I woke up early pero mukhang mas nauna si Jungkook na nagising kesa sa akin.Bumaba ako at hinanap si Jungkook, nakita ko siya sa kusina na inaayos yung uniform niya. Hindi ko ba nabanggit na nag-aaral 'tong mokong na 'to? Ahahaha pwes, oo.
"Oh hyung, kamusta yung tulog natin?"
"Okay lang, masakit sa likod."
"Huh? Papapalitan ko mamaya yung kama mo."
"Joke lang, papasok ka na?"
"Hindi pa, susunduin ko pa si Violet sa bahay nila."
"Naks naman, girlfriend mo na ba?"
"Hindi pa, bakit? Hindi naman masamang ihatid-sundo yung kaibigan mo ha."
"Mmm, kaibigan lang ba?"
"Eh ayun lang yung gusto niyang mangyari eh."
"Tsss, hindi mo pa nga sinusubukan."
"Tutulungan mo ba ako?"
"Ay nako, wala akong alam diyan sa mga bagay na 'yan."
"Sige na nga, aalis na ako hyung. Lock mo nalang yung pinto."
"Okay."
At doon nagdisappear ang ilong este si Jungkook kaya dumiretso na ako sa banyo at naligo syempre nagtooth brush din, pagkatapos nun eh nagsuot ako ng polo shirt at khaki shorts. Para naman mukhang tao, ahehe.
Hindi na ako nag-abalang mag-almusal, pero kumuha nalang ako ng tinapay sa ref at pinalamanan ng jams ni Jimin este ng GEM.
Nilakad ko nalang yung bahay nila tita, para maubos ko yung tinapay at makapag-jogging, joke.
Nang makarating ako doon ay nagdoorbell ako kaso sumagot yung lecheng aso nila I mean lalaki.
"Pasok."
Mukha siyang maskulado, tantsa ko eh nasa -- na ata siya.
"Kuya, huwag mo namang takutin si Jiro."
"Bahala ka na sa kanila Jiro ha? Malalate na kami eh, nandoon yung tatlo sa taas at natutulo-- Angel! Halika na, isasabay na kita papuntang school."
"T-TATLO?"
"Oo, sige na aalis na kami. Mark, halika na."
"Yeah." tangina, nakakatakot yung boses nitong lalaking 'to. Ang lalim.
"Bye Jiro." sabi ni Angel, tangina lang nakakapang-init ng umaga 'tong babaeng 'to. Ahahaha joke.
Nginitian ko nalang siya tsaka dumiretso sa second floor ng bahay nila, tangina nilock ako dito. Para namang tatakasan yung anak nila.
Binuksan ko isa-isa yung kwarto, hindi ko kasi alam kung nasaan yung mga bata. Lima yung kwarto dito, yung una kong napasok eh yung kwarto nung mag-asawa. Pangalawa yung kwarto nung Mark ba 'yun? Pangatlo eh yung kwarto ni Angel.
*gulp* ito na ata yung kwarto nung mga bata.
Binuksan ko yung kwarto at nakita ko yung baby, tangina bakit baby? Juice ko.
Feeling ko eh nasa 6 months na yung baby, nagapang na eh. At babae pa tangina lang.
Binuhat ko 'yun tsaka dinala sa kabilang kwarto, maglilibot ako! Ahehehe.
Binuksan ko yung kwarto at nakita ko nanaman ang isang bata, 3 years old na ata 'to. Lalaki, he's peacefully sleeping in his car-like bed. Iniwanan ko nalang siya doon at binuksan yung huling kwarto.

BINABASA MO ANG
Bittersweet daydream [BTS Suga FF]
RomanceWill he able to find his materials and make his own masterpiece even if the world is against Suga?