Chapter 4

222 28 1
                                    

Chapter 4

The whole place is a mess, iyon lang ang masasabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Sobrang dami ng tao at nagkalat ang mga bote ng alak.

Some are making out on the sofa, on the poolside, and even on the staircase! Nagkalat ang lahat ng bisita ni Kuya Luigi at hindi na rin ako magtataka kung kahit sa taas ay may mga tao.

"May gusto ka bang kainin, Emily? " Sinalubong ako ni Manang at tinawag ang dalawa pa sa mga katulong upang tulungan siya sa pagdadala ng mga binili ko. "Ipaghahanda na kita ng makakain. "

"Manang, " Iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar at inobserbahan ang bawat isa. Karamihan ay halos tipsy na. "Anong oras nagsimula ito? " tukoy ko sa party.

"Kakasimula lang, hija. Pero 'yang mga 'yan," ininguso niya ang mga nakahandusay na sa sahig, "ay dumating nang lasing kasama ang Kuya Luigi mo. "

Tumango tango ako at saka sinabihan si Manang na huwag na lang maghanda ng pagkain ko at katatapos ko lamang.

Lumipat ang tingin ko sa may pool area, may mini bar doon at nandoon si Kuya Luigi, he is with two girls who are wearing swimsuits and busy doing body shots with him.

I remembered what he said the last time, " ... Rats usually play and do things nasty whenever the cats are away..."

I heaved a sigh, mas applicable pa sa kanya ang sinabi n'ya kanina.

"Oh, Emillia. " Umikot ako at nakita si Kuya Ephraim na pababa ng hagdan. "Nandito ka na pala, nasaan si Martin? "

Nagkibit balikat ako at itinuro ang mini bar kung saan ko siya huling nakita. "Nandoon siya kanina with Kuya Luigi and some girls. Hindi ko na alam kung saan siya nagsuot. "

Kumunot ang noo niya at saka tiningnan ang buong paligid. "He must be making out somewhere in the dark with a girl. "

Napakurap ako dahil sa sinabi niya. He is making out? ---with a girl?

Palihim akong umingos, kararating pa lang namin tapos nakikipag-make out na agad siya?

"Aakyat na muna ako sa kwarto ko, Kuya. I want to change clothes. " Tumango siya at hinayaan akong umalis.

Nasa gitna pa lang ako ng hagdan nang tawagin niya akong muli.

"Bakit? " Takang tanong ko.

"I am sorry for leaving you behind a while ago. " He smiled sheepishly and I did the same. Hindi na ako sumagot at umakyat na lang.

"Hindi siguro sila nainform na oras na para magtulugan. " I hissed. Mas lalo akong nainis nang palakasin pa nila lalo ang tunog ng mga speaker.

I looked at my phone when it beeped.

RIA MELISSANDE: 'We're dropping by at your house, bitchesa. We are invited by your Kuya Luigi's friend. '

Mas lalo akong nairita dahil pati mga kaibigan ko ay binulabog nila. Sumungaw ako sa may ibaba at tiningnan muli ang mga bisita, I can tell that they already graduated and have stable jobs, but why are they here? Wala ba silang mga trabaho?

Isa pa si Kuya Luigi, he is a licensed Architect pero kung umasta siya ay parang nasa college pa rin siya.

I tapped on my phone and start composing a message. Pumasok ako sa kwarto at inihagis ang bag ko sa kama habanv patuloy pa rin na nagtype. Hinubad ko ang blazer ko at ang flat shoes ko bago isinunod ang aking dress. Dumiretso ako sa may salamin nang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa cellphone ko.

ME: ' Just promise na hindi kayo gagawa ng gulo dito, Ria. Kilala mo naman si Kuya Luigi, I don't want to get into trouble. '

I hit the send button and look at my reflection on the vanity mirror.

The Art of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon