Suga's POV
Kinakabahan akong pumasok sa bahay namin, oo bahay namin 'to pero hindi lang talaga ako sanay na umuwi dito. Pakiramdam ko kasi hindi ako karapat-dapat dito, dire-diretso ako na umakyat kaso may tumawag sa akin.
"Suga anak, mag-usap naman tayo."
Oh crap I'm dead, nandito si dad. Humarap ako sakanya at dahan-dahan na umupo sa sofa.
"So kamusta naman yung course mo? Are you enjoying your college life?"
"Well actually, I don't like the course dad. Kayo lang naman ni mom ang pumili nun eh. I have no reason to object."
"Ilang beses na ba kitang pinaliwanagan ha? Diba nga sabi ko sa'yo na you can take all the courses you want pag natapos mo na 'yan?"
"Sorry dad but, I think it's not the right time to talk about this shit"
Umakyat nalang ako ng tuluyan tsaka kinuha yung mga naiwan kong mga gamit. Dali-dali kong nilagay sa bag ko yung mga damit, pera, palettes, brushes, sketch pads and etc. Well actually hindi na talaga ako dito nakatira, nakikitulog lang ako sa mga bahay ng kaibigan ko . This night, kay Jungkook naman ang target ko, he has no choice. I'm broke.
Pagkababa ko ay sumalubong kaagad sa akin si dad, his eyes were gazing at my bag.
"Who gave you a permission to get your things in my house?"
"B-but dad. I can't survive without these things."
"Kung hindi ka makakatiis, ipagpatuloy mo yung course mo at dito ka tumira."
"Never dad, hindi ko maaatim na makasama kayo ng kalaguyo mo."
"Aba't talagang namumuro ka nang bata ka ha! Hala sige, leave the house. Tingnan lang natin kung makakasurvive ka sa kahirapan."
"Kung sa piling mo nga dad eh nakasurvive kami ni mom, sa kahirapan pa kaya?"
After that fight, hindi na ako bumalik sa bahay niya. I don't want to see his face, I used my car to head off to Jungkook's house. This car, ito nalang yung possession ko. I don't want to lose this.
I stopped the engine when I reached my destination, kahit kailan talaga 'tong gagong 'to eh. Harapan palang ng bahay niya ang dugyot na. Tuloy-tuloy akong pumasok sa pamamahay niya, ano namang pake niya kung pumasok ako? Eh parang hindi na siya nasanay sa akin, dati nga nahuli ko siyang may kasamang babae dito sa bahay niya. Normal nalang sa amin 'yun pero hoy hoy hoy! Hindi ako ganoong tao. Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto niya, susurpresahin ko sana siya pero parang ako yata ang nasurpresa. Hay nako, nandito nanaman yung bestfriend niya. Si Violet, ang weird talaga nitong babaeng 'to kahit kailan. Ang akala ko nga dati sila na eh, akala ko lang pala. Naglalaro siya ng video games sa tv ni Jungkook habang si Jungkook naman eh natutulog sa carpet, baliw talaga 'tong si Violet. Siguro dito 'yan natulog at sa lapag naman niya pinatulog yung may-ari ng bahay na tinutuluyan niya, anyways. Sinenyasan niya ako na manahimik, sus. Siguro crush niya si Jungkook, siguro lang ha. Bata pa si Violet, mga nasa 16 palang ata. Magkaklase sila ni Jungkook, accelerated kasi yung babaeng 'yun. Una ko siyang nakilala sa ganitong posisyon din, akala ko nga nakaone-night-stand lang siya ni Jungkook nung pagbisita ko sa kanila eh. Ayun pala, dito lang siya natulog kasi late siyang umuwi sa bahay nila.
Hindi ko naman sinunod yung senyas niya at biglang sumigaw at naging dahilan ng pagtayo ni Jungkook, tangina. Nakakahiya 'tong gagong 'to, may morning wood siya at sobrang obvious, siguro eh hindi nanaman siya nag-underwear kagabi. Tangina lang, mabuti nalang at busy si Violet sa paglalaro kung hindi, patay, nakakahiya 'yun. Pinalo ko yung likod ni Jungkook at
"Hoy gago, dumiretso ka na sa banyo at ilabas mo yang dinidibdib ng ulo mo. Makita pa 'yan ng kaibigan mo."
"Ano ka ba hyung, sanay na 'yan."
