DATING TAYO

2 1 1
                                        

Nasaan na?
Nasaan na yung dating tayo?
Dating tayo kung saan masaya tayong pareho
Dating tayo na para bang tayo lang ang tao sa mundo
Mga yakap mo't halik
Bakit parang iyo nalang pinipilit?

Bakit hindi mo nalang sabihin?
Sabihin ang katotohanang ayaw mo na sa akin
Sabihin ang katotohanang hindi mo na ako kayang mahalin
Mahirap ba iyong gawin?
Bakit mo pa inililihim?

Akala mo ba hindi ako nasasaktan?
Sabihin mo nalang kung ikaw ay napipilitan
Napipilitan sa relasyong ito
Na sa pagkakaalam ko
Pareho naman nating binuo

Handa naman akong palayain ka
Palalayain kita dahil mahal kita
Handa akong magparaya
Para lang sa iyo aking sinta

Kasi pag patuloy pa akong kumapit
Masasaktan lang ako kakakapit
Alam kong hindi na maibabalik
Mga maiinit mong yakap at halik
Ay mananatili na lamang magandang alaala habang mga mata koy nakapikit.

Masakit,
Pero mas masakit pag pinilit
Kaya bitaw na
Ako na ang unang gi give up sa ating dalawa
Salamat sa mga alaala
Sana maging masaya ka
Sa piling ng iba...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now