IBA

3 1 0
                                    

Sana sinabi mong may iba na pala
Para hindi ako umaasa
Na parang tanga
Na sa huli ay may tayo pa

May pakilig-kilig ka pang nalalaman
Hindi pala tunay ang iyong nararamdaman
Sobrang saya ko pa nung sabihin mong mahal mo ako
Pero hindi lang pala ako ang sinasabihan mo
May iba na palang naninirahan diyan sa puso mo

Akala ko ako
Nagulat nalang ako
Nang malaman kong may iba na palang nakikihati sa oras mo
Kaya pala sobrang lamig mo
Dinaig mo pa ang yelo
Na mabibili dun sa may kanto

Sana sinabi mo nalang
Kung saan ako nag kulang
O kung may nagawa ba akong kasalanan
na hindi mo nagustuhan

Magbabago sana ako
Kaso pinalaya mo na pala ako
Tinalikuran mo na ang relasyon natin
At sinabing hindi mo na ako kayang mahalin

Ano pa bang magagawa ko?
Kundi tanggapin ang desisyon mo
Dahil yun ang totoo
Na past lang ako
At siya na ang bago...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now