Eyes
Maxinne's POV
"All I know is I love you. I love you so much! I don't care about them. I only care for you. I love you for who you are, you may have lots of flaws but believe me I love all of them"
Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata Ng Hindi ko na masundan ang isinusulat ko. Matinding kalaban ng isang writer Ang mapaminsalang 'writers block' at Kung suswertihin ka nga naman eh habang nasa kalagitnaan ka ng pag susulat.
Bakit ba napaka hirap humugot ng story? Hirap na hirap akong gumawa ngayon. Bawat words na nalabas sa akin eh ramdam kong pinilit ko Lang ilabas. I was stuck.
Kung pwede Lang irequest sa boss ko Ang tragic ending Ng naiisip ko na story, eh ginawa ko na. At iniisip ko palang yon, ay napipicture out ko na ang magiging reaksyon nito.
Hinigop ko muna Ang kapeng tinimpla ko saka tumingin sa orasan. Pasado alas diyes na ng gabi. Hinilot ko Ang sentido ko. Sumasakit na Naman Ang ulo ko. Bahagya kong itinungo ang ulo ko Sa ibabaw ng lamesa.
"Max, anong problema?" narinig Kong tanong ni Blake, mabilis kong iniangat Ang mukha ko at Nakita itong nag lalakad palapit Sa akin habang kinakapa Ang dinaraanan.
"Sana tinawag mo ako blake." Sabi ko dito saka tinulungan itong makaupo.
"Ramdam Kong problemado ka"
Huminga ako ng malalim.
"Nahihirapan akong mag isip Ng Love story." para lang akong batang nag susumbong.
"Writer ka pala" naka ngiting Sabi nito.
Napansin kong may dimples pala Ito and I find it very attractive. Ngunit bigla akong natauhan Sa mga naisip ko Kaya nag kunwari akong stress padin.
"Ilang araw na akong ganito Blake. Hirap na hirap akong mag isip Ng Love story!" Inis na kwento ko dito.
"Hindi Kasi Yan iniisip. Nararamdaman iyan" seryosong sambit nito. Hindi ko napigilan mag taas ng kilay dahil Sa sinabi nito.
"Wow. Parang expert ka ha?" Sabi ko saka pinag cross Ang mga braso. "Tell me, nainlove ka na ba?" Nanunuri kong tanong.
"Oo eh" Sagot nito. Oh! Sana all!
"Pwede mo ba ikwento?" Tanong ko dito. Para Lang siguro maka kuha ako Ng idea. Malay mo naman very interesting pala Ang love story nito.
"Mahabang kwento. Handa ka bang makinig?" Tanong nito saken.
Umayos ako Ng upo saka parang batang sabik Sa kwento. Maybe because mag Isa Lang ako Sa Bahay na Ito Kaya sabik ako makinig Ng ibang kwento.
"I used to call her Z. First love ko" panimula nito. "Highschool sweethearts kami. Mula pa noon, Alam Kong gusto ko na siya at ganun din siya saken. Maganda siya, bagay na bagay Ang pangalan Niya Sa kanya at maraming nagsasabing bagay kameng dalawa." Napapangiting Sabi ni Blake.
"She loves painting." Sabi nito na tila ba nalungkot ngunit mas kinagulat ko Ng mag English Ito. Palaboy na englishero?
"Araw araw nag papractice siya mag paint. She was so desperate na makasali Ang painting Niya Sa isang exhibit Sa Canada. It's her dream. Dumating Sa point na halos Hindi siya nakaka tulog Kaka practice" saglit itong tumigil na para bang iniisip Kung itutuloy Ang kwento
"Continue." Sabi ko
"Until one day, habang papunta ako Sa exhibit na sinalihan Niya, Alam mo na? To give her my full support as her Boyfriend. Naaksidente ako habang nagmamaneho, bumangga ako Sa twelve wheeler truck. Ang bilis Ng pangyayari. Naramdaman ko na Lang ang pag sakit Ng mga Mata ko kasabay Ng pagkawala ko Ng Malay." Pag papatuloy nito.Naramdaman Kong medyo nag crack Ang boses nito.
"When I wake up. Wala na Kong Makita. Sabi Ng doctor I lost my vision dahil Sa mga basag na salamin na tumama Sa dalawang Mata ko" Sabi nito. Ramdam ko Ang sakit na dulot Ng pagkawala Niya Ng paningin.
"Naging miserable ako dahil Sa pagkawala ko Ng paningin. Wala akong ibang naiisip kundi si Z. Alam Kong nasasaktan din siya Makita na miserable ako. Sabi niya She's willing to take care of me." Sabi nito. Ramdam ko Ang sakit Sa bawat Sinasabi nito. I was about to cry ngunit natigilan ako Sa susunod nitong sinabi.
"Pero napagod siya.. napagod siya sakin. Hindi na daw Niya kayang alagaan ako at pakisamahan. I understand her. Pano Niya matutupad Ang pangarap niyang makilala Ang mga paintings Niya Kung lagi siyang naka alalay saken " Pagpapatuloy nito. Shock na napahawak ako Sa bibig ko. I couldn't say any words to him.
"Don't get me wrong, sobrang Mahal ko siya Kaya binigay ko Sa kanya Yung kalayaan Niya."
"Pagkatapos non, I left My Home. Wala Ng rason para manatili pa ako doon. Wala na si Z, Wala Ng reason para maka Kita pa ko. I was so Lost. Wala akong ibang hiniling kundi Ang makasama siya. Nagmakaawa ako pero ayaw na niyang bumalik. Kaya napag pasyahan Kong manatili na Lang Sa kalsada at magpa labo-" Hindi ko na pinatuloy Ang sasabihin nito. Hindi ko alam pero may part Sa puso ko na nag sasabing yakapin si Blake.
"I feel sorry for you." Sabi ko habang yakap Ito. "Napaka bait mo Hindi Mo deserve Ang iwanan" Sabi ko dito.
I don't know how to comfort a broken Man. Pero baka makatulong itong yakap na Ito sa kanya. Naramdaman ko Ang pag higpit Ng yakap nito Sa akin. Saka ko narinig Ang pag hikbi kaya Hinaplos ko Ang likod nito.
"Tama na nga itong drama na Ito! Dapat Kasi Hindi na Kita pinag kwento. Ang lalim pala Ng hugot mo" Pag iiba ko Ng topic saka pinunasan ang mga luha Sa mata at pisngi ko.
"Okay na ako Max. Isang taon na din Ang nakalipas Pakonti konti nabubuo na ulit ako" Sabi nitong naka ngiti.
Ngumiti din ako dito. Bilib din ako Sa tapang Niya. Hindi ko padin maiwasan malungkot dahil Sa sinapit nito Sa kanyang first Love.
BINABASA MO ANG
Love Of A Lifetime ✔
RomanceWARNING: UNDER REVISION The Writer's Love Story Series no. 1 Maxinne wanted only to finish the Job her boss gave to her - to write a Happy ending love story. The moment she steps her feet out of her house is the beginning of Her own Love story. Lov...