Mama nakauwi napo ako. Masaya kong bati kay mama nung nakapasok ako sa pinto. Nakita ko siya na nag bibilang ng pera tapos na siguro siyang mag tinda ng bananacue at turon.
Keah kamusta naman yung una mong araw sa klasi? Nakangiting tanong sa akin ni mama. Naupo ako sa tabi ni mama at naglalambing.
Okay lang po mama meron na po akong tatlong kaibigan sa aking mga kaklase mababait po sila mama. Masaya kong kwento sa kanya. Hindi po nila ako hinusgahan kahit alam nila ang katayuan ng ating buhay. Nakangiti kong saad habang inaalala kung paano nila pinalakas yung loob ko kanina.
Masaya ako na nakakita ka ng kaibigan anak. Kaibigan na tatanggapin ka kahit ano at sino kaman. She said while caressing my hair.
Masaya din ako mama na nakilala ko sila at naging parte ako ng pagkakaibigan nila. Kahit isang araw pa lamang ay pinaramdam nila ang kanilang mainit na pag tanggap sa akin. Mama pinapalakas din po nila yung loob ko nung nalaman nila na iskolar ako. Sabi nila huwag daw po akong mag pa apekto sa sasabihin ng iba dahil utak naman daw yung ginagamit sa edukasyon at hindi pera. I said while smiling thinking how lucky I am to be with them.
Wala naman bang ng aaway sayo sa school Khea? Nag aalalang tanong ni mama. Umiling ako bilang pagsagot ko.
Ayaw kong malaman ni mama yung tungkol sa pag sampal ni Sheina sa akin dahil ayokong mag alala siya. Ngumiti si mama sa akin. Sana ay mabibigyan ako ng pagkakataon na makilala iyang mga kaibigan mo Keah nakikita ko yung kasiyahan sa iyong mga mata.
Kamusta naman yung pagtitinda mo ng bananacue at turon mama? Tanong ko habang hinuhubad yung suot ko na sapatos at knee socks.
Naubos naman anak, meron ka nang pambaon bukas pagpasok mo ng paaralan. Nakangiting sabi sa akin ni mama
Hayaan mo mama dadating din yung panahon na hindi kana maglalako ng mga paninda mo, hindi kana maglalaba sa iyong mga kakilala upang magkaroon ka ng pera. Dadating din yung panahon na makakapagpahinga ka sa trabaho mama dahil ako naman ang mag tatrabaho para sayo at para sa araw araw nating pangangailangan. Niyakap ako ni mama ng mahigpit.
Napakaswerte ko dahil ikaw ang naging anak ko Keah kailanman man ay hindi mo binigo si mama, nakikita kong determinado ka sa iyong pag aaral at pag abot ng iyong pangarap. Kaya hindi ako mapapagod na maghanap ng pera upang matustusan ko ang iyong pangangailangan. Maluha luhang saad ni mama
Pangako ko sa iyo mama mag aaral ako ng mabuti at hindi kita bibiguin. Bibilhan kita ng malaking bahay at doon ikaw ang magiging reyna. I said while hugging my mother so tight.
Natapos ang unang linggo ng pasukan na walang masyadong ginagawa orientation lang at pagpapakilala sa sarili. Patuloy parin akong inaaway ni Sheina dahil nag seselos siya na kinakausap ako ni Laurence Roi na crush niya. Ilang beses kong iniwasan si Laurence para hindi siya magalit sa akin ngunit sadyang napaka kulit neto at patuloy padin sa pag lapit.
Lunes ng umaga kakapasok ko palang sa gate ay pinatid na ako ni Sheina. Narinig ko ang tawanan ng ibang estudyante pati ng mga kaibigan niya. Nahihiya akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili. Ngunit tinulak nya ako at bumagsak ako ulit sa sahig.
YOU ARE READING
Love Tested By Fate
RomanceThe story is all about The fate of love. How love will change them and mold them for a better future. The fate of love is a game we didn't know who will be the next victim of it. So let's see if the couple in this story will overcome the trials and...