welcome to my 3rd book
in Minereya Series.
I hope na nabasa nio na ung first 2 books.
1. me and my shining princev
2. my witchgirl,zerrah
it tooks long time for me to decide to publish my story here.
Obviously, you may find grammatical errors at kung anu ano pa.
but, pls pagpasenxahan nio na.
he-he
******
Isang malakas na ingit ng brake ang pumailanlang sa kahabaan ng kalsada ng Roxas Boulevard. Kinabig ni Reika ang manibela at itinabi ang sasakyan.
" What did you say ? Pakiulit nga at medyo nabingi yata ako." She's talking with her friend and co-reporter Liz on the phone.
" You heard me right. Mayroon ka'ng letter for transfer dito sa desk mo. Binasa ko na as you said and Bingo ! .." Kumunot ang noo niya. Never in her life she felt humiliated, ngayon lang. Wala siyang natatandaan na maling ginawa sa opisina to become like this, a laughing stock.
" Ulitin mo nga Liz, baka may hindi ka lang masyadong naintindihan. Maliwanag ang usapan namin ni Boss Ricky that I'm going to stay. Hindi ako kasali sa mga malilipat ng department." Sandaling nanahimik ang kausap sa kabilang linya.
" I'm sorry, my friend. Pero twenty twenty ang vision ko. And according to my two beautiful eyes, isa ka nang showbiz correspondent.Congrats." anito saka kumanat ng tawang animo nasapian ng masamang espirito.
" What ?!" tuluyan na niyang pinatay ang makina at inalis sa headset ang cellphone.
" Showbiz talaga ? Nagpapatawa ba ang butiki na 'yon ?"
" I don't think so. Seryoso siya,friend. Look oh .. ang ganda ng signature niya. As in perfect ang every stroke."
Pumalatak siya saka inilipat ang cellphone sa kabilang tenga.
" I don't deserve this. Hindi ako sumasabak sa mga giyera para mabigyan sila ng magagandang scoop 'pagkatapos ay ililipat nila ko sa walang kakwenta-kwentang showbiz reporting. Damn that man !"
" Look into the brighter side, Reika. Hindi ka ba naeexcite na makakadaupang palad mo na ang nagniningningan na mga bituin ng pinilakang tabing ? Ang sarap kaya sa feeling na everyday ay mga beautiful faces ang nakikita mo, napakagaan sa pakiramdam."
" Eh kung ikaw kaya ang iexile ko para mas lalong gumaan ang pakiramdam mo ? Walang thrill ang mga scoop sa showbiz, paulit-ulit nalang ang mga tipo ng scandal nila nakakabobo lang."
" Hindi ako bobo for your information !" mali yata ang nabitawan niyang salita. Isa kasi ito sa mga showbiz reporter na sinasabi niya.
Naging magkaibigan sila back in college. Sabay din silang nakapagtapos at natanggap sa parehong kumpanya. Dangan nga lamang ay mahilig talaga ito sa showbiz kaya't doon sila nagkahiwalay ng landas. Sa field siya nadestino samantalang ito ay naging isang paparatzi hanggang sa nakapag-asawa ng basketball player.
" I'm sorry. I'm not talking about you. I'm just telling my opinion. Hindi ako makapapayag na maging parang aso na bubuntot-buntot sa mga artista. Walang thrill. I'm going to talk to that old man."
" Ano ba ang may thrill para sa'yo ? ang magreport habang may mga sumasabog na bomba sa likod mo ? o mahostage ng mga siraulong NPA dahil gusto mo silang mainterview ? My god Reika, kababae mo'ng tao ang lakas ng trip mo ! Kahit ako si Boss Ricky ay ililipat din kita sa kung saan ka dapat."
" I hate you .." aniya.
" I hate you more .."
" Ewan ko sa'yo ! makipag-usap ka na nga lang sa laptop mo !" after what she said ay pinindot na ni Reika ang end button ng cellphone at ipinatong ito sa dashboard. Padabog na isinandal niya ang ulo sa hairdress ng drivera seat.
Paano na siya ngayon ? ang buhay niyang puno ng aksyon ay tila mababalutan na ng pagkabagot. She never liked showbiz industry. Infact, ni hindi nga siya nanonood ng mga showbiz news sa telebisyon o kahit nagbabasa ng mga magazine. Most of people kasi, parang mga sira na halos sinasamba na ang mga iniidolo. They became obsessed with their faces na wala naman halos ipinagkaiba sa mga ordinaryong mukha. Ang open book na buhay ng mga artista ay nakakasawa na. Pare-pareho na lamang halos ang mga balita. Relationship na nauuwi sa hiwalayan, gamitan, scandals, awayan dahil sa agawan ng boyfriend at kung anu-ano pa'ng balita na ikinatutuwa naman ng mga hibang na fans. Unlike sa field reporting. Every minute ay may excitements. Reality ng buhay ang pinag-uusapan. Life or death kumbaga. Gobyerno laban sa mga ordinaryong sibilyan o kaya naman ay mga militar laban sa mga naghihimagsik na sibilyan. Bawat balita ay may katuturan na maghahatid sa bansa ng tunay na kalagayan nito. Mga hinaing at daing na maaring makapagbigay daan na masolusyunan ang problema ng Pilipinas. Hindi na nga niya alintana kahit pa nalalagay sa peligro ang kanyang buhay. What's important is the scoop that will give enlightenment to the public.
Naiinis na ginulo niya ang buhok at impit na tumili saka ilang ulit na pinukpok ang manibela. Kahit man lamang sa ganoong paraan ay mawala ang badtrip niya. Hindi biro ang hirap at pagod na nainvest niya sa kanyang trabaho bilang isang field reporter. Nagsimula siya bilang isang junior assistant na taga timpla ng kape ng senior at tagabitbit ng mga materials para sa mga documentary reports nila. But through her determination ay naabot niya kung ano man ang kinalalagyan nya ngayon bilang isang magaling at matinik na field reporter ng bansa.
" Huh ! anong palagay nila sakin, high school student na pwede nilang itransfer anytime ? no way ! magtutuos kami ng matandang Iking na 'yon." Pagkasabi ay mabilis niyang binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
She's d one
RomanceNabaligtad ang mundo ni Reika nang ilipat siya from field reporting to Showbiz report. Pakiramdam niya ay blessing in disguise ito dahil naka-face to face niya ang super crush na lead vocalist ng bandang assignment. Pero may problema.. Ang asungot n...