KAIBIGAN LANG

1 1 0
                                    

Ang sakit pala noh?
Yung akala mong kayo na pero hindi pa pala
Sobrang sweet niya sayo
Yun pala mag kaibigan lang kayo

Sa sobrang clingy niya
Pati bituka mo kinikilig na
Sa bawat pag akbay niya
Hindi mo maipaliwananag ang nadarama

Pero para sa kanya wala lang yun
Dahil normal lang sa kanya ang ganoon
Ngayon nasasaktan ka
At hindi mo alam ang gagawin pag nawala siya

Huwag kang magpakatanga
Dahil lang sa pag ibig mo sa kanya
Sinubukan mo pang magtapat
Pero pag ibig niya'y hindi sapat

Kaibigan lang ang tingin niya sayo
At hindi na yun magbabago
Oo masakit
Pero kalaunan ay matatanggap mo rin ang pait

Nadagdagan pa ang sakit na nadarama mo
Nang malaman mong may bago na ang mahal mo
Walang papantay sa sakit na dulot nito
Na gusto mo nalang mawala sa mundo
Pero gurl,wala nang magbabago

Tanggapin mo nalang
Na kaibigan ka lang
Makakahanap ka rin ng iba
Yung magmamahal sayo ng bonggang-bongga

Mag move on ka na
Dahil masaya na siya sa iba
Sabi nga
Kung talagang mahal mo siya
Ay hahayaan mo siyang maging masaya

Yung mga kilig moments niyo noon
Huwag mo yong ibabaon
Dahil naging masaya ka rin sa mga panahong yun
Naging maikli man
Mananatili pa rin iyong magandang alaala magpakailan pa man

Hindi man naging kayo
At least kaibigan pa rin ang trato niya sayo
Wala kang ginawang mali
Minahal mo lang siya
Pero yun nga wala kang napala

Hilingin mo nalang na maging masaya siya
Sa piling ng bago niya
Suportahan mo pa rin siya
Kahit kaibigan ka lang para sa kanya...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now