C H A P 4

15 10 0
                                    


Xarina's pov

Nagising ako ng may maramdamang mahinang tumatapik saakin " Xari , wake up, we're here na "

Nagmulat nalang ako ng mata , sabay naman kaming lumabas sa sasakyan at naghihintay naman si tito jhay sa labas.

" Oh inaanak , kamusta ang first day mo sa school nila kia? " tanong naman ni tito jhay , papa ni kia.

" Ayos lang po 'nong , salamat "

"Ako di? Hindi mo tatanungin ? Huhu tampo na'ko" pag uungot ni kia

Natawa naman si tito sa tinuran ni kia " I already know na maayos ka naman at hindi nakikinig so bakit kopa itatanong? "

Napasimangot naman si kia sa sinabi ng tatay niya

Sabay sabay kaming pumasok sa bahay nila , oo nga pala dito muna ako pinatira ni tita abi , kukuha nalang sana ako ng matitirahan malapit sa school kaso mapilit ito tutal parehas naman daw kami ng school ni kia.

" Mommy!! " Biglang sigaw ni kia at yumakap kay tita abi

" Aw, i miss you baby ko "

" I miss you too mommy" Sabay halik nito sa pisngi ng ina, mommy's girl talaga si kia, hindi ko naman maiwasang mainggit , nasa ibang  bansa kasi ang nanay ko para magtrabaho para saamin , hindi ko man lang siya mahagkan at mahalikan katulad ng nakikita ko ngayon.

I really miss my mom, i hope she's here taking care of me like before when i was child.

Malungkot naman akong napangiti, hayaan mo ma, pagbubutihin kona ang pag aaral ko para sayo para sa pamilya natin para masuklian ko ang paghihirap niyo saamin.

"Ehem, Sana ol niyayakap at kinikiss" parinig naman ni tito

" Ohmy! Xarina dear! " mukang ngayon lang ako napansin ni tita ng magsalita si tito sa tabi ko, imbis naman na pansinin ang sinabi ni tito ay lumapit siya sakin na may ngiti sa labi at yumakap.

" Hello po , tita salamat po ulit sa pagpapatira sa'kin dito" nakangiti koring sabi

" Ano kaba , wala iyon ! Para narin kitang anak, dahil anak ka ng kapatid ko, kaya if you need something don't hesitate to tell us" Napakabait talaga nito, agad naman rin akong yumakap sa kanya para naman akong yumakap sa nanay ko kaya hinigpitan ko pa ito.

Humiwalay naman ako sakanya at nanghingi ng paumanhin " Sorry po tita, nadala lang naalala kolang po kasi si mama sainyo "

"I'm sure you badly miss your mom, if you want to, i can be your mom for the mean time , habang wala pa ang mama mo, ituring mo muna akong ina, kung okay lang saiyo "

Napatulo naman ang luha ko sa tuwa at tumingin kay twin dahil baka kung ano ang isipin nito na inaagaw ko ang kanyang ina.

" Please say yes , twin! Para naman kitang kapatid narin kaya para mona rin mama ang mama ko! "

" Me too, i can be your dad , alam ko nauulila karin sa 'yong ama simula ng pumanaw ito , kaya sana hayaan morin akong maging ama mo simula ngayon " nakangiting sabi nito

Napakaswerte talaga ni kia sa kanila at swerte rin ako dahil naging pamilya ko sila.

"Salamat po sainyo, gustong gusto ko po 'yon "

" No more dramas na ! Group hug!! " sabi ni kia at nagyakap naman kaming lahat napawi lahat ng lungkot ko kanina ng dahil sa kanila.

" Haynako, kumain nanga tayo mga anak , baka lumamig na iyong niluto ko"

Mga anak, sarap sa ears

Matapos ang mahaba haba naming kwentuhan pag katapos kumain , umakyat narin kami ni twin para magpahinga ni bal pero dahil hindi pako inaantok nag scroll muna ako sa fb ko nakita ko rin ang 8 friend request doon , agad ko naman silang inaccept dahil ito yung mga kaibigan ni kia, ngunit may kulang.

Eh ano naman kung hindi kaniya i add?!

Umirap nalang ako at nakita ang post ni Wendy 1 hr ago, eto yung kanina naming mga pictures, marami din ang nagreact ang iba naman ay nagtatanong ng pangalan, tsk. Tinignan ko naman ang mga nag react at nakita ko ang pangalan niya doon, siya lang ang naiiba dahil like ang nireact niya. pero syempre dahil curious ako sa facebook account niya ay pinindot ko ang pangalan nito.

Naka private ito at tanging profile niya lang ang makikita ko at ang cover , sunod ko namang pinindot ay ang profile niya nakasalamin siya dito habang nakatingin sa kanan mukang nasa beach siya sa litrato nato dahil wala rin siyang pang itaas , malaya naman nagpakita ang malaking balikat nito na sa tingin ko ay matigas wait what?!

Umalis nalang ako sa profile niya dahil kung ano ano nanaman ang kasalanang maisip ko, pinatay konalang ang aking cellphone pagkatapos ay pinatong ito sa katabi kong table.

"Twin" tawag ko kay kia na ngayon ay ngiting ngiti habang nagtitipa sa cellphone niya

"Twin" isang ulit kopa ngunit talagang tutok siya sa cellphone at hindi talaga niya ako naririnig

"TWIN!" Ulit ko ngunit mas malakas na ito

"AY DATE TAYO!" gulat naman na sabi ko

"Hoy , date daw! kaya naman pala hindi moko pinapansin, kausap mo pala ang ka date mo, sino yan ha sino?" nakangisi kong sabi

" H-ha? Parang wala naman akong sainabing date ! Gawa gawa ka twin!" defensive na sabi nito

" Hm, oo nalang sige, pasalubong konalang kia ah "

" Che! Tumigil ka twin mali ka nanaman ng narinig mabuti pa matulog kana "

" Sus, gusto mo lang masolo niyan " pang aasar kopa ,natutuwa talaga ako pag naasar siya ang cute niya kasi

"Isa! "

" Isa dalawa tatlo sinong kausap mo? " pag kanta kopa sa kanta ng vicks

"Korni mo?

"Sige na nga , I'll sleep na , goodnight twin "

"K, Goodnight! "

Pero bago muna ako matulog ay humirit pa'ko ng isa

" Sana ol may ka date!" Sabay talukbong ng kumot

Narinig ko naman ang mahinang padyak nito , napatawa naman ako ng mahina at may ngiti sa labi kasabay noon ay linamon na ako ng antok.




Eyy guysss another ud nanamernn sana magustuhan n'yo at wag narin kalimutang mag vote! Hihi thankyou keepsafeee!! HAHAHAHAHAHAHA MWAA LOVELOTSS

A/ Potato

My Lover Is A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon