C H A P 8

10 7 0
                                    

Xaria's pov

Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay inalubong agad ni mommy na nakangisi

" Mukang nag enjoy ang aming dalaga sa kanyang date " Biglang bungad ni mommy nasa sala pala sila at nanonood.

" Uh, Hindi po date, Nilibre lang po ako nung friend ko, sorry po nalate ako ng uwi " Pag hingi ko ng paumanhin.

" No baby, that's okay na mag ka boyfriend, basta know your limits huh? , Napagpaalam kana rin ni kia sakin pagkauwi niya" Sabay beso sakin nakipag beso din ako kay daddy pagkatapos ay nag thumbs up siya sakin

" Si Kia po pala? " Tanong ko ng hindi siya mapansin dito sa sala

" Ayun, Deretso agad sa taas ang isa naming dalagita , nako ang batang 'yong mukang may nililihim samin "  sabi ni mommy

"Oo nga ija, ang batang iyon naglilihim na ata samin, gabayan mo nalang siya Xaria, may tiwala kami sayo" sabi naman ni daddy ,kaya ngumiti akong tumango sakanila

" Mommy , daddy gusto n'yo po? Marami po ito pwede natin pagsaluhan lahat " Sabi ko sabay taas ng pagkain

" Thanks nalang baby, pero matutulog narin kami ng daddy mo hinintay kalang din namin" Nagpasalamat naman ako sa kanila at sinabing sana hindi na sila nag abala pang hintayin ako pero ganom daw talaga sila para malaman na nakauwi ba ng maayos ang kanilang anak.

Para namang may humaplos sa puso ko ng dahil doon, naalala ko muli si mama, I miss my mama so much.

Pinawi ko ang lungkot at idinaan nalang sa kain , niyaya ko si kia ngunit ang sagot niya lang ay " Thanks twiny, enjoy your meal nalang, i'm full pa " habang nakangiting nakatitig sa cellphone niya.

Full sa kilig.

Napailing iling nalang ako at sinimulang kainin ang aking jollibee, hinatian ko narin ang mga katulong na gising pa. Masaya naman namin iyon kinain lahat habang nag kekwentuhan, ngunit mahina lang dahil tulog na sila mommy at daddy.

Sana ganito nalang , palaging masaya at wala ng lungkot na madarama.

--

Matapos namin maubos lahat ang pagkain nag pasya akong ililigpit sana ang pinagkainan ngunit tumanggi ang mga katulong.

" Ma'am , kami napo ang magliligpit dahil trabaho po namin 'yun, salamat rin po sa pagshesher nyo samin ng pagkain " sabi ng mayordoma sa kanila, tumango naman ang iba.

Tinanguan ko sila at nginitian " Nako , huwag hindi n'yo napo akong tawagin na ma'am , Xaria nalang po , tsaka wag napo kayo mag po, pakiramdam ko tuloy ang tanda kona " 

" Ma'am - este xaria ija, Nagkakamali ka , sa ganda mong 'yan, para ngang hindi kana tumatanda , baby face ba kung tawagin nila , tsaka tawagin mo nalang rin akong nanay, dahil iyon ang tawag nila saakin dito" tumango naman ako sa kanyang sinabi " Sige po , nanay" napangiti naman siya dahil sa sagot ko

" Hi xaria! Ako pala si pamela, Share mo naman ang skincare mo oh ! Pak na pak nahihiya atang tumubo sayo ang mga tigyawat "

" Oo nga share mo naman! Huhu baka magustuhan narin ako nung crush ko na kapitbahay natin" lungkot na sabi nito sabay ngiti bigla " Btw, jeng nga pala " maligalig na sabi nito , sinuway naman siya ni nanay dahil medyo lumakas ang kanyang boses kaya napanguso ito.

Natawa naman ako ng mahina sa inasta nito " Marami rin ang nagtatanong niyang skincare ko pero ang ginagawa kolang naman ay maghilamos, umimon ng maraming tubig at maaga matulog, yun lang" nakangiti kong sabi

My Lover Is A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon