Kabanata 3

1 2 0
                                    


Araw ng Lunes maaga akong gumising  upang maghanda sa pagpunta  sa bahay ni Mrs.Gregory ang ina ni Gray na kaibigan ng boss kong si Keith. At tulad ng bilin sakin ng boss ko, hindi ako papasok sa araw nato.

Muli pinasadahan ko ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng black skirt na fit sakin, hangang itaas ng tuhod ang haba nito. Pinresan ko ito ng puting long sleeve na tinupi ko hanggang siko. At nag suot ako ng cardigan.

Para mag mukhang malinis at professional ang itsura nya ipinusod ko ang hanggang balikat at itim na itim at tuwid kong buhok. Nagsuot din ako ng heels na hindi naman ganoon kataas, tama lang para makapaglakad ako ng maayos.

Dahil hindi ko nakausap ng matino si Maya kahapon tungkol sa address ng pupuntuhan ko, kaya naman nagpahatid nalang ako sa taxi driver sa address na nakalagay sa papel. Mabuti nalang at alam ng taxi driver, yon nga lang medyo may kamahalan ang bayad. Pumasok ang taxi sa isang eksklusibong subdivision sa Makati. Halatang mayayaman ang nakatira sa subdivision nato base sa mga bahay na nadadaanan namen.

Agad akong bumaba ng huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay.Grabe ang laking bahay naman nito. Sa sobrang laki hindi na bahay matatawag ito, mansyon nato. "Ang yaman naman nila. Sobrang swerte." Pagka-usap ko pa  sa sarili.

Nang mahanap ko  ang doorbell ay pinindot ko ito agad upang tawagin ang pansin ng kung sino man sa loob ng mansion. Makalipas ang ilang segundo may lumabas na babaeng may edad na pero halata sa itsura na malakas pa, nakasuot ito ng maid uniform. Nang makalapit ay binuksan nito ang gate at pinapasok ako sa loob.

"Good morning. May appointment po ako kay Mrs.Gregory ngayong umaga andyan po ba sya?" Magalang na turan ko sa matandang katulong.

"Magandang umaga din sayo hija. Oo andito si Camilla halika at sumunod ka sakin."

Habang naglalakad napansin ko ang isang malaking hardin di kalayuan sa bandang kanan, meron itong malaking fountain sa Ginta. Sa itaas ng fountain ay mayroon istatwa ng anghel na may hawak na palaso na waring pumapana.
Maganda sigurong tumambay at magpalipas ng oras sa hardin nayon. Sa isip-isip ko. Sa sobrang pagkahumaling ko sa hardin, hindi ko namalayan na nakarating na kami sa tapat ng isang malaking pinto. 

"Mas maganda ka kapag nakangiti ka ng ganyan, naalala ko tuloy sayo ang apo ko." Nakangiting turan sakin ng matanda, nakangiti na pala ako ng di ko namamalayan. Naakit kasi talaga ako ng hardin nila, mukhang payapa. Tumikhim ako at nginitian nalang ang matandang katulong.

Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ni Maya na kung dadalasan ko lang daw ang pagngiti ko ay, mukha akong approachable na tao.  Malimit ding sabihin sakin ni Maya noon na dalasan ko daw ang pagaayos sa sarili, hindi ko nga lang pinagtotu-unan ng pansin.

" Salamat po." Sabi ko nalang sa kanyang papuri.

"Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob."

Tumango ako at sumunod sa kanya papasok ng mansyon. Nilibot ko  ang tingin sa paligid. Maganda at malawak ang mansyon, moderno rin ang disenyo at mamahalin ang mga gamit. Kahit hindi ko matukoy kung anong klaseng kagamitan ang nasa paligid, dahil hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay, ay alam kong pulos mamahalin ang mga yon.

Sa pader ay may nakasabit na portrait ng isang buong pamilya. Nakaupo ang isang magandang babae na may kargang sangol at sa likod nito ang isang gwapong lalaki mukhang may lahi dahil iba ang kulay ng mata, nakapatong ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ng babaeng may karga sa sangol. Nakangiti ang mag-asawa.

Meron ding  isa pang portrait katabi ng nauna. Isang binata, sa palagay ko ay nasa edad 20 pataas na ito. Seryoso ito at walang kangiti ngiti sa mukha, ngunit kahit seryoso ay hindi maipagkakailang napakagwapo nito. Makapal ang kilay nito at may malalim na mata. Matangos ang ilong at may manipis na at mapulang labi. Mukhang malaki rin ang pangangatawan nito base sa lapad ng balikat. Hindi nalalayo ang itsura nito sa lalaki sa naunang painting, pero ang kulay ng mata nito ay nakuha sa ina. Ito marahil ang anak nila na si Gray.
Nabaling ang atensyon ko sa katulong nang tawagin nito ang aking pansin.

Light in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon