C H A P 3

20 10 0
                                    


Xaria's pov

Habang nakapila kami para bumili ng pagkain, ang mga boys naman ay ang taga hanap ng aming mauupuan sa dami eh mukang maghihiram pa ng bangko.

" Guys ,pili na kayo ng gusto nyo my treat! Since bago lang si Xaria dito , pawelcome kona rin " Nakangiting sabi ni wendy naks yayamanin

"Nako, salamat nalang wendy, pero wag na gagastos kapa " pag tanggi ko naman kaso biglang may kumurot sakin at bumulong

Napangiwi naman ako at nilingon siya " Wag kanang umayaw twin , minsan lang 'yan sulitin na natin, kuripot kasi yang babaitang 'yan kaya oo kanalang okay" bulong ni kia kaya napailing nalang ako baliw talaga

Sige, dahil bawal tumangi sa grasya

"Thankyou pala kung ganoon wendy"

"Ano kaba girl, ngayon lang 'yan syempre " sabay kindat niya . Napatawa naman ako dahil ang cute niya dun.

Daladala namin ang mga tray na may lamang mga pagkain ng kumaway sa amin ang mga boys na malapit talaga sa table nila kyros ,talaga nga naman! Ewan ko kung bakit nag iinit ang dugo ko sa babaeng nakalingkis na parang linta sa braso niya.

"Girls , here! " Tumayo naman si Dave at rick

"Talaga nga naman, buti pa si Dave at rick gentleman , yung dalawa kaya dyan ? walang dulot eh" parinig naman ni diane sa dalawang lalaki na nakaupo lang sa lamesa nakapalumbaba

Hindi naman ito pinansin ng dalawa dahil nakatuon ang pansin nito sa pagkain ng ilapag ito, bigla namang pumuso ang kanilang mga mata

"Wow daming foods, sino naman kaya ang himalang nanlibre? " Sabi ni flint habang kumukupit ng fries

Tinapik naman ito ni diane "Itahimik mo muna ang kamay mo pwede, libre ito ni wendy , dahil pa welcome niya narin kay xaria! It's a miracle talaga kaya sulitin na!"

"Sabihin niyo ,salamat xaria" biglang sabi naman ni kia

"SALAMAT XARIA! HULOG KA NG LANGIT!!" sabay sabay na sabi ng boys, kaya naman napatawa ako dahil doon

"Kay wendy kayo magpasalamat siya ang gumastos nito eh "

" Bebe Ria, Sayo talaga dapat ! Dahil kung hindi kapa dumating dito ay hindi talaga iyan manglilibre , kuripot yan kahit mayaman " Sabi naman ni flint

" Hoy anong bebe Ria kadyan! Tumigil ka! Kumain nanga tayo " sabi naman ni diane

"True, gutom na kami ni babe dave ko " sabi naman ni elie , oh sila pala.

" Eww" sabay layo naman ni dave sa kanya . 

"Tama na lovebirds , maya na oh respeto sa single " sabi naman ni wendy

" Anong single ? Nandito naman ako babi wendy " sabi naman nung singkit na si calvin

Bagay sila singkit pareho.

Hindi ko nalang pinansin ang pagtatalunan nila at kumain , sabagay kumakain narin sila. si kia ayun katabi ang bebe niya , edi kayo na hustisya mga teh!

Habang kumakain napalingon naman ako sa katabi naming table,  si kyros ay madilim ang muka at parang walang pake sa katabi niya na kanina pa dada ng dada, kung ako yung babae aalis nalang ako , pero hindi nga ako ang babae dahil mas maganda ako sakanya walang wala naman ito sakin, puno pa ng make up ang muka parang clown , di hamak na mas malaki rin ang dibdi- teka nga bakit koba kinukumpara ang sarili ko sa babaeng 'yon!

My Lover Is A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon