Chapter 1
"Bye Emillia!" kumaway sa akin ng saglit ang mga kaibigan ko bago sila nagkanya kanya ng alis.
I roamed my eyes all over the whole place. No sign for my service. Wala akong nagawa kundi ang dumiretso papalabas ng gate ng campus.
I was about to call a taxi when a black car stopped in front of me. Ngumiti ako ng matamis sa pag-aakalang ito na ang sundo ko.
Humakbang ako paatras nang isa isang nagsibabaan ang mga sakay ng sasakyan.
"W-what ---" Hinablot ako ng dalawang lalaki at tinakpan ang bibig ko habang ang isa ay nanatiling nakatingin sa paligid, tinitingnan kung may ibang taong makakakita.
Nagpumiglas ako sa hawak nila kahit napaka-imposible na makawala ako. Nang matagumpay nila akong naisakay sa sasakyan ay mabilis nila akong binusalan sa bibig habang nakatutok pa rin sa akin ang kanilang mga baril. May inabot na isang itim na tela ang isa sa lalaking katabi ko at marahas nila iyong inilagay sa ulo ko.
Wala akong makita at tanging ang tunog ng mga sasakyan lamang ang naririnig ko. I tried to reach once again for my watch but I couldn't. Sinubukan ko nang ilang ulit hanggang sa napindot ko na ang button doon. I felt a shrieking pain passing through my hands to my arms. Ilang segundo ang itinagal non hanggang sa tumunog iyon ng saglit. Ako lamang ang nakarinig dahil abala sila sa pag-uusap kung saan nila ako mismo dadalhin.
Any moment from now, someone will come and help me. Just like usual.
"Ang sabi ay sa mansion daw natin iyan dadalhin. Iyon ang gusto ni Boss. " Rinig kong paalala ng isa.
"Bakit ba hindi n'yo iniintindi ang mga sinasabi bago kumilos? "
I rolled my eyes and contain my laugh. Nagpapatawa ba sila? Kikidnap na nga lang sila ng isang tao, hindi pa alam kung saan dadalhin.
"Tang ina. " Mura ng lalaki mula sa harapan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari pero biglang bumilis ang takbo ng sasakyan.
Napasandal ako sa may upuan dahil sa bilis, halos magka-untugan na rin kami tuwing lilipat ang sasakyan ng linya at liliko.
Unti unting nawawala ang ingay ng mga sasakyan sa paligid at wala na rin akong mga ilaw na maaninagan.
"Where are we—"
"Manahimik ka. " Isang suntok ang binigay n'ya sa akin at wala akong nagawa kundi ang mamilipit sa sakit.
"Bakit mo sinuntok? H'wag daw natin iyan sasaktan sabi ni Boss, idadamay mo pa naman kaming gago ka. " Nakarinig pa ako ng ilang pagtatalo hanggang sa pinatay na nila ang makina ng sasakyan.
Isang putok ang sumira sa katahimikan at nagsunod sunod iyon. Mabilis akong yumuko nang tamaan ang salamin sa may bandang likuran. He's here. I could tell that it is him despite of my situation.
Ilang palitan pa ng putok ang umalingawngaw sa paligid hanggang sa may nag-alis ng nakatakip sa ulo ko. Ngumiti ako sa kanya nang alisin na rin n'ya ang nakaharang sa pagitan ng mga labi ko.
He is on it again, wearing his signature look. Nakasuot s'ya ng purong itim na damit at jeans, at hindi ko pa rin makita ang mukha n'ya dahil sa mask at cap na suot suot n'ya palagi.
Binuksan n'ya pa lalo ang bintana ng sasakyan at mabilis akong inilabas doon. I don't know why pero hindi na ako nag-effort pang lumingon sa likuran ko. I don't want to see blood scattered over dead bodies.
Gaya ng dati, tuwing may susubok na namang kumidnap sa akin o manakit ay kaagad n'yang tinitingnan ang kabuuan ko. Once he is assured that I am not in pain, he made me wear his helmet.

BINABASA MO ANG
The Art of Lies
Romance"You are the biggest mistake I don't regret making." WHAT LIES AHEAD SERIES #1