C H A P 10

16 5 1
                                    

Xaria's pov

Pagkadating na pagkadating namin sa school ay nagpaalam na agad kami kay manong at bumaba, tahimik naman si Kia habang kami ay naglalakad papasok ng gate, tumingin ako sa palagid ng wala akong marinig na ingay, yun bang sasalubong samin sa gate palang.

Asan naman kaya sila?

" Kia , 'Di ba sasabay satin yung mga tropa mo? " Sabi ko at tumingin sa kanya.

"Uh, I don't know wala naman silang nasabi saakin" Kibit balikat na sabi nito

Tumango nalang ako sa kanya at hindi na nagabala pang magtanong.

"Kia! " Agad naman kaming lumingon ng may tumawag sa katabi ko.

Kita ko naman ang pagliwanag ng muka ni kia ng si Rick ang nakita niya, nasaan naman kaya ang iba?

Nakangiti naman itong lumapit kay Kia at napatingin din saakin " Oh, hello din pala sayo, Xaria" Ngumiti lang ako at binati rin siya ,napansin niya naman hinahanap ko ang iba kaya nagsalita pa ito " Ah wala yung iba medyo mag papa late , bebe time daw" at pagkatapos noon ay lumingon naman siya kay Kia na kanina pa nakatitig sakanya.

"Kia pwede mo ba akong samahan sa library?" Tatango sana Si kia pero tumingin muna siya sakin, kaya napatingin ulit sakin si Rick " Sorry, Pwede karin sumama if you want " Kamot Batok na sabi nito.

Umiling naman ako at nginitian sila

" Ay hindi na , salamat, una nalang ako sa room " Nakangiting sabi ko

" Alright, sandali lang kami, hiramin ko muna itong pinsan mo" Sabi nito at hinila na ng marahan si Kia , kita ko naman ang pagkapula ng muka nito at napayuko, lumingon naman ito  sakin na malaki ang ngiti at kumaway.

Napailing nalang ako sa inasal nito.

Naisipan ko munang mag cr bago pumunta sa room dahil hindi pa pala ako nakapag cr sa bahay.

Banas, Xaria. Kain pa, 'yan mapapala mo.

Agad agad naman akong pumunta sa cr ng girls at chineck ko muna ang aking relo kung may oras paba, Napahinga ako ng maluwag at umupo na sa inidoro, 25 minutes Xaria , Fighting!

Natapos ang matindi tinding labanan ay Lumabas nako sa cr , syempre naghugas muna duh! Tsaka nag retouch narin, pinawisan besh!

Habang naglalakad naman ako sa Hallway , ay unti nalang ang mga studyante , siguro ay napaaga sila ngayon.

"Mm, Faster babe" Nanlaki naman ang mata ko ng may marinig akong babae na parang nahihirapan.

Teka, Umagang umaga may multo?!

Nanginginig man sa kaba ay sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon.

"Shh, uhh" Muli nitong sabi kaya naman ay napatingin ako sa room na Katabi lang kung saan ako nakatayo ngayon.

Lumapit ako dito at dinikit ang tenga sa pinto , nakarinig ako ng mahinang tinig pero maya maya ay lalakas, pero yung kasama niya ay pinatatahimik siya.

Mukang hindi naman multo eh? , at dahil nga chismosa ako ay binuksan ko ng unti ang pinto, hindi naman naka lock kaya madali ko itong nabukan.

Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ito at kung ano ang ginagawa nito.

Parang nalaglag ang puso ko sa aking nakita, Ang sakit , tangina. Bakit?! Bakit ako nasasaktan?!

"Shit" ungol nito habang may ginagawa sa babaeng nakatalikod ngayon sa kanya, halos matanggal nanga lahat ang mga damit nila.

My Lover Is A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon