Chapter 26: Girls talk

209 5 0
                                    

Girls talk

Maxinne's POV

"Max tama na yan! Let's go home!" Ininom kong muli ang laman ng baso ko saka tumungo sa ibabaw ng lamesa. We ended up here in a night club na kadalasan ay pinupuntahan ni Shaira. Pansin ko rin na halos ang mga nandito ay wealthy man dahil sa mga suot nitong business attire. Ang ilan ay halos nasa middle fifty's na at sure akong for business purposes ang dahilan kaya sila nandito.

"You're drunk!" Tiningnan ako nito na para bang hindi makapaniwala na naglalasing ako.

"I'm not." umiling ako dito.

Muli akong nag request sa waiter na lagyan ng isa pa ang baso ko pero pinigilan niya ang waiter at inagaw ang baso sa kamay ko.

"Seriously Max, that's enough." Hinila na ako nito palabas matapos nitong ilapag ang bayad sa counter. Aware akong pagewang gewang na ako maglakad at nahihirapan itong alalayan ako.

Umiikot na ang paningin ko at masakit na rin ang ulo ko.

"Kung alam ko lang na maglalasing ka ng ganyan hindi na sana kita sinama. You look wasted!" Ipinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman ang upuan ng sasakyan. Narinig kong nag ring ang phone ko at sinagot ito. Hoping that the call is from the man I love but no, it's from Mika.

"Where the hell are you?!" Galit na ito ng sagutin ko ang tawag pero bago pa ako maka sagot ay inagaw ito ni Shaira at siya na ang kumausap dito.

The thing I hate about drinking beer is the head ache it gives. Umiikot ang paningin ko at masakit ang ulo at hindi pa umaandar ang sasakyan para maka uwi na. Tahimik lang na naka titig sakin si Shaira na para bang inaanalyze ang bawat kilos ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Mika sa loob ng sasakyan.

"What the hell! I've been calling you for fucking hundred times! What is wrong with you?! Ngayon ka lang nag inom ng ganyan." Inistart na nito ang sasakyan, iniwas ko ang tingin dito at sumandal na lamang. "And you? You better tell me what happened." baling nito kay Shaira na nasa passenger seat at naka pikit na din. Mabuti na lamang at dumating si Mika dahil walang sino man sa amin ni Shaira ang pwedeng mag drive dahil sa pareho kaming naka inom or we might ended in a police station or worst car accident.

I close my eyes but instead of resting my mind what I saw is Blake's handsome face, his smiles and the way he laugh. I even feel his skin to me. Nababaliw na ba ako? What is wrong with me?

Ang gusto ko lang makalimot kahit sandali. For a second i want to be free from thinking of Blake. Pero kahit san ko ibaling ang atensyon ko ay siya parin ang nakikita ko.

Iniisip niya rin kaya ako? Worried rin kaya siya dahil hindi ako nag iiwan ng message sa kanya? What happened to him? To us?

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha sa mga mata ko habang naka pikit ako. Masakit ang ulo ko but the pain in my heart is really unbearable, it's heavy.

Naramdaman ko ang pag yakap sakin ni Mika at ang pag haplos ni Shaira sa likod ko. I cannot hide my emotions anymore Kaya humagulgol na ako ng iyak habang naka takip sa buong mukha ko ang dalawang kamay. Alam kong ramdam nilang may mali saken dahil sa mga kinikilos ko, it's really obvious.

Matapos kong umiyak sa loob ng sasakyan ay pumasok na rin kami sa bahay ko kasama si Shaira. Para akong nahimasmasan at nawala ng tuluyan ang pagkalasing dahil sa pag buhos ng emosyon na itinago ko ng ilang linggo.

"Drink this." inabot ni Mika ang dalawang tasa ng gatas sa amin ni Shaira, Kasalukuyan kaming nasa sala. "So, what happened?" Naka krus ang braso nito ng tanungin ako.

Love Of A Lifetime ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon