PAGKAWALA

3 1 0
                                    

Hindi ko mapigilang maluha
Nang makitang unti-unti na siyang kinukuha
Sobrang sakit
Na animo'y para kaming magkadikit

'Mahal kita'
Huling katagang binanggit niya bago siya lagutan ng hininga
Parang dinurog-durog ang puso ko
Sa mga nakikita ko

Unti-unti na siyang nawawala
Habang ako,naghihintay na may mangyaring himala
Habang humihiling sa mga tala
Na huwag muna siyang mawala

Tuluyan na siyang lumisan
Dala ang mga alaala ng nakaraan
Alam kong hindi na niya ako mababalikan

Kaya mahal,
Kung nasaan ka man
Sana maayos ang iyong kalagayan
Palagi mo akong gagabayan at babantayan
Dahil mananatili ka sa puso ko magpasawalang hanggan...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now