"Huh? Gago ka talaga, pati kaibigan mo tinitira mo!"
"Anong pinagsasabi mo hyung? Sabi ko sanay na siya na hinahang-over ako, bastos mo talaga. Pero oo tangina, alam kong may morning wood ako. Mamaya na tayo mag-usap, libangin mo muna si Violet at maliligo pa ako."
"Maliligo lang ba? O siya, bilisan mo at may pupuntahan pa ako."
Tumakbo siya ng parang gago at habang ako naman eh nakipaglaro nalang kay Violet, sayang 'tong babaeng 'to eh. Kung hindi lang manhid eh siguro matagal na silang magkarelasyon ni Jungkook, oo, may gusto si Jungkook kay Violet. Huwag lang kayong maingay ha? Baka kasi malaman niya, manghang-mangha lang ako kay Jungkook kasi kaya niyang magpigil. Ahahaha yung gagong 'yun talaga eh, kung kailan huli na doon palang titino.
Nang mabored na ako kakalaro eh kinausap ko nalang si Violet, as usual. B-O-R-I-N-G.
"So kamusta ka na Violet? Wala pa bang progress?"
"Anong progress naman 'yun Syugs?"
"Tangina, anong Syugs? Ang iksi-iksi na nga ng pangalan ko papaikliin mo pa."
"Ang cute kaya, tsaka parang wala naman tayong pinagsamahan. Pasalamat ka nga at binigyan kita ng palayaw."
"Pero ano nga? Wala bang progress?"
"Ano ngang progress?"
"Sa inyo ni Jungkook."
"Whut? Ahahaha niloloko mo ba ako Syugs? Syempre wala, kaibigan ko lang si Jungkook no. W-wala ng iba."
"Talagaaa?"
"Oo nga, kung maiinlove man ako. Hindi sa kanya no!"
"O sige na, naniniwala na ako. Kalma lang, mamaya bugbugin ako ni Jungkook eh."
"Baka ako mismo yung bumugbog sa iyo gago."
"Hindi mo nga nagawa nung last attmept mo eh."
"A-ano ka ba, syemp--"
"Ano bang pag-uusapan natin hyung?"
"Ay tangina, gago ka Jungkook. Ginulat mo ako, pwede bang makikain muna bago tayo mag-usap?"
"Next time ka na kumain hyung, bilisan mo at ihahatid ko na si Violet sa bahay nila. Tumawag na si tita sa akin Vi, umuwi ka na daw. Ihahatid na kita mamaya-maya." Biglang sabat ni Jungkook.
Kita mo, mas inuna pa si Violet kesa sa akin. Inlove talaga 'tong gagong 'to, tsk tsk tsk.
"Sige Jungkook, mamaya-maya na. Tatapusin ko lang 'to." sabi ni Violet.
"So ano nga 'yun hyung?"
"Dito muna ako habang wala pa akong malilipatan."
"Ano? Are you insane hyung? May bahay ka naman ah, bakit dito pa?"
"Bakit? May tinatago ka ba dito?"
"W-wala naman hyung p-pero"
"Pero ano?"
"O sige sige, basta pag nakahanap ka na ng malilipatan mo layas ka na ha?"
"Oo naman Jungkook, ako pa."
Kinamot niya yung ulo niya, hahaha. Akala niya matatakasan niya ako? Habang dito pa ako titira, iimbistigahan ko si Jungkook. Ahahaha, parang iba kasi yung kinikilos niya eh.
"Vi, tara na. Tayo na diyan, uuwi na kita."
"Punta muna tayong Shakey's bago tayo umuwi."
"Eh?"
"Pleaaaase?"
"Sige na nga." ginulo niya yung buhok ni Violet at tuluyan nang umalis.
"Hyung, kuha ka ng duplicate ng susi nitong bahay sa may drawer ko. Sa pangatlong section ha?"
"Oo na, ako nang bahala dito."
Si Violet lang pala yung kahinaan niya eh, ahahaha. Maibalita nga 'to kila Jin, for sure aasarin nila si Jungkook.
Hay nako, yung expenses ko nalang yung poproblemahin ko at ready-to-fly na ako.
BINABASA MO ANG
Bittersweet daydream [BTS Suga FF]
Storie d'amoreWill he able to find his materials and make his own masterpiece even if the world is against Suga?