Suga's point of view
Nasaan ako?
Bakit ang dilim dito? Nasaan si Jungkook?
"Jungkook?"
"Sinong nandito?" pilit kong inaaninag yung nasa harap ko pero wala talaga akong makita.
"Hello?"
Biglang may umilaw sa mismong harap ko, lighter. Pinapailawan siya ni Jungkook, putangina nitong batang 'to. Trip ata ako nito eh, bakit niya ako nilagay dito sa basement ng bahay niya?
"Bakit ako nandito Jungkook?"
Hindi siya umimik, naga-abang ako ka isasagot niya pero paulit-ulit niyang sinusuklay yung buhok niya. Anong problema nito?
"Huy ano ba Jungkook, anong problema mo?"
"Ikaw!" hinagis niya yung upuan sa harap ko, tangina. Anong sabi niya?
"Paanong ako? Bakit?"
"Ikaw! Si Violet! Anong ibig sabihin noon?"
"A-anong kami?" lumapit si Jungkook sa akin at sinuntok yung pader sa likod ko.
"Kayo ni Violet! Putangina bakit hindi niyo sinabi na may nakaraan kayo?"
Biglang kumirot yung ulo ko, baka sa dagundong lang ng suntok ni Jungkook. Putangina anong pinagsasasabi niya?
"A-ano?"
"BOBO KA BA? ANG SABI KO BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN NA NAGING EX MO SI VIOLET!"
Biglang luminaw yung paligid, may nakapasok ata.
"Itigil mo 'yan Jungkook, walang kinalaman si Suga dito. Mag-usap tayo." biglang sigaw ni Violet, teka ano bang nangyayari? Ang pagkakaalam ko eh napahamak ako sa inuman.
"Hindi naging kami ni Violet, Jungkook. Sa pagkakaalam ko eh hindi ako tumitira ng bata."
"Eh gago ka pala eh!"
Jungkook's point of view
Sinuntok ko si Suga, gago pala siya eh. Nagmamaang-maangan pa siya eh si Violet na mismo yung umamin.
Lumapit si Violet sa akin at hinawakan yung braso ko, nangangatog siya. Bigla akong nanlambot, she's my weakness yet my strength.
"P-please Jungkook, itigil mo na 'to." niyakap ko siya, I just want to clarify things. Ang OA ko, hindi pa nga siya sa akin pero ganito na ako. I feel like a jerk. Lumapit ako kay Suga hyung, I need to apologize.
Kaso, huli na.
"A-aaaaah shit!" hinawakan niya yung bunbunan niya, anong nangyari sa kanya?
"Hyung! Anong masakit?"
And then, he doze off again.
Suga's point of view
Nagisig ako, nasa kwarto na ako. Thank God I'm alive, ang sakit ng ulo ko kahapon.
"H-hyung!" lumapit si Jungkook sa akin, isa pa 'tong gagong ito. Nakahithit ata 'to kahapon eh.
"S-sorry nga pala kahapon hyung, I should've control myself."
"Tama, ngayon alam ko na mahal na mahal mo talaga si Violet."
"H-hyung naman eh!"
"Lika nga dito." lumapit siya sa akin at niyakap ko siya.
"Nice." may babaeng lumapit sa amin, si Violet pala.
"Oh nandito ka na pala Violet, lapitan mo 'tong boyfriend mo. Baka kung ano pang gawin sa akin eh."
"A-ah Jungkook pwede mo ba kaming iwan?"
"Sure." then he disappeared like a wind.
"I-I just want to talk with you." siya sa edge ng bed.
"Tungkol saan?"
"Sa atin."
"Walang tayo Violet ano ka ba? Baka sa inyo ni Jungkook mayroon, pero tayo? Wala."
"Nakalimutan mo na ba?"
"Yung ano?"
"Tayo."
"Wala akong naaalala na naging tayo Violet at sa-- AAAAAAH!"
Ang sakit.
Pinilit kong kayanin yung sakit, pinikit ko yung mata ko at may nakikita akong babae doon, shit sino siya? Lumipas yung limang minuto, dinilat ko ulit yung mata ko at nawala na yung sakit.
"Okay ka lang?" tanong ni Violet.
"Not unless you stop bugging me."
"O-okay, hindi na kita pipilitin."
Umalis na si Violet matapos niyang magsalita, tumayo na rin ako at pumunta sa cabinet ko, nilabas ko doon yung tinago kong pera.
Umupo ulit ako sa kama at inilapag yung pera doon.
"1 2 3 uh shit kulang na kulang pa."
"Anong kulang hyung?"
"W-wala, hehehe."
"Bakit ka nagbibilang ng pera?"
"Wala naman."
"Weh, ayan ba yung para sa chuchu mo?"
"Hindi!"
"Tsss sige na, hindi na kita pipilitin."
"Mabuti naman kung ganon."
Bumaba ako sa bahay niya at sinuot yung sapatos ko, nagring yung cellphone ko. Shit, bakit nakabukas 'to? Binuksan ko yung screen para tingnan kung sinong tumawag.
Mom calling
Pinindot ko iyon at sinagot yung tawag.
"A-anak! Thank God you answered my call, kamusta ka na?"
"Why do you have to ask me that kind of question kung ikaw mismo yung nagpalayas sa akin?"
"N-no I'm not! Yung papa mo ang gumawa noon."
"Talaga? Eh bakit mo hinayaan si papang paalisin ako?"
"I don't have a choice darling, alam mo naman na hindi nakikinig ang papa mo sa akin."
"Tsss bye."
I ended the call.

BINABASA MO ANG
Bittersweet daydream [BTS Suga FF]
RomanceWill he able to find his materials and make his own masterpiece even if the world is against Suga?