Nagmamadali narin ako dahil gaya nga ng sabi ko ayaw ni elizabeth ng late, habang nasa sasakyan ako inaayos ko narin ang ibibigay ko sa kanya.
*Ting*
Tumunog ang cellphone ko saad nito kung naasan naba ako tanong ni elizabeth, inaayos ko palang ang buhok ko ng maispang mag madali.
Malapit narin ako sa amusement park ng mapansin ang mga grupo ng kalalakihan, napansin ko rito si hadniel or should i say mr.fame.
Naiinis nanaman ako kase nakita ko na naman yung nilalang nayon, iniisip ko na sana diko siya makita sa amusement park.
-
Inihatid na ako ng body guard ni tita sa parking lot at duon nakita ko si elizabeth, tuwang tuwa ako ng makita ito."woy, sabi mo gala lang bat na ka heels kapa?" pagtatanong nito sa akin "ah eh wala kasing bumagay na sapatos sa leggings ko kaya eto nalang" ngiti kong sagot sakanya "tara na nga, ms. hyzana HAHAHA " pang aasar nito sa akin.
Tumigil ang tawanan namin ng ibinigay ko yung liham at kwintas, maiiyak na sana siya ng ibinigay ko iyon pero pinigilan ko siya, dahil andito kami upang mag pakasaya.
Kinuha niya ito at sinuot ang kwintas bubuksan niya na sana ang liham ng sabihan ko siya na wag muna dahil nahihiya ako, tinawanan lamang ako nito.
Imbis tulungan ako sa bitbitin nakuha pa nitong kainin yung taco's ko, dali-dali rin ako nitong hinila sa may cafeteria .
Habang nandito kami sa cafeteria may umagaw sa pansin ko, andito yung kinaaiinisan kong nilalang at may kausap ito.
Umagaw din ng atensyon ko ang kausap niya lalo na ito ay may husky na boses, nagpaalam ako ng saglit kay elizabeth para pakinggan ang pinag uusapan nila.
Nagtago ako sa likod ng pader at naririnig ko ang usapan nila, ang lalaking may husky na boses ay kalmado pala mag salita.
Nagulat ako ng biglang magalit si hadniel dito, dahan-dahan akong sumilip at yung lalaki nayon ay nakita ako at ngumiti sa akin, na gulat ako at dali- dali akong tumakbo kay elizabeth.
"hoy anyare sayo? " tanong nito na para bang inaasar ako, tinitigan ko lamang siya at para bang natulala ako dahil sa ngiti ng lalaking iyon.
Bakas sa mata ko ang gray nitong buhok at ang ngiti nito, diko namalayan na namumula napala ang pisngi ko.
"hyzana?" tanong ni elizabeth na nakawala sa pag iisip ko "ayht, Hahaha" tumawa nalamang ako para di niya na punain kung ano bang iniisip ko.
Nag aya agad ito na mag order, nag order ito ng isang milk tea at isa naring cappuccino.
Nang dumating ang order dali-dali kong kinuha ang cappuccino dahil hindi naman ako ganoon kahilig sa matatamis, inilabas ko narin ang taco's na binawasin ni elizabeth ng dalawa kaya tatlo nalang ito.
Habang nakain kami hindi ko namalayan na kinakawayan ako ni hadniel, tinitigan ako ni elizabeth na may halong ngiti, alam ko naman na aasarin ako nito.
"look oh may kumakaway sayo ms.hyzana" pangaasar nito sa akin, namula ang mukha ko ng makita ko ang lalaking may gray na buhok.
"so, hyzana kamusta kana jaan AHAHHAHA" pangaasar nito "ah eh wala ah" sagot ko rito , napaisip din ako kung bakit ganon ang naisagot ko.
Agad-agad akong nag aya na pumunta sa cotton candy vendor, alam kong ikakataka ito ni elizabeth lalo na't hindi ako ganoon ka hilig sa matamis.
Sa pag mamadali ko di ko namalayan na naiwan ko pala si elizabeth, napagtanto ko na bumili nalamang ng softdrinks para makalayo at mahimasmasan ako sa nangyari.
YOU ARE READING
🌺Design Within a Skyscraper🌺
RomanceA story that tells dream should not be scattered out and by trusting yourself isn't that hard but the hardest choice is believing in someone . "try to value your saddest tears cause someday you'll cry with happiness" RARENESS-RARITY