Chapter 3

10 7 0
                                    

Vhannes Pov

Unang araw ng pasok ngayon at heto ako umupo sa ilalim ng puno. Umalis ako ng maaga sa bahay dahil ayaw kong manatili doon sapagkat nag aaway nanaman ang aking ama't-ina . Nakatingin ako sa kapwa ko estudyante na nag lalakad. Ngunit may isang babaeng nakaagaw ng aking pansin, tila bago siya dito sa aming paaralan. Sapagkat parang nahihirapan siyang maghanap ng kanyang silid-aralan. Matangkad siya, maputi at mala anghel ang mukha. Hindi ko maintindihan pero merong kumalas na ngiti sa aking mga labi habang nakatitig sa kanya. Na tila nawawala ang bigat na aking nadarama dahil sa aking pamilya. Kay hirap alisin  ang paningin ko sa kanya dahil tila na hipnotismo ang aking mga mata dahil kay sarap titigan ang napaka inosente niyang mukha. 



Hoy Vhannes sino yung tinititigan mo diyan? Biglang sigaw ng kaibigan ko na si Alexus sabay upo sa aking tabi.


Napaayos ako sa aking pagka upo at inaalis ang tingin sa dalaga at hinarap siya. Wala akong tinititigan tanga. Kunwaring tumatawang sagot ko sa kanya

Ahhhh kaya pala nakangiti ka habang natutulala? Muntik pa ngang tumulo laway mo kung hindi lang nakatikom ang iyong baba. Hahaha saad niya na tumatawa at hindi na niniwala sa aking sinabi. Akala mo di ko napapansin na kanina mo pa tinitignan ang babaeng yan. Sabay turo sa babaeng nakaakit ng aking mga mata.


Hindi ko tinitignan yan Alexus, doon na talaga ako nakatingin bago sya napunta diyan. Defensive kong sagot

At talaga ba pre? Hindi mo nga ako napansin na kanina pa ko nakatayo dito sa tabi mo, dahil kakatitig mo sa kanya. Saad niya na may mapanuksong ngisi labi. Kung hindi pa kita sinigawan siguro hanggang ngayon di mo alam na andito ako. Nakangisi niyang saad


Umiling iling na lamang ako, dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko. Masiyado na niya talaga akong kilala. Na kahit konting sekreto ay hindi mo maitatago sa kanya. Sabagay ilang taon na din kaming magkaibigan at ilang taon nadin kaming nagtutulungan at nagdadamayan sa bawat agos na dumadating sa aming mga buhay.

Aminin mo na kasi Vhannes na naaakit ka sa taglay niyang ganda, hindi mo naman maitatanggi na maganda talaga siya dahil halata naman sa kanyang itsura. Pahayag niya. Hindi naman masama kong maakit ka at magkagusto ka sa kanya  dahil lalaki ka pa din dude at may nararamdaman. Sabay tapik sa aking balikat at ngumiti



Napabuntong hininga ako dahil tama naman talaga siya. Oo na sige na tinititigan ko na siya. Nahihiya kong sabi. Nakakahalina ang kanyang mukha na tila kapag tumingin ka hindi mo na maalis ang iyong mga mata. Saad ko na may pinigil na ngiti



Napangisi naman ang loko kong kaibigan. Masyado yatang natamaan ang puso mo dude? Panunukso nito. Oh bakit nga pala sobrang aga mo ngayon? Nakakapanibago sapagkat palagi kang late kapag unang araw ng klase. Curious na tanong nito.

I smiled at him weakly as a response to his question. He already knows what does that smile means. He patted my back for me to know that he was there for me no matter what happen. He's not only my long friend but he is my best friend. A best friend that always lets me feel that whatever problems and circumstances that I go through he is always there for me and will never leave my side.


Love Tested By Fate Where stories live. Discover now