wala. Siguro'y nagkakape pa sila dahil maaga pa naman. Tumalon ako sa bintana at ligtas naman akong bumagsak sa damuhan sa likurang bahagi ng bahay. Kaagad akong tumayo at lumapit sa pader. Sinubukan ko itong akyatin at dahil na rin siguro sa kaba at kagustuhang makatakas sa lugar na ito ay nagtagumpay ako.
Tinakbo ko ang distansiya mula sa bahay hanggang park, at pagkarating ko roon ay nakita ko si Jansen. Hindi ako nagsalita at mabilis akong pumasok sa kaniyang sasakyan.
"Ano ba kasing nangyari?"
"G-Ginahasa n-nila ako."
Bigla akong napahagulgol sa loob. Sobrang sikip ng dibdib ko. Unti-unti na namang nagrereplay sa aking utak ang pangyayari kagabi. Ang pambabastos at pang-aabuso nila sa'kin na hinding-hindi na mabubura sa pagkatao ko.
"S-Sorry." Tulad ko ay umiiyak din siya. "Kung sana'y pinuntahan kita ay hindi mangyayari 'yon."
"N-No, I should be the one who needs to apologize. I'm s-sorry. Ang selfish ko nga kasi alam kong may problema ka rin, pero mas pinili kong tawagan ka. Wala na kasi akong mahihingan ng tulong. Mismong Kuya ko ay binaboy ako."
"Kung gano'n, pumunta na tayo sa police station."
"Huwag! Huwag tayong pumunta ro'n. Marami silang koneksiyon at kayang-kaya nilang baliktarin ang mga sasabihin ko. Ang mas malala pa ay baka mahuli ako at maulit na naman 'yong mga kahayupang ginawa nila sa'kin."
Tahimik akong umiiyak habang siya naman ay patuloy sa pagmamaneho. Umiigting ang kaniyang panga, isang hudyat na galit siya. Ibinigay ko sa kaniya kanina ang address ni Nanay Fe dahil doon muna ako mamamalagi. Malayo ang lugar kaya mas mabuting doon muna ako magtatago.
Palinga-linga ako sa paligid. Tinatanaw ang mga imprastrakturang nadadaanan namin. Mayamaya pa ay isinandal ko ang ulo ko sa bintana hanggang sa napatingin ako sa side mirror ng sasakyan.
"J-Jansen, bilisan mo ang p-pagmamaneho." Kahit nagugulahan ay sinunod niya pa rin ang utos ko. Tulad ko ay napatingin din siya sa side mirror.
Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako. Pilit kong inaninag ang nagmamay-ari ng sasakyan na nakabuntot sa'min, hanggang sa nakita kong si Kuya ito.
"Sinusundan niya tayo," kinakabahang sabi ko.
"Shit!"
Mas lalo akong kinabahan nang nagmura si Jansen. Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya napakapit ako sa seat belt at sa aking kinauupuan. Sana naman ay hindi kami maaksidente.
Nakatanaw pa rin ako sa sasakyan na nakabuntot sa amin. Natatakot ako na baka maabutan kami. Kung mangyayari man 'yon ay damay na si Jansen. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya ng dahil sa akin.
Nasa parte na kami ng daan na kung saan mga puno na lang ang makikita. Malayong-malayo sa mga nadaanan namin kanina na mataong lugar. Nakasunod pa rin sa amin ang sasakyan at konting-konti na lang ay maabutan na kami.
Panginoon, maawa ka. Tulungan mo po kami.
BINABASA MO ANG
Vengeance Is Mine
RandomYsabelle Montaño went through a lot. She was abused and gang-raped. Justice is all that she wanted. She tried to escape so many times, but the devils kept coming back. When they were at the island, Ysabelle escaped and thought that she'll meet her e...