Chapter 3
"Do you like some more, Ephraim? " Tanong ni Mama kay Kuya, tumango lang siya at ngumiti bago muling kumain. Habang si Mama naman ay tuwang tuwa dahil nagpapa-asikaso si Kuya sa kanya.
"What about you Luigi? " Alok ni Mama. Hindi siya umimik at patuloy lang na kumain, habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa direksyon ko. Tumungo ako at marahang ngumuya. I can sense that he is waiting for me to make a mistake, palagi naman na ganoon.
"Celina and I will leave the house for two weeks. We'll have a vacation for just the two of us. " Anunsyo ni Tito, ngumiti ako at ganun din si Kuya Ephraim.
"Mag-enjoy po sana kayo sa bakasyon n'yo, " my smile grew and I couldn't even contain my happiness, masaya ako dahil kahit papaano ay makakahinga si Mama ng maluwag at aalis sila ng pansamantala sa lugar na ito.
Napuno ng puro bilin ang buong hapag, maraming pinaalala sina Tito at Mama sa amin bago sila umalis.
"Bumalik po kayo kaagad. " I waved my hand and hugged my mother tightly, ganun din kay Tito.
Kaming dalawa lang ni Kuya Ephraim ang nagpaalam sa kanila dahil wala namang pakialam si Kuya Luigi, tingin ko nga ay mas gugustuhin pa niya na huwag na lang silang bumalik at doon na lang manirahan.
"What do you want to do, Emillia? " Tanong ni Kuya, wala akong pasok ngayon at weekend naman. Wala rin na akong tatapusin na mga report at research dahil tinapos ko na kagabi. "Do you want to go shopping? My treat. "
Umarte ako nang nag-iisip at saka ngumuso. "Your treat? "
Tumango si Kuya at saka ako inakbayan papasok. We stopped on our track when we saw the so-called-devil of this house. Nakapamulsa si Kuya Luigi sa may hamba ng main door at nakatingin sa amin.
"They said, rats usually plays and do things nasty whenever the cats are away. " He tsked before showing us his point finger. "Ano sa tingin n'yo ang gagawin niyo? Mag babahay bahayan? "
Sabay kaming napabuntong hininga ni Kuya Ephraim. Hindi talaga niya hahayaang makalampas ang isang araw nang hindi niya nasisira.
"Why don't you join us, then? Para naman kahit papaano ay mahimasmasan ka sa mga iniisip mo. "
My eyes widen with Kuya Ephraim's suggestion. Is he even thinking? Hinawakan ko ang braso niya para ipakita na tumututol ako.
"Okay then, I'll just make a call. " Iniwagayway niya ang kanyang cellphone. "It doesn't matter if I ask three more people, right? "
May sasabihin pa sana si Kuya Ephraim nang umibis na siya ng alis.
"Alam mo namang sakit sa ulo si Kuya Luigi, Kuya. Bakit mo pa siya inimbita? "
"It is okay, Little Potato. " He played with my hair. "Dress up, I don't want you roaming in the mall wearing that skirt."
Napakamot na lang ako sa noo ko at pumanhik sa kwarto ko. I changed my clothes to a comfy dress and flat shoes.
"You ready? " Tanong ni Kuya Ephraim nang makababa ako. Tumango ako at sinalubong ang masamang mga tingin ni Kuya Luigi.
He rolled his eyes after looking at my dress. "Girls. "
Lumabas na kami at doon ko lang napansin na ang gagamitin naming sasakyan ay ang sports car ni Kuya Ephraim.
"Can't we just use your car, Ivon? Mas maluwag kung doon tayo sasakay. "
He didn't answer and just slid his self inside. Wala kaming nagawa at sumakay na rin.
Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe, walang nagawa ng anumang ingay at mas pabor sa akin iyon. Kesa naman maingay nga, puro pang-aaway lang naman ang gagawin ni Kuya Luigi.
BINABASA MO ANG
The Art of Lies
Romance"You are the biggest mistake I don't regret making." WHAT LIES AHEAD SERIES #1