Kabanata 5

2 1 0
                                    


Ako ang nag huhugas ng mga pinggan dahil si Maya na ang nagluto. Matapos ay makatabi kaming  nakahiga sa sa kama nya. Dahil mahabang kwentuhan ang magaganap, kaya naman nagdeaisyon syang don nadin matulog.

Sinumulan kong ikwento kay Maya mula ng araw na ipatawag ako ni Keith sa office upang alukin sya ng trabaho hanggang sa naka-usap ko si Mrs.Camilla Gregory at ang tungkol sa anak nito na naakaidente at iniwan ng fiance. Pati narin ang magiging trabaho nya dito, ang pabor na hinihingi ng ginanag kapalit ng permanenteng trabaho nya kung sakaling mapapayag nya ang binata na magpa-opera at magpa therapy. Pati narin ang mapag-usapan nila   ni Keith kanina lang. Wala syang itinago at kinuwento lahat tulad ng kanilang napag-usapan.

"Grabe naman pala ang sinapait nung Gray? Eh yung pabor, gagawin mo talaga? Kaya mo ba?"

Matagal akong hindi nakasagot, dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam kung kaya ko ba.

"Sa totoo lang hindi ko alam, pero naka oo na kasi ako. Nanghihinayang din ako sa trabaho. Ayokong manloko pero kelangan ko din ng trabaho Maya."

"Naiintidihan kita, maganda naman ang intensyon mo. Para din naman sa kanya yon. Wag mo nalang masyadong isipin. Isipin mo nalang na makakatulong ka sa magulang nung Gray at ganon din sa kanya. Hindi naman biro ang maging imbaldido habang buhay. Kaya dapat magpasalamat pa sya sayo kung sakali."

Pagpapalubag loob nito sa kanya. Kahit papano gumaan ang dinadala nya sa sinabi nito. Mas makabubuti din siguro kung hindi nalang malalaman ng binata ang kasunduan nila ng ina nito, para iwas gulo.

"Hindi ba dapat ang isipin nung Gray ay ang mag pagaling para mapamukha nya sa ex-fiance nya pinakawalan nya. Masyadong makasirili ang rason nya."

"Wag ka magsalita ng ganyan, hindi natin alam ang  totoong dahilan kung bakit umalis ang babae. Malay mo may ibang rason sya hindi ba."

"Kahit na, pwede naman syang magmodel ng hindi nakikipaghiwalay hindi ba. Aminin mo na nainis karin sa fiance ni Gray hindi ba. Kilala kita, kaya wag kana tumanggi."

Natahimik ako ng ilang segundo, dahil tama si Maya nakaramdam sya ng inis para sa babe at naawa sya sa sinapit ng lalaki. Hindi nya alam pero may kurot sa puso nya na hindi nya alam kung bakit nya nararamdaman. Marahil ay dahil nakikita nya ang sarili nya noon kay Gray. Alam nya kung gaano kasakit ang maiwan ang paulit-ulit at lokohin ng taong mahal mo. Tama ang Boss nyang si Keith may pagkakapareho nga ang sitwasyon ni Gray sa sitwasyon nya noon.

"Naisip mo rin hindi ba?" Hindi ako umimik dito. Humarap si Maya sa kanya at tinitigan sya ng matiim.

"Wag na tayong maglokohan dito. Naiisip mo rin na may pagkakapareho kayo ni Gray tama? Pareho kayong iniwan. Kaya pumayag ka sa kasunduan nyo ng ina nya hindi ba? Gusto mo syang tulungan. Nakuha nya ang simpatya mo, kahit hindi pa kayo nag kakakilalang personal. Tama ako hindi ba?"

Muling akong natahimik at tumingin lang sa kawalan. Wala sya maapuhap na salita dahil tama na naman ito. Kilang kilala na talaga sya ni Maya.

"Kahit hindi ka magsalita alam kong tama ako."

Anito na bumalik sa pagkakahiga patihiya, at tumitig din sa kawalan, natahimik silang pareho. Ito ang gusto nya kay Maya kapag seryosong usapan any seryoso din ito, nawawala ang pagiging makulit at isip bata nito. Ilang sandali lang at muling binasag ni Maya ang katahimikaan.

"Pero nag-aalala ako sayo."

"Bakit?"
Tinitigan nya ang kaibigan, malalim ang iniisip nito at hindi na nagsalita pa.

"Basta Gail, ayokong bumalik ka sa dati. Ayokong isarado mo ulit ang sarili mo sa ibang tao, ayokong makitang malungkot ka. Kaya sana mag-iingat ka."

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon