Kabanata 2

2 2 0
                                    


Kinaumagahan habang nagpapalit ako ng  damit sa locker room ng Happy Cafe ay nilapitan ako ni Maya.

Ito na nga ang iniiwasan ko. Hayy hindi na naman nya ako titigilan. Wala pa ako sa mood magkwento sa kanya.

"Hoy anong napag-usapan nyo ng bebe Keith  ko kahapon ha? Bakit ang tagal mong lumabas sa office nya? Tapos hindi mo manlang hinintay na matapos ang duty ko at umuwi ka agad." Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Maya.

"Hindi mo na kailangan malaman." Sabi ko dito habang nag-aayos ng buhok ko.

"Abat hoy Gail ganyan ba ang tamang pagtrato sa kaibigan ha? Baka nakakalimutan mo na ako lang ang nag-iisang kaibigan mo. At nag-iisa lang ako sa mundo. How dare you talked to me like that? Oh english yon ha.  At tsaka isa pa may karapatan akong malaman, dahil ako ang  fiance ni Keith at ibig sabihin lang niyon  magiging future boss mo rin ako  balang araw kaya sagutin mo akong babae ka, kung hindi tatanggalin kita sa trabaho mo sige ka."

Tahimik lang akong nakikinig sa litanya ni Maya habang sinusuring mabuti kung maayos naba ang itsura ko sa salamin na nakadikit sa pinto ng locker ko. May masabi lang talaga pati pag-iilusyon kay Keith sinali pa, ano naman kayang connect nun? Sa isip-isip ko. Hinayaan ko lang sya na dumaldal ng dumaldal hanggang sa mapagod sya, yon ay kung mapapagod sya. Hindi ba napapagod ang bibig nya sa kakasalita.
Papano ba nya nagagawang pagsabayin ang pag-imik ng walang preno at pag-aayos ng uniform nito. Sabagay  kakaiba nga pala ito, ayon na din dito nag-iisa lang daw sya sa mundo. Isipin ko palang na maraming Maya sa mundo na katulad nito sumasakit na ang ulo ko at napupurwisyo na ako. Buti nalang pala at nag-iisa ka  lang Maya.

"Ano nalunok mo na ba ang dila mo? Hindi ka naman umiimik dyan. Mag-salita ka nga para na naman akong kumaka-usap ng bato dito. Nagmumukha na akong tanga dito oy. Mapinisan ka ng laway dyan sige ka."

Patuloy parin si Maya sa pagpapapansin sakin. Nang hindi na ako makatiis ay  hinarap ko na ito.

"Haay aga-aga ang ingay-ingay mo Maya alam mo ba yon. Hindi ka nauubusan ng sasabihin eh no?

Napasimangot si Maya saken. "Eh hindi mo naman kasi ako iniimik dyan. Sumagot ka kasi nang hindi ka marindi sa kaingayan ko."

"Gusto mo bang malaman?"

"Ano bang klaseng tanong yan. Hindi kaba nakikinig sakin? Kanina pa nga ako salita ng salita at tanong ng tanong sayo kung ano ang pinag-usapan nyo kahapon. Tapos tatanungin mo ako ng ganyan. Syempre gusto ko malaman dahil may kinalaman don ang baby keith ko, at lahat ng may kinalaman sa kanya dapat alam ko, bilang future wife nya." Mahabang litanya ni Maya.

"Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko Maya, bakit kailangang mo pang magsingit ng kung anu-ano? At isa pa alam ba ni Keith na ikaw ang fiance nya? Tsk." Kung makapag deklara ka wagas ah. Ano? Pambabara ko  kay Maya.

"At para sa ikatatahimik mo, walang kinalaman kay keith ang napag-usapan namin kahapon kaya tigilan mo na ang kahibangan mo at itikom mo yang bibig mo. Tsk. Kung ano-anu nalang lumalabas dyan sa bibig mo. Kapag narinig ka nya ewan ko nalang sayo.

"Ah basta ako ang future wife nya."

Napakunot ang noo nalang ako  walang katuturang  tinuran nito.

"So ano nga ang napag-uspang nyo ni bebe keith ko kahapon?"

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo nga, nakadalawang ulit kana ng tanong na yan ah." Si Maya na lumapit pa ng husto sa kanya na waring handang makinig sa ano mang lalabas sa bibig nya.

"Kung gusto mo talagang malaman pumunta ka sa opisina ni Keith at sa kanya mo itanong. Tutal fiance mo naman sya hindi ba. Masyadong mahaba ang napag-usapan namin,  kulang ang isang buong araw para isalaysay ko sayo." Sabi ko dito ng  nakangisi, at nang-aasar na tiningnan ko sya sabay talikod dito at nag tungo sa pwesto ko.

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon