Simula

6 2 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, locations and incidents are purely fictional and bear no relationship to any real life individuals, living or dead, or to any actual places, business establishment, locations, events or incidents. Any resemblance is entirely coincidental.







Simula

Muling napa buntonghininga si Gail habang frustrated na nakitingin sa kanyang email account sa cellphone. Pang siyam na put-siyam na bilang na ng resume ang napasa nya ngunit hanggang ngayon wala padin ni isa ang tumatawag sa kanya para sa interview o kahit manlang screening.

"Hayy bakit ba ayaw nila ako tawagan? Ano bang problema ng mga kompayang to saken? "

Nawawalan na sya ng pag-asa kung makakahanap pa ba sya ng trabaho.

"Hindi ako pwedeng sumuko makakahanap din ako ng trabaho, tama kaya ko to," pagpapalakas lood nya sa sarili.

"Hayyy magpapasa na naman ako. Ilang resume pa ba ang kailangan kong ipasa? "
Tumayo siya  at lumabas sa kanyang silid mula sa apartment na kanyang tinutuluyan upang puntahang ang kanyang kaibigan na kapitbahay lang din nya.
Kumatok sa sya pinto ng kaibigan.

"Maya si Gail to nasa loob kaba? Maya!"
"Oh! Gail bakit ang aga mo namang mang istorbo?"

Si Maya na kabubukas lang ng pinto habang naghihikab. Halatang nagising lang ang kaibigan dahil sa kanyang malakas na pagtawag. Gulo gulo pa ang mahaba nitong buhok, at nakasuot padin ng pantulog. Nakahawak ang kanang kamay sa seradura ng pinto habang ang isa ay pinangkukusot ng mata nito. Nilampasan ni Gail ang kaibigan at dire-diretsong pumasok sa loob at hindi na hinintay ang kaibigan na papusikin sya.

"Ano bang kailangan mo ng ganito kaaga?" Si Maya na sumunod sa kaibigan,halatang inaantok pa.

"Pagamit ako sandali ng laptop mo," turan nya at hindi na hinintay ang tugon nito at nagdire-diretso sa upuan sabay bukas ng laptop. Wala ng nagawa si Maya.

"Tsk, hindi mo manlang antayin ang pahintulot ko kung papayagan ba kitang gamitin ito o hindi."

" Dahil alam ko namang papayag ka, pinapahaba mo lang usapan." Turan nya dito.

Napasimangot si Maya sa tinuran ng kaibigan. "Ano wala parin bang tumatawag sayo?"

" Maya kung meron ay hindi na ako kakatok sa pinto mo ng ganito ka aga para lang makigamit ng laptop mo."

Sanay na si Maya sa ugali ng kaibigan. Dahil ganon na talaga itong sumagot may pagkaprangka at medyo may pagka-masungit. Kung hindi nya ito kilala ay iisipin nya na masyado itong masungit, hindi pala masyado, masungit pala talaga. Pero dahil matagal na nyang kilala ito kaya nasanay na din sya sa ugali nito.

Muling inabala ni Gail ang sarili sa paghahanap ng trabaho, habang si Maya ay dumiretso sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Nang matapos dumiretso si Maya sa kusina upang maghanda ng kanilang agahan. Alam nyang hindi pa nag-aagahan ang kaibigan nya kaya isasabay nya ito sa kanyang mag almusal. Fried rice, egg, tocino at mainit na kape sa kanya at gatas naman para kay Gail. Alam kasi nya na sumasakit ang tyan ng kaibaigan kapag umiinom ng kape. Nang matapos maghain ni Maya tinawag nya si Gail para kumain na abala parin sa pagkalikot sa laptop nya.

"Gail kumain muna tayo mamaya mo na ituloy yan."

"Susunod na." Sagot nito kay Maya.
Tumayo si Gail at nagtungo sa kusina upang kumain.

" Salamat sa pagkain." Anito sa babae at nagsimula na silang kumain.

Simple lang ang tinitirahan nila ni Maya. Tama lang para sa isang tao. Kung tutuusin pwede naman silang magsama sa iisang bahay katulad ng suggest nito nung naghahanap palang sila ng matitirahan. Tinanggihan nya lang dahil masyadong maingay si Maya at gusto nya ng privacy, kaya sa halip napagkasunduan nilang maging magkapitbahay nalang sila.
Tulad ng sa apartment ni Gail. May isang kwarto, isang CR, may sala at maliit na kusina. Katulad ni Gail hindi rin maluho sa gamit si Maya, may isang maliit na flat screen tv at washing machine at isang maliit na refrigirator sofa, table at ilan pang importanteng gamit. Bukod don wala na masyadong kagamitan.

Pareho silang hindi maluho sa kagamitan. Yon ang isa sa napagkakasunduan nila.Gusto nila ng maaliwalas na paligid. Ayaw nila ng masyadong maraming gamit dahil hindi sila makakilos ng maayos.
Pinapanatili rin ang kalinisan sa buong building nila dahil ayaw na ayaw ng may ari ng marumi kaya palaging malinis ang bahay ng dalawa. Obligado ang lahat ng tenant na panatilihing malinis ang kanilang tinitirahan. Bukod pa don mahigpit na ipinagbabawal ang pag-uuwi ng lalaki. Maaaring bumisita ngunit hindi maaaring matulog doon. Ika nga ni Maya matandang dalaga daw ang may ari ng buong building. Masungit daw ito dahil walang asawa kaya ayaw na ayaw nakakakita ng mag-boyfriend. Kaya mahigpit din na ipinagbawal ang pag-uuwi ng mga babaeng tenant ng lalaki dahil nabi-bitter marahil ito.

Nang matapaos mag-agahan muling ginugol ni Gail ang buong araw nya sa paghahanap ng trabaho at pagpapasa ng resume sa ilang hiring na kanyang nakikita. Hapon na ng matapos si Gail. Hindi nya namalayan ang oras sapagkat masyado syang tutok sa kanyang ginagawa. Tumayo si Gail at nagpaalam sa kaibigan.

"Maya mauna ako." Salamat.
"Sige." Si Maya na tutok sa cellphone.

Naging stalker na naman. Anang isip ni Gail at napapailing nalang sa babae. Lumabas na si Gail at bumalik sa kanyang tinutulayan. Hindi na nya inabala pa ang kaibigan sapagkat alam nyang hindi rin naman ito papaawat sa kanya. Kapag may ginusto kasi malaman ang kaibigan hindi nya ito titigilan hangang hindi nakukuha. Siguro may narinig naman itong balita tungkol sa kinababaliwan nitong lalaki, at gusto nyang malaman kung totoo.

Hangang sumapit ang gabi ay hindi mawala sa isip ni Gail kung bakit wala pa rin tumatawag sa kanya mula sa mga kumpanyang pinasahan nya ng resume sa mga nakalipas na araw. Kung tutuusin nakatapos naman sya ng pag-aaral kahit sa public school sya nag college, at may experience naman sya sa office work.

" Ganon ba ka big deal sa mga kompanya kung saan kang school o university nagtapos. Hindi naman lahat ng tao mayaman na kayang pumasok sa mga private school. Pano naman yung mahihirap na nagmula sa public. Maganda naman ang credential ng school namin kahit public ah. Haay nakakainis talaga."

"Kung makatao lang sana at hindi mapagsamantala yung dati kung boss eh di sana may trabaho parin ako ngayon. Kaso hindi ko na talaga matiis kaya nagresign nalang ako." Si Gail na sinasabunutan na ang sarili dahil sa dami ng tumatakbo sa kanyang utak.

Naisip din nya na malapit na ulit siyang magbayad ng renta. Kailangan ko na din magpadala ng pera sa magulang ko sa probinsya. Hanggang sa nakatulugan nalang niya ang pag-iisip.

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon