Chapter 6

8 2 0
                                    

Kamusta Keah? Sinunod mo ba ang puso mo? Nangingiting panunukso ni mama sa akin pagkapasok ko sa bahay.


Mama naman tumigil ka na nga sa panunukso sakin para ka ng si Drea eh. Nakangusong sabi ko



Lumapit si mama sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Mabait na bata si Vhannes anak. Una palang alam ko na gusto ka na niya, at sa dalawang buwan na nakasama ko siya, wala ng ibang bukambibig ang mga labi niya kundi ikaw tuwing kinakausap ko siya. Bago ka niya niligawan kanina ay kinausap niya ako at humingi na permiso na sana ay payagan siya. Nakikita ko kung gaano kalaki ang respeto na niya sayo. Nakangiting saad ni mama habang ang hinaplos ang aking buhok


Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo din siya. Kaya hindi kita pipigilan dahil alam kung doon ka sasaya. Pero huwag mong kalimutan na ang pagmamahal at pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro kilig at saya dahil mararanasan niyo ding masaktan, umiyak ang panghinaan. Palagi lamang akong naririto para gabayan kayong dalawa dahil alam kong di ko naman kayang pigilin ang inyong mga puso.



Hindi ko maialis ang titig ko kay mama habang sinasabi niya ang ganoong salita. Mama, salamat sa pag iintindi sinubukan ko naman pong pigilan ngunit hindi kinaya. Saad ko





Hindi mo kailangang pigilan ang iyong damdamin anak. Kung mahal mo siya, mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Ngayon pa lamang ay sasabihin ko ng mahihirapan kayo sa inyong sitwasyon. Maraming mapanghusgang tao alam ko na alam yon. Mararaming kayong maririnig na mga masasakit na salita na galing sa kanila lalong lalo na ikaw. Ngunit huwag kang magpapadala sa mga sinasabi ng iba dahil hindi naman nila hawak ang puso't isip mo. Sinasabi ko sayo ito dahil ayaw kong mag paapekto ka sa ibang tao. Sundin mo ang nararamdaman mo alam kung hindi hahayaan ni Vhannes na mag isa kang lumaban dito. Saad niya



Niyakap ko si mama dahil kahit kailan hindi niya hinayaan na pangbabaan ako ng lakas ng loob. Hindi niya hinayaan na mang hina ako dahil sa iba.


Mama gusto daw po akong makita ng mga magulang ni Vhannes. Mama natatakot po ako. Naiiyak kong saad


Bakit kanaman natatakot Keah? May dapat ka bang ikatakot? Tanong ni mama sa akin


Mama paano po pag hindi nila ako tanggap para sa anak nila? Mama kinakabahan ako para bukas, sapagkat hindi ko alam ang aking gagawin.

Huwag kang kabahan at mas lalong hindi ka dapat matakot anak. Lumaking mabuting bata si Vhannes ibig sabihin pinalaki siya ng kanyang mga magulang sa kabutihan.


Pero mama ano po ang aking gagawin? Hindi po mawala ang kaba sa akin.



Love Tested By Fate Where stories live. Discover now