Kabanata 6

0 0 0
                                    

"Mag-iingat ka don ha. Kumain ka sa tamang oras. Wag ka ring iinom ng kape kung ayaw mong sumakit ang tyan mo okay. Magte text at tatawagam mo ako. Kapgat kapag nakaproblema ka wag ka mahihiyang sabihin saken okay. Mami miss kita Gail. Wala na akong kasabay umiwi."

"Grabe daig ko pang mag-aabroad sa sobrang dami mong habilin ah."

"Ikaw ang hilig mo talagang komontra eh no. Nagpa practice ako, baka pwede ako mag-audition sa PBB."

"Asa sa naman."

"Kelan ka kaya magiging suppoortive noh? Hetong gamit mo."

"Hindi ka talaga papasok sa cafe?"

"Hehe, medyo masakit ang ulo ko, hindi ako papasok." Umiwas ito ng tingin, sabay kamot sa ulo.

"Bakit naalala mo na ba ang kagagahan na ginawa mo nung nalasing ka kaya biglang sumakit ang ulo mo?"

"Ayan na yung taxi alis na baka malte ka, tawagan mo ako ha bye." Kung hindi lang dumating ang taxi, iisipin kong iniiwasn nyang pag-usapan ang nangyari noong nalasing sya.

Nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na ng taxi. Nagpahatid muli ako sa mansyon ni Mrs. Gregory.

"Good Morning Gail!" Nakangiting bati sakin ni Mrs.Gregory.

"Good Morning po."

"Ito ang copy mo ng contract, kung may gusto kang idagdag sabihan mo ako."

Inabot ko ang contract at binasa, nakalahad doon na kailangan kong mapapayag na magpaopera at magpa therapy si Gray, kapalit noon ay magkakaroon ay bibigyan nya ako ng trabaho sa company nila. Nakasaad din doon kung kelan ang eksaktong petsa kung kelan ako magsisimula sa trabaho.

Matapos basahin ang kontrata pinirmahan ko ito at ini-abot kay Mrs. Gregory ang kanyang kopya.

"
Maraming salamat po. Pwede po bang sa pagitan nalang natin ang tungkol sa kontrata?"

"Of course hija, makaka-asa ka. Are you ready." Tanong nito sakin.

"Yes po." At tumayo na sila sa couch.

Lulan sila ng sasakyan patungo sa bahay ni Gray. Tahimik ako sa buong byahe, hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Kung hindi pa bumusina ang driver, hindi ko pa malalaman na nakaating na kami. Kinakabahan ako ng hindi ko mawari.
Ngayon ang araw na makikita ko ang anak ni Mrs. Gregory sa personal. Nakita ko na naman sya sa picture pero bakit sobrang kinakabahan ako.

Pagkalabas namin ng sasakyan ay dumiretso kami sa loob. Halos hindi ko na magtuonan ng pansin ang paligid dahil sa kaba ko. Pero nakasisiguro akong maganda rin ito katalad ng mansyon nila.

"Good morning Madam Camilla, Miss Delgado."

Tinig mula sa itaas ng hagdan ang pumukaw sakin. At doon ay nakita nya si Dave ang executive secretary di umano ni Gray. Nang makababa ay lumapit ito sa kanila ng Ginang.

Isang tipid na ngitI ang ibinigay ko kay Dave nang makalapit ito samin.

"Good morning to you too Dave. How's my son? What is he doing?" Pagkamusta ng Ginang sa lagay ng anak.

"His already done eating his breakfast, and now his in the library waiting for you madam."

"Shall we? Medyo mainit po ang ulo nya." Tanong nito sa Ginang at iminuwestra ang daan patungo sa library.

"Oh, hindi na bago sakin yan Dave."

"Let's go hija." Kinabahan ako, lalo na nung marinig kong mainit ang ulo nung Gray. "Diyos ko Lord  tama ba tong desisyon kong to. Kayo na pong bahala sakin. Lihim akong napa-usal ng panalangin, at sumunod sa kanilang dalawa patungong library.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon