BITAW NA

1 1 1
                                    

Bitaw na,
Tutal wala naman nang rason para kumapit pa
Huwag mo nang pilitin na ako ay mahalin
Dahil masasaktan lang ako pag ako na'y iyong palayain

Kalimutan mo na
Kalimutan mo na mga masasayang araw nung tayo'y magkasama pa
Palayain mo na ako
Dahil hindi ko na matitiis ang ganito

Nandiyan ka nga sa tabi ko
Pero bakit tuwing gabi nilalamig pa rin ako?
Dati'y maiinit na yakap mo
Bakit ngayon ay para na lamang hangin na dumadampi sa balat ko?

Sobrang sakit
Parang tinutusok ng paulit-ulit
Subukan mang ipilit
Pero sadyang ipinagkait

Pag-ibig mo'y hindi na madama
Mahal kita
Kaya malaya ka na
Maging masaya ka sana...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now