NASAN NA

5 0 0
                                    

"Nasan na?"

Hindi na ako tulad ng dati.
Di na mapigilan ang sarili.
Halos di na mabuo ang kalahati.

Mahal?,hindi na ba masaya?
Hindi na ba maayos pa?
Hindi na ba magbabago pa?
Bakit ngayon pa?

Ang sakit. Ang sakit isiping hindi na gaya ng dati ang ating pagsasama.
Yong halos isumpa mo na ko kapag may nararamdaman ka.
Bakit? Bakit mahal ko?
Bakit ganito?
Saan ba hahantong ang relaston nating to?

Nasan na ba?
Hindi ko na kasi makita.
Nasaan na ba?
Hindi ko na kasi madama.
Nasaan na ba?
Bakit 'di ko na madama?

Mahal?,asan na?
Asan na yong dating ngiti mong kay ganda?
Nasaan na yong saya sayong mga mata sat'wing ako ay kasama?

Asan na ba?

Wala akong makita.
Madilim,hindi ko alam kung pano na.

Ngayon,patuloy na lang ako.
Hanggang sa makita mong muli ang halaga ko.
Sa buhay mo,.....

...
Mahal ko....

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon