CHAPTER 6

53 21 23
                                    

Lumipas ang oras at lungkot ng mapalitan ito ng antok, ang labis na luha ay nauwi nalamang sa  isang mahimbing na tulog.

-
-
Tumigil ang oras at nagising ako, bat hindi ko magalaw ang mga kama'y at mga paa ko? anong nangyayari ? bat may nabulong ,bat ang dilim.

Nawala ang pangangamba ko at napalitan ito ng takot ng biglang lumabas ang isang nakakatakot na nilalang na humawak rin sa aking mga kamay "Tita, tita!!" sigaw kong naiiyak habang papalapit ang mukha nito.

"Tita!" sigaw ko "tita plss,let me go I beg you " naiiyak kong sabi sa isang nakakatakot na nilalang , habang ang palit nito sa natatakot kong sigaw ay isang tawa.

"plssssssss" sigaw ko muli.

*cring cring *

Pag tunog ng alarm clock ko na ikinagising ko sa masamang panaginip, naiiyak akong nagising ni kahit pag tayo ay nanginginig parin ako.

Umupo ako sa gilid ng kama  at dahang-dahang ikinalma ang sarili, dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha gamit ang malagatas kong palad at inabot narin ang isang tubigan sa may side table ng kama.

Hindi ko inaakala na ang inaabot kong bagay ay nahulog na pala, hindi ko parin pala maigalaw ng maayos ang aking katawan kaya pinagpasyahan kong lumabas upang pumunta sa silid palikuran.

Naisipan ko rin tignan si tita kung gising naba siya pero hindi pa pala, napagisipan ko na mag handa nalamang ng almusal.

Dahan-dahan akong naglakad pababa ngunit naalala ko nanaman ang bangungot ko, nagdalawang isip ako kung itutuloy ko paba ang plano sa pag gawa ng almusal.

Bumalik nalamang ako sa aking silid at kinuha ang telepono, hindi parin maalis ang atensyon ko sa bangungot na iyon kahit ilang beses na iyon nangyayari.

*ting*

Agad-agad kong binuksan ang telepono ko at isang message ang laman nito, galing ito kay hadniel bakit niya ba ako ginugulo? wala nabang ibang babae ang pwede nilang kausapin bat ako pa?

Tinignan ko ang chat nito at bumulantang sa akin ang pag tatanong nitong nakakaba.

"Hi, ikaw yung babaeng nakatakong right?" pag tatanong nito "umm why? " reply ko rito na medyo ikinaba ko "bat kaba nag reply hzyana " tanong ko sa sarili "HAHAHA so ikaw pala yung freshmen na pinaguusapan ng ka team ko" dagdag nito "ahh bat niyo bako pinaguusapan? " tanong ko rito na ikinatagal ng pagsagot nito "Wala, winiwelcome lang kita sa university " reply nito "so, thanks sa pag wewelcome pero di naman ikaw yung may ari ng university so goodbye" sagot ko rito dahil naiinis na ako.

Pinatay ko na lamang ang phone ko dahil ayaw ko mag entertain ng ganong tao,besides ang weird niya bat niya ako I wewelcome sa university eh hindi naman pala siya yung may ari.

Lumakas ang loob ko na bumaba para kumain, nagluto nalang ako ng tatlong bacon at ipinalaman ito sa tinapay, kumuha narin ako ng tubig inumin dahil kaganina pa ako nauuhaw dala ng panaginip na iyon.

"hyzana?"boses ng tita kong nagpakilabot sa balahibo ko "tita? gising kana ba?" takot kong tanong rito "bruha ka, malamang sino paba kasama mo ritong nagsasalita?" sarkastikong sagot ni tita na ikinatawa namin pareho "tsaka nga pala ang aga mo naman mag almusal?" pag tatanong nito "ahh ehh tita, di po kase ako kumain ng marami kagabi" ngiti kong sagot "ahh kaya pala ikaw naka ubos ng isang box ng pizza?" pangaasar nito saakin "oh bahala kana diyan at maliligo lang ako, papasok pa ako sa company" pag papaalam nito.

*ting* Pag tunog muli ng telepono.

Sinilip ko ang telepono ko pero ayon nanaman si hadniel , tinadtad ako nito ng mga mensahe na ikinagigil ko.

Ni replyan ko ang mga ito ng pasungit, ngunit isang pang aasar lang ang kanyang ibinalik, naiinis na ako dahil sinasabihan ako nitong maldita.

Hindi parin natapos ang pang gugulo nito kaya't nauwi ito sa pag block, salamat nanahimik narin ang mundo ko.

Habang kumakain ako nag aantay parin ako sa message ni elizabeth, malay ko ba na I call niya ako ng gantong oras .

Iniisip ko parin kung paano ko wawakasan ang pagkakaibigan namin,naalala ko nga pala na mahilig siya pumunta sa amusement park.

Dali-dali kong inubos ang tinapay upang makabalik uli sa kwarto upang makapag desisyon ako ng maayos, para sa plano kong ayain si elizabeth sa pinaka malapit na amusement park.
-
Natapos narin ang tiyahin ko sa pag aayos ng kanyang sarili at agad agad ko itong tinanong kung papayagan niya ko umalis kasama si elizabeth.

Tinignan lang ako ng tiyahin ko at akala nito ay gigimik lamang ako kaya't sinabi ko rito ang plano ko, agad agad naman itong nakaintindi kaya pinayagan ako nito lumabas.

Dali-dali akong pumasok sa silid ko at iniayos ang gagamiting damit pati narin ang liham at kwintas na pinag hirapan kong gawain.

Habang ako ay busy sa pagiisip ng gagamitin ko bigla nalang nag message si elizabeth, ani nito kung sasamahan ko siya.

" oo, balak ko nga pumunta ng amusment park sasama kaba?" tanong ko rito "hala weh, sama moko HAHAHA" reply nito "anong oras ba yan" dagdag pa nito "ahh ehh, mga 3 oclock sana ng hapon?" tanong ko ulit rito " sige go ako jaan" sagot nito " ay, mamaya nalang kita tatawagan may ginagawa kase ako" dagdag nito na ikinalungkot ko.

Marami narin kasing inaatupag si elizabeth lalo na ay scholar siya sa papasukan niyang Universidad, nag aaral siya sa paparating na entrance exam at ayaw parin nito malaman ko kung saan siya magaaral  baka daw bilhin ko yung university eh hindi naman ako ganoon ka palad.

Naalala ko wala papala akong susuotin, mag iisip nalang ako ng bagong outfit ayaw kona kase mag takong, nakakahiya amusement park lamang ang pupuntahan namin hindi runaway.

Naghanap ako ng naghanap tanging off shoulder na light green ang nakuha ko kasama narin ng leggings na white, nag hahanap parin ako ng terno na sapatos ngunit wala paring bumabagay nakita ko lang ang isang heels na may medyo mataas na takong, kulay dilaw ito at bagay na bagay sa outfit ko.

Bago ko kunin ito nagdasal muna ako na walang mang yayaring kahihiyan sa amusement park, naghanap ako ng terno dito na jewerly ngunit isang kwintas lang ang bumagay.

Madami rin pala akong bitbitin kaya nagpasya narin akong  magdala ng bag, kulay dilaw ito galing pa ito ng ibang bansa,niregalo ito ng nanay ko nung 17 anyos palang ako.

Isang oras narin ang lumipas at nag paalam narin ang tiyahin ko naaalis bilin rin nito na wag sana ako madulas uli , tawang tawa itong umalis at iniwan akong galit.

-
-
Mag lulunch na pero busy paren ako sa pagaayos ng gamit ko dala ko rito ang credit card ko at isang lip balm,kailangan ko narin palang mag ayos ng sarili dahil ayaw ni elizabeth ng late.

Dali-dali akong pumasok sa silid palikuran at naligo ng higit sa isang oras,nagmamadali narin ako dahil mahirap patuyuin ang buhok ko na aabot sa waist.

Imblis mag lunch ako rito gumawa nalamang ako ng limang piraso ng taco, ayaw ko mag gastos ng sobra dipende kung may taho.

Dali dali narin akong nag ayos dahil 2 oclock napala, gumamit nalamang ako ng blower at nag tali ng high pony tail, nagmadali narin akong suotin ang off shoulder at leggings.

Dahan-dahan akong naglakad pababa dahil sa trauma ko sa nangyari sa akin sa plaza , naalala konga pala na ipapahatid ako ni tita sa body guard niya.

*peep peep*

Nataranta ako dahil anjan napala yung body guard niya, kinuha ko na yung pagkain at ni lock ang gate chinat ko narin si elizabeth na papunta na ako.





🌺Design Within a Skyscraper🌺Where stories live. Discover now