Kabanata 1

3 2 0
                                    


Tatlong Linggo ang matulin na lumipas. Ngayon ay abala ako bilang cashier sa Happy Cafe bilang isang part-timer. Anim na oras lang ang trabaho ko sa cafe  na'to. Lunes hangang Sabado ang pasok ko sa cafe, na dapat ay Lunes hangang Biyernes lang. Mabuti nalang at napakiusapan  ko ang may ari na  papasukin ako ng Sabado,sapagkat kailangan kong makaipon. Bukod don ay marami din akong pinagkakagastusan, nagpapadala din ako ng pera sa tatay ko kahit sinabihan nya na akong wag na.  Hindi sasapat ang kita ko sapagkat part-timer lang, kaya naman pinilit ko talagang pasukan ang Sabado.  Kaya Linggo nalang ang pahinga ko.

Napakiusapan lang ng kaibigan nyang si Maya ang may ari ng cafe  na kunin sya kahit bilang part-timer lang, na sa awa ng Dyos ay pumayag. Schoolmate ni Maya ang may ari ng cafe noong high school, kung saan nagtatrabaho din si Maya bilang Manager. Malaki ang pasasalamt ko sa kaibigan at sa may ari na tinanggap ako dito sa trabaho kahit bilang part-timer lang, dahil kung tutuusin ay hindi naman kailangan ang karagdagang empleyado at isa pa ay over qualified din raw ako.  Nakatapos ako ng college sa kursong Business Administration, pero nahihirapan ako ngayong mag-apply ng trabaho. Dangan nga lang na kailangan ko ng trabaho, kaya kahit ang pagiging cashier ay tinanggap ko na, kesa naman sa wala.

Tumunog ang chime ng pinto ng glass door ng cafe hudyat na may pumasok. Isang grupo ng college student na babae ang pumasok at dumiretso sa pwesto ko. Maganda ang pwesto ng cafe nila sapagkat may malapit na University. Sa tapat naman nito sa isang malaking establishment. Bukod pa don ay dinadayo talaga ang cafe nila, dahil sa masarap nilang kape at pastries, isa narin siguro sa  dahilan kung bakit dinadayo ng mga kababaihan ang cafe nila ay dahil sa may ari ang cafe.

"Good morning! Welcome to Happy cafe."
Pagbati  ni Gail sa customers.

Agad nyang kinuha ang order at ibinigay sa kasamang si Lily para gawin ito at ibigay sa mga studyante. Ganon lang ang naging durasyon ng trabaho nya,kukuha ng order at ng bayad misan naman ay sya din ang nag hahatid sa costumers, at kung minsan ay  sya narin ang napupunas ng mga table kapag maraming tao.

Pauwi na ako ng ipatawag ako ng may ari ng cafe sa office nito.
Kumatok ako ng tatlong beses sa Office nito at sinilip ko ang loob ng office. Mula sa loob ay tumunghay ang boss ko at pinapasok ako sa loob ng opisina.

"Come in Miss Delgado."

Pumasok ako sa loob ng office at umupo sa couch. Mula sa swivel chair ay tumayo si Keith Madrigal, ang may ari ng cafe kung saan sila nagtatrabaho ni Maya at umupo paharap sa kanya. Mabait si Keith sa kanya kaya, kaibigan na nga ang turing nito sa kanya,  hindi nga lang sya sigurado kung ganon din ba ang tingin nito kay Maya, sapagkat malamit nitong sungitan ang kaibigan. Sa edad nitong 30 ay wala pa itong asawa o kahit nobya. Matangkad at gwapo ang lalaki malaki rin ang pangangatawan nito, tipong babad lagi sa gym. Halos lahat ng emlpeyado sa cafe ay  hinahangaan ang binata dahil sa taglay nitong kakisigan. Mabait din kasi ito at marunong makisama sa lahat, kumbaga ideal man ito para sa mga kababaihan.

"Ipanatawag mo daw po ako."
"Drop the po Gail,  pinapatanda mo ako masyado?"

Napairap nalang ako sa kanya.
"Ayaw mong galangin kita pero sobrang formal mo naman sakin. Bakit mo ba ako pinatawag?"

"Nabalitaan ko kay Miss Salcedo  na naghahanap ka ng karagdagang trabaho. Pagtukoy nito kay Maya. Hindi pa ba sapat ang kita mo dito? Bakit naghahanap kapa?" Anang binata.

Tsk, bagay nga silang magsama ni Maya parehong madrama.
"Gusto mo bang sagutin ko pa ang tanong mong yan? So ano nga bakit mo ba ako pinatawag?" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"Sungit" ani Keith. "Pinatawag kita kasi may kakakilala ako na nag hahanap ng assistant para sa anak nya. Gusto sana kitang I-recommend, if it is okay with you."

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon