PANGAKO

5 1 2
                                    

Pangako,
Sobrang sarap pakinggan
Lalo na't galing sa iyong naiibigan
Pangakong hindi maghihiwalay
At magsasama habambuhay

Pero napako ang mga pangako
Lumisan siya at iniwan kang gulong-gulo
Na para bang masisiraan ka na ng ulo
Hinahapuhap ang alaala ng nakaraan
At umaasang muli ka niyang babalikan

Ngunit wala
Kahit humiling ka pa sa mga tala
Ay wala kang mapapala
Sinubukan mo pang tanungin ang tadhana
Ngunit sadyang hindi ka pinagpala
Sa paglisan niya'y wala ka nang magagawa
Kundi ang tanggapin ang kanyang pagkawala

Gusto mo na siyang kalimutan
Ngunit hindi siya mawaglit-waglit sa iyong isipan
Kaya hanggang ngayon umaasa ka pa rin
Umaasa ka pa ring muli ka niyang mamahalin

Pinaalala mo pa sa kanya ang mga pangako niyo sa isat-isa
Ngunit hindi siya nag aksaya ng panahon upang ikaw ay muling makilala
Kinalimutan ka na niya't hindi na maalala
Masasayang araw na pareho ninyong binuo
Ngayon ay para na lamang abo
Kinalimutan na niya ng tuluyan
Mga pangako niyo sa duyan.

Kaya nag desisyon kang tumigil
Tumigil sa kagagahan mong nakakagigil
Lumayo ka at kinalimutan siya
Na siyang tama at dapat matagal mo nang ginawa...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now