Note 2

192 18 1
                                    

Suga's POV

Pumunta na ako sa kwarto ni Jungkook, kukuhain ko na yung susi. Pero bago 'yun, nilibot ko muna yung kwarto niya. Hmm, medyo masinop naman. Nakatambak nga lang yung halos 80% ng gamit niya sa kama niya.

Napadpad yung tingin ko sa mga photo frame, in fairness naman kay Jungkook ha, bawat parte ata ng mukha ni Violet eh kabisado na niya. Paano ba naman, eh puro mukha niya yung nandito. Hindi ba nawe-weirdohan si Violet sa kanya?

Kinuha ko na yung susi, baka mahuli ako ni Jungkook na nangingielam eh baka hindi na ako patirahin dito. Wala na talaga kasi akong maisip na kaibigan ko na pwede kong tirahan, ayaw ko namang tumira na doon kayla Dad. I feel imprisoned, lagi nalang nila akong pinagbabawalan. They don't even care about my dream, sa sobrang kahigpitan nila eh lahat ng opportunities eh nasasayang lang. Damn, I'm already 21 years old and I want to live my own life!

Matapos kong magemote eh lumabas na ako ng kwarto ni Jungkook, saan kaya ako patutulugin ng gagong 'to? Nilibot ko muna yung buong bahay niya, ang swerte naman niya. Ahahaha ang bata-bata niya pa eh may sarili na siyang bahay. Next project ko 'yan.

Nang nabored ako eh umupo nalang ako sa couch, bubuksan ko sana yung phone ko nang maalala ko na hindi pa pala ako nagpapalit ng sim card. Baka kalabugin ni dad yung buhay ko, ahahaha. Bahala na, papatayin ko muna 'to.

Naglaro muna ako ng video games, after ng ilang minuto, narinig ko yung makina ng sasakyan ni Jungkook sa labas.

Hindi ko nalang iyon pinansin at humiga nalang sa sofa, kinalikot ko yung patay kong hendipon. Ahahaha

"Oh hyung, bakit ka nandiyan? Dapat nilibot mo muna ang aking mansyon!"

"Gago, wala ako sa mood."

"Ay, nakuha mo na ba yung duplicate?"

"Oo."

"So ano na yung pag-uusapan natin?" binaba niya yung backpack niya at nagdive sa kaharap kong sofa.

"Yung tungkol sa pag-stay ko dito, I just want to clarify some things."

"Oh, ano naman 'yun hyung? Okay lang naman sa akin, walang bayad yung pagstay mo dito. Feel free, kaibigan naman kita."

"Hindi naman sa ganoon Jungkook pero diba, gusto ko ring bumukod. Titira lang naman ako dito ng pansamantala eh, pag nakapagipon na ako, aalis na rin ako. Actually, I'm planning to study abroad, I'm trying to pursue my dream."

"Walang problema hyung, basta kung kailangan mo yung tulong ko, nandito lang ako."

"Ang cheesy mo bro, tangina."

"Ahahaha pero oo nga, nandoon pala sa pangatlong kwarto yung room mo."

Nilibot ako ni Jungkook sa bahay niya, naks naman ang gago oh. Daming kalat, ahahaha.

Nang marating namin yung kwarto, tiningnan ko muna 'yon. Hmm, malaki-laki naman. Kasya yung painting canvas ko, may study table rin siya, may single bed, maliit na aparador at pintuan papunta sa banyo.

Okay naman, aangal pa ba ako? Makikitira na nga lang ako eh.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa hyung, nandoon lang ako sa kwarto ko."

"Sige sige, ah s-salamat pala ha?"

"Ano ka ba hyung, walang problema."

Nginitian ko nalang siya at lumipad sa kama, ang lambot tangina, hihiga sana ako nang maalala ko na hindi pa ako naliligo. Tumayo ako kaagad at dumiretso sa banyo.

Bittersweet daydream [BTS Suga FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon