Hindi ko mapigilang hilamusin yung mukha ko, why do I have to do such things that'll make my mother feel awful to herself?
Parang unti-unting bumabalik sa akin yung mga sakit na binabato ko sa kanya dahil doon sa ginawa ko. One small mistake, and I already felt guilty.
I stood up and put back the money that I only have, kailangan kong gumawa ng paraan. I need to get outta here.
Bumaba ako at hinanap si Jungkook, I searched for him in his bedroom but he's nowhere to be found. Saan nanaman nagpupunta yung lalaking iyon?
Hinanap ko na siya sa buong sulok ng bahay but, I can't see him. Nagpalit na ba sila ng height ni Jimin? O baka tinulungan niya 'tong maghanap ng jams niya?
"Jungkook!"
"O-oh?" sumilip ako sa lugar kung saan nanggagaling yung sigaw niya, nandoon lang pala siya sa sofa, nanonood ng Sex in the City.
"May sasabihin sana ako sayo."
"Tungkol saan? Kay Violet?"
"Kay Violet? Agad-agad? Hindi ba pwedeng yung brief ko munang nawawala?"
"Eh wala ka ngang damit na dala eh."
"Ay oo nga no hehe." I flashed my killer smile on him, yung specialty ko, yung with matching gilagid pa.
"Pwede bang humingi ng pera? P-promise! Ibabalik ko pagkabalik ko dito." nakayuko kong sabi, ito na ata yung time.
"Sure." ganoon lang? Hindi niya man lang ako kukwestiyunin sa kung saan ko gagamitin yung pera? Grabe ha, RK ba 'tong batang ito?
"Kailan ko makukuha Kook?"
"Bukas." sagot niya habang nakatitig sa tv habang ngumunguya ng gummy worms, hindi pala nginunguya, hinihigop niya pala. Akala niya ata noodles iyon.
"T-teka, may cash ka? Malaki-laki yung hihingin ko, mga 280,000."
Binitawan ni Jungkook yung bowl ng gummy worms at bigla niya akong hinatak sa t-shirt ko.
"Huuuuump mmmmm!" kinalog-kalog niya ako at tinuro yung kusina, anong ibig niyang sabihin?
Pilit niyang tinuro yung kusina pati yung lalamunan niya, aaaah. Tubig pala, nabilaukan ang gago.
Pumunta ako sa kusina at kinuha yung pitsel.
"Oh." agad-agad niyang kinuha yung pitsel mula sa akin, sobra na ba yung nakain niya't nagkaganyan siya?
"Bakit naman ganyan kalaki hyung?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Jungkook, ganoon niya ba ako kamahal na ngayon palang eh naiiyak na siya?
"Syempre, sa ibang bansa iyon brad."
"Pero seryoso ko nga? Aalis ka na?"
"Oo, baka paghahanapin pa ako nung mga iyon."
"Paano yung trabaho mo?" tanong niya habang pinupunasan yung tubig na tumulo sa ilong niya, ayan kasi, napakalaki ng ilong. Akala niya siguro eh bunganga niya na iyon.
"Edi syempre iiwan ko na, alangan namang forever yaya ako, makahanap pa ako ng sir chief ko doon eh."
"Gago! Hahaha balitaan mo ako ha?"
"Oo naman, gusto mo bang tawagan kita araw-araw? Baka mamiss ko ako eh." at nag-Jin hyung sign ako.
"Hindi bagay sayo hyung!" at hinawi niya yung kamay ko.
"Ano? Mag-bar tayo?"
"Mauubusan ako ng pangbigay sayo hyung."
"Mag-aambag ako."
"Weh?" grabe naman 'to, anong akala niya sa akin? Pulubi? HAHA.
"Sige ba."
"Wait lang magbibihis lang ako."
"Anong mapapala mo pag nagbihis ka? Malilibre ba yung entrance? Eh kung maghubad ka kaya edi nalibre pa tayo."
"Gago ka talaga hyung!"
"HAHA joke lang, sige na. Iintayin kita sa labas."
Lumabas na ako ng bahay ni Jungkook at umupo sa gutter, tumingin-tingin ako sa paligid at napansin ko yung bulaklak. Ngayon ko lang nalaman na nag-aalaga pala siya ng bulaklak, hindi ko alam yung klase niya pero iisa lang yung naalala ko nung mga panahon na iyon. It somehow made me feel calm.

BINABASA MO ANG
Bittersweet daydream [BTS Suga FF]
RomanceWill he able to find his materials and make his own masterpiece even if the world is against Suga?