Chapter 4

12 4 0
                                    

Vhannes Pov

Kakapasok na kakapasok ko palang sa aming silid at heto nanaman ang aking mga kaibigan sa panunukso.



Hello Mr. Knight and Shining Armor. Nakangising bati sa akin ni Alexus. Balita ko usap usapan ka raw dito sa campus dahil sa paglitas mo sa iyong prinsesa. Dugtong pa nito na nanunukso.



Kamusta naman ang inyong unang pagkikita? Ano kaya yung feeling na sa unang tagpo ng inyong landas ikaw ay naging tagapagligtas? Ngising tanong din Xavier




Paano ba yan dude? Mukhang hindi na madamot si tadhana. Hahaha dugtong pa ni Alexus.



Binigyan ko sila ng masamang tingin ngunit parang hindi nila iyon naintindihan dahil tawa pa din sila ng tawa. Ahh sumasakit yung ulo ko sa kanilang dalawa. Ewan kung paano ko naging kaibigan ang mga to.



Masaya ako nakausap ko siya at nakita ng malapitan. Pero hindi ko naman gusto na sa gaanong paraan. Kung alam niyo lang sana ang sakit na dulot sa akin nung nakita ko siyang nasasaktan. Malungkot kong saad sa kanila


Tinapik nila ang aking balikat at nginitian. Malay mo may magandang rason ang tadhana kung bakit kayo pinagtagpo sa ganyang paraan. Pagpapalakas ng loob sa akin ni Alexus.


At malay mo din na sa gaanong paraan magiging matatag ang inyong pagsasamahan. Ngiting sabi din ni Xavier.


Nginitian ko sila. Ramdam na ramdam ko ang kanilang suporta mga baliw man sila at palaging nanunukso pero hindi ka nila iiwan kapag ikaw ay nangangailangan.



Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Gusto ko sanang sumabay kina Keah kumain kanina, kaya lang inaya kami ni Alexus na pumunta ng mall at doon na lamang kumain. Ayaw ko namang tumanggi dahil ayaw ko silang magtampo. Nauna ng umalis sina Alexus at Xavier dahil may lakad pa daw sila. Gusto po sanang ipakilala sila kay Keah kaya lang nagmamadali daw sila at bukas na lang. Napagdesisyonan ko na lang na pumunta doon ng mag isa at naabutan ko silang apat na nag aayos ng gamit.




What's up girls Bati ko sa kanila nung makapasok ako sa kanilang silid. At syempre hindi magiging si Drea si Alexandrea kung hindi yun manunukso at sumabay pa ang dalawa. Nakita kong yumuko sa Keah dahil namumula ang kanyang pisngi siguro dala na din ng hiya.


Huwag niyo ngang tuksuhin si Keah. Suway ko sa kanila ngunit hindi man lang sila nakinig sa akin. Matitigas ang ulo ng mga babaeng ito.


Lumabas na kami ng kanilang silid upang umuwi. Naglalakad silang apat ng sabay at nasa likuran nila ako na tinitignan nanaman si Keah. My eyes can't resist to look at her I really can't


Hoy! Sigaw sa akin ni Drea. Bakit naandyan ka sa likod? Dapat dito ka sa tabi ni Keah. Sinundo mo tapos di mo naman pala tatabihan. Nakangising sabi nito


Pinukol ko siya ng masamang tingin dahil sa kanyang kadaldalan. Tumahimik ka nga Alexandrea parang machine gun yang baba mo na hindi tumitigil kakadada.


Love Tested By Fate Where stories live. Discover now