Chapter 5 ( Surprise )

8 4 0
                                    

Lunes ng umaga ngayon at text ng text si Drea sa akin kung asan na daw ba ako. Ewan ko kung anong nangyayari sa babaeng ito bakit panay ang tanong sa akin at minamadali akong pumunta sa school. Ngayon lang ata ako nito minadali naninibago na ako sa kanya. Ang weird niya mula kahapon kung ano ano ang mga pinagsasabi nababaliw na siguro ito.

Drea

Keah? Where are you na? Dalian mo kanina pa kami naghihintay sayo 😂

Ako

Sandali lang Drea. Bakit ba minamadali moko? Hahaha

Drea ❤

Wala lang eh sa gusto kana naming makita eh. Masama ba yon? Ikaw Keah ha kahapon kapa parang ayaw mo kaming makita.

Ako

Hindi naman sa ganon hahahah . Ang weird mo kasi mula kahapon Drea. Ano bang nangyayari sayo?

Drea ❤

Wala naman ah. Baka ikaw yung weird hahaha. Sige na dalian mo hinihintay kana namin ☺❤

Ako

Oo na paalis na po miss Alexandrea Martinez 😂😂



Mama aalis na po ako. Paalam ko kay mama. Minamadali na ako ni Drea ewan ko ba mama ang weird ni Drea mula kahapon tapos ngayon parang nagmamadali siyang makita ako. Baka nababaliw natong kaibigan ko mama hahaha.. natatawa kong saad may mama

Baliw ka Keah sige ka kapag narinig yan ni Drea hindi nanaman titigil kakakuda yan. Natatawang saad na din ni mama. Bsta Keah anak sundin mo ang sinasabi ng puso mo ha, dahil siguradong akong pag sinunod mo yung puso mo magiging masaya ka. Nakangiting sabi ni mama


Mama bakit pati ikaw ang weird? Nahawaan ka ba ni Drea? Kayo ha parang kayo na yung mag ina eh. Nakanguso kong saad


Sige na Keah umalis ka nga punta kana sa school. Pagtataboy sa akin ni mama sabay tulak sa akin palabas ng pinto. Goodluck Keah palaging sundin ang puso. Panunukso ni mama



Ayyy ewan ang weird ng mga tao ngayon nahawa na ata si mama sa kabaliwan ni Drea parehong silang weird. Nang makasakay ako ng jeep ay chineck ko agad yung cellphone ko. Andaming text ng mga kaibigan ko akala ko talaga si Drea at tsaka si mama lang ang weird pero ganon din pala sina Christine at Mer Raquel. Ngunit isang text ang naka agaw ng aking atensyon.

Vhannes ☺

Goodmorning Keah☺ Ingat ka papunta ng school ha magkikita pa tayo hahaha.

Napangiti ako sa simpleng text ni Vhannes sa akin. Parang natamaan na talaga ko sa kanya

Ako

Goodmorning din ☺ papunta na din naman ako ng school actually malapit na nga ako. Andyan kana ba? Kasama mo ba sina Drea? Ang weird kasi nila eh.




Nakababa na ako ng jeep ngunit hindi parin na kareply si Vhannes. Nalungkot ako bigla first time lang kasing hindi nakapagreply agad yun nakakapanibago naman ng mga kaibigan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa gate ay may dalawang babae na jhs na humarang sa aking harapan tsaka binigyan ako ng rosas. Hindi ko maintindihan bakit may ganito.


Para saan ito? Maaring nagkamali kayo ng inyong binigyan? Tanong ko sa kanila

Hindi po kami maaring magkamali ate. Nakangiti nilang tugon. Diba po ikaw si Hezekeah? Tanong nila



Love Tested By Fate Where stories live. Discover now