The Promise

99 12 6
                                    

'Noong unang panahon may isang diwatang nananahanan sa isang mahiwagang kagubatan. Katulad ng ibang mahiwagang nilalang, ang diwata ay nagtataglay ng kakaiba at pambihirang kagandahan. Abot talampakan ang kaniyang ginintuan at kulot na buhok. Ang kaniyang mga mata ay nangingintab sa kulay na ginto. Ginto rin ang ang kaniyang pilikmata maging ang kaniyang mga kilay. Suot-suot niya ang makintab na kasuotang napupuno ng mga palamuting paru-paro at bulaklak. Hindi rin nagkulang sa kakislapan ang kaniyang koronang nababahiran ng iba't ibang uri ng diyamante, bulaklak at mahiwagang bato. Hugis puso ang kaniyang mukha,mapupungay ang kaniyang mga mata,mapupula ang mga labi,sing-puti ng niyebe ang kaniyang balat. At higit sa lahat ay ginintuan rin kaniyang puso.' 

Naglalakad ako sa kahabaan ng Pettit Barracks nang madaanan ko ang isang kumpol ng mga musmos na batang kalye. Kinukwentuhan sila ng isang matandang Ale na isang tindera ng mga kendi at kandila sa isang sidewalk. It's Sunday and I decided na dumaan muna sa Fort Pilar pagkatapos kong bumili ng school projects na ipapasa ko ngayong week. Bigla akong natigilan nang marinig ang kuwento ng matanda,puti na ang buhok nito ngunit kumakayod parin at nagbabalat ng buto.

"Ano pong pangalan ng Diyosa?"tanong pa ng batang mataba saka nginuya ang isang kending max na binili niya sa matanda. "Walang nakakaalam ng pangalan ng Diyosa. Ngunit maaari mo itong malaman kung kaniyang sasabihin sa iyo." sagot pa ng Ale. Nakikita kong interesado ang mga bata sa kuwento ng mga matanda.

Pati ako nga rin ay na-engganyo sa kuwento niya. Hindi ko man aminin ngunit mahilig ako sa mga kuwentong may pantasya. Noong bata pa lamang ako ay parati akong kinukwentuhan ng aking Lola patungkol sa mga mahihiwagang nilalang kagaya ng mga sirena,engkanto,diwata at iba pa. Mga kuwentong pambata na nagpaniwala sa atin na ang lahat ng bagay ay may masayang katapusan. Ngunit sa pagmulat ko sa mapanghusga at mapang-aping mundo ay makikita mong hindi lahat ng bagay ay may masayang wakas. Bata pa lamang ako ay namatay na ang aking mga magulang. Lumaki ako sa puder ng aking Lola ngunit namatay rin siya noong labin-dalawang taong gulang pa lamang ako. Kung kaya't nakitira ako sa aking Tita Emerald kasama ang dalawa kong pinsan.

"Lola onde ta queda el diwata? (Lola where do the diwata live?) " sambit pa ng isang batang babae na naka sipa ang buhok. " Sa Paseo del mar mga hijo at hija " wika pa ng matanda saka ngumiti at nag-abot na naman ng kendi sa mga bata dahil bumibili na naman ang mga ito. Feeling ko it just her marketing strategy and budol rin itong si Lola para makabenta lang ng mga paninda eh.

"Oh ineng bibili ka ba ng kandila?"tanong ng matanda na nagpabalik sa aking sariling napupuno ng mga imahinasyon kanina. Mga imahinasyong maaaring maging makatotohanan sana kung buhay pa ang aking mga magulang. If only they did not died, everything will be different right now. "P-po?"tanong ko. Bigla namang nagsitawanan ang mga batang paslit kaya naguluhan ako. "Sus kayo talagang mga bata. Umuwi na nga kayo dahil hinahanap na kayo sa inyong mga tahanan. Bolbe ya! (Go home !)" wika pa ng Ale saka inayos ang kaniyang mga panindang nagulo dahil sa pamimili ng mga batang paslit.

"Ikaw ay naliligaw." saad niya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya dahil nakatalikod siya saakin. Wala namang ibang tao sa paligid maliban sa kaniya at ako lamang. Napalingon siya at tumingin ng diretso sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba mula sa mga titig na iyon. "Bibili ka ba hija?" ngiti niyang tanong na nagpabawas ng kabang naramdaman ko kani-kanina lang.

"Ah hindi po Lola hehe,paalis na rin po ako." wika ko at akmang lalakad na sana palayo ngunit hinila niya ang kanang kamay ko dahilan upang makaharap ko siyang muli. "Mag-iingat ka." seryosong tugon niya. Hinila ko ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa palapulsuhan ko dahil talaga namang nakakatakot ang pabago-bago niyang kilos.

She's so creepy

Ilang segundo akong naistatwa ako dahil sa kakaibang awra na dala ng matandang  Ale. Napahalakhak pa siya at bigla niyang  hinawak ang      kanang palad ko na para bang sinusuri niya ang bawat parte nito. "Pasensya kana hija. Mahilig lang akong magbiro."natutuwang sambit niya. Sinabay ko nalang rin ang paghalakhak niya  para hindi siya mapahiya.

"Ayaw mo talagang bumili hija?"pagtatanong muli ng Ale. "Bumili kana ineng para sa pagkain ng mga apo ko." dagdag niya. Kaya wala na akong nagawa kundi bumili nalang sa kaniya. "Dies peso por dose bilog (Ten pesos for twelve pieces) " saad niya. Sa huli wala akong nagawa kundi bayaran na lang dahil pinuslit na niya ang mga kandila sa plastik.

Dahil ang creepy ni Lola ay umalis na kaagad ako. Nagmadali ako sa paglakad dahil magdidilim na, kailangan ko pang asikasuhin ang bahay pagka-uwi ko. Marami paring tao sa Paseo del Mar kaya punong-puno parin ang Plaza Pershing. Dumeretso nalang ako sa Fort para magsindi ng kandila. Hindi maaaring dumaan ang mga sasakyan sa bahaging ito kaya hanggang parking area lang sila. Ilalakad mo nalang ang katiting na distansya hanggang sa makarating sa entrance ng Fort Pilar. Napatingala ako ng tumapat na ako sa tarangkahan ng forte.

'La Virgen del Pilar'

Marami akong kasabay sa pagpasok kaya nagpatangay nalang rin ako sa grupo. Matapos kong sindihan ang kandila ay dumeretso ako sa imahe at nag-alay ng dasal. Huli kong pinuntahan ang altar. Nagpalipas pa ako ng kaunting segundo sa pag-upo sa mga sementadong upuan. Ngunit napagpasyahan kong umuwi na. Nang tumayo ako ay may isang babaeng nakalaglag ng wallet sa harapan ko. Kaya naman hinabol ko siya para ibalik.

Hindi ako pwedeng sumigaw sa loob kaya hinabol ko nalang siya hanggang sa makalabas kami. "Miss!" pagtawag ko sa kaniya. Hindi parin siya lumilingon at masyado siyang mabilis maglakad. Hanggang sa napunta na kami sa may Fisheries. "Miss dituyu wallet!! (Miss your wallet!!) " pagsigaw ko ulit ngunit tila wala siyang naririnig mula saakin. Napapagod na rin ako kakatakbo kaya't hingal na hingal na rin ako. Laking pasasalamat ko ng huminto siya.

Shems

Na-realize ko na nasa loob na kami ng Paseo del Mar. Nasa dulong bahagi kung nasaan ang dalampasigan. Madilim na kaya hindi ko na siya masiyadong naaaninag. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa lumubog na ang kalahating katawan niya sa tubig. Hala woy magpapakamatay pa ata jusmiyoo !

"Ateeee huy!!Bawal magpakamatay!!" tarantang sigaw ko sa kaniya. Wala akong choice kung hindi sundan at pigilan siya sa balak niya. Dali-dali kong tinanggal ang sapatos ko at itinaas ang suot kong jogger pants. Umabot na hanggang tuhod ang tubig nang makapansin ako ng kakaiba.

Kung panaginip lang 'to please gisingin niyo na ako utang na loob

Nagtakip ako ng mukha sa sobrang pagkasilaw. Masyadong masakit sa mata ang liwanag na nagmumula sa kinaroroonan ng babae. Gayunpaman, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para abutin ang babae. Pero hindi nagpatinag ang liwanag kaya hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.

Pagmulat ko ay mas lalo lang akong naguluhan. Hindi na ako halos makahinga't makagalaw. Tila napako na sa mga buhangin ang aking mga paa. Parang hinihigop ng kaniyang mga mata ang aking kaluluwa. Totoo ba to?

Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ang diwatang kanina lang ay naririnig ko lang sa isang kwento!

#Unang Pangako

The Promise Of Paseo Del MarWhere stories live. Discover